Skye's Pov
From: King<3
Sorry, I can't be with you... this week lang naman. I'll update you. Keep in touch, my Queen. Sorry biglaan.
Kakagising ko lang nang nabasa ko 'yong text niya. Bakit ano kayang mayroon? Biglaan naman 'yan, nakakainis. Wait... edi walang
Mr. Intrams si Light? Wow.To: King<3
I'll keep in touch. Take care, be safe and pasalubong. Hahaha! Wait, saan ba kayo pupunta?
From: King<3
Hongkong, queen. Don't worry may pasalubong ka naman lagi. Ako pa nga lang busog ka na. Haha.
To: King<3
Yaks! Ang green mo! Bastos! Anyway, ang layo niyan ha, mamaya gwapuhan sila sa'yo ang gwapo mo kasi e. Agawin ka pa saakin. Wait, sino kasama mo?
Ang tagal niya bago mag reply, siguro busy siya.
From: King<3
Again, I'm sorry. Goodbye, queen. Call, you later.
Business kaya? Hay. Next week ko pa siya makikita, badtrip. Hindi ko rin alam kung sino ang kasama niya.
Tinapos ko na lahat at pumunta na akong school.
Wala palang ako sa classroom nang kausapin ako ni Ella.
"Hoy, best. Bakit wala si boyfie? "
"Pumuntang Hong Kong may gagawin daw doon. Bakit?"
"Wala lang naman. 'Yong bruha nakita mo na?"
"Sinong bruha?"
"Si Light. Duh." At natawa ako sakanya, sa pagkakasabi niya nang 'bruha' at 'duh'. Para kasi siyang ewan.
"Aba ma at pa."
"Anyway, anong plano mo sa monthsary niyo?"
"Wala pa e. Bakit ka ba tanong nang tanong? Kulit mo ngayon best, ha."
"Wala lang, gusto ko lang magtanong. Masama? Masama? Echos 'to."
Nasaupuan na ako nang nakita namin na si Kevin lang ang dumating. Himala wala si Light. Wala din naman si Hell. Hindi naman siguro sila magkasama, sa laki ng mundo hindi naman siguro.
"Hey, kamusta paa?" Tanong niya saakin.
"Okay naman na. Buti nakakatulong ka saakin hindi puros pasakit. Char!"
"Kahapon ka pa. Kundi lang kita mahal binatukan na kita."
"Batukan talaga? Nagpapasalamat pa nga ako at mahal mo ako e. Hahaha!"
"Where's Drake?" Oo nga, nasaan 'yong asungot na 'yon? Ano 'yon nawawala sila lahat?
"Ayon, absent for four days, hanggang Friday."
"Uh? Ano daw mayroon?"
"May business daw sila na aasikasuhin. Kinda miss him." Aww, I feel her.
"I miss him, too."
"Edi kayo na may love life."
"Mayroon naman si Light. Ligawan mo na."
Kung kanina okay 'yong mukha niya, 'yong sinabi ko 'yon biglang nagbago agad. Problema nito?
"I admit, I like her..."
"Oh edi... i-push mo na. Court her, kahit masama ugali non."
"I like her... before."
BINABASA MO ANG
Everything is You
RandomLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...