Chapter 7

80 4 0
                                    

Ella's Pov

vibrate vibrate

From: TitaDyosa

Hello iha! Pasensya na kung nakakaistorbo ako, nandiyan ba si Skye? Hindi pa kasi umuuwi 'yong batang iyon nag-aalala na ako. Jusko! Ang mga kabataan ngayon.

Dyosa? Yes. Tita is a very pretty lady. Magkaibigan na sila mommy nung naging kaibigan ko na rin si Skye. Mabait si Tita grabe, daig pa si Mommy. Wait, 10:41 pm na wala pa rin si Skye? Impossible. Umalis siya ng 5:30 pm kanina. Saan naman kaya pumunta iyon? Bakit kinakabahan ako?

To: TitaDyosa

Wala naman po akong ginagawa tita, kaya okay lang po. At kanina pa po umalis si Skye sa school, mga 5:30 pm.

From: TitaDyosa

Nako! Nasaan ba 'yong batang iyon. Ninenerbyos na ako. Pwede Ella kung may kakilala ka o baka kasama niya kanina paki tanong kung nasaan si Skye. Salamat iha.

To: TitaDyosa

Opo tita. Sige po. Welcome po. :) Ingat po.

Matawagan nga si Drake my loves. Maharot.

"Hello, Drake. Nakita mo ba si Skye?"

"Oh! Hi. No. Why?"

"Wala pa daw kasi siya kanila Tita. Nag-aalala na rin ako."

"What? What I know is umuwi na kaagad iyon. Wait, I'll ask Hell. I'll text you if she's with Hell."

"Ah, okay. Ah, Drake..."

"Yeah?" Yayayain ko kaya? Gusto kong lumabas kami.

"Labas tayo. My treat."

Mahirap 'tong gawin lalo na kung crush mo pa 'yong yayayain mo diba?

"Your treat?  Hmm... sure. Pag si Skye siguro 'yan wala, ako lagi maglilibre sakanya. Hahaha! PG kasi siya."

"Oo ah. Grabe siya eh, but still I love her. Bff kasi kami. Hahaha! So, I'll text you."

"Yeah. Sure. Available ako anytime, para sa'yo. Hahaha!"

What was that? Available ako anytime para sa'yo. OMG. Nakakakilig naman. Para saakin daw.

"Ah, eh. Sige, bye."

"Yeah, bye. Sweet dreams."

Kung nandito si Skye, siguro pag sasabihan niya ako. Wait si Skye nga pala.

Tinext ko na si Tita Dyosa, wala pa rin kasi si Skye hanggang ngayon eh. Nako nako. Nasaan ka na Skye? Ayaw sumagot nung cellphone niya. Hindi kaya... hindi. Hindi. Wala naman sigurong nangyari sakanya.

knock knock

"Come in po." PO, magalang ako.

"Hey, so what's up?"

Ay, si Daddy pala. Bumabagets si Daddy.

"Uhm, Dad. Skye is not answering her phone. Tita said wala pa siya sakanila."

"Hi, hon."

Nandito rin si Mommy. Himala pinuntahan nila ako dito sa kwarto.

"What's wrong? Anak, tell us. Ano ba iyon?"

"Mommy kasi hindi pa umuuwi si Skye sakanila. She's not answering her phone pa. Tita Dyosa is nag-aalala na." Darla lang ang peg.

"Dear, baka naman may pinuntahan lang siya. Magpahinga ka na, okay? Baka bukas mayroon na siya." Maybe my Mom is right.

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon