Skye's Pov
Kakapanibago, hindi ako sinundo ni Hell ngayon pero hindi naman niya dapat ako susunduin e. Hindi niya naman ako girlfriend para sunduin niya.
Ginamit ko na 'yong bag na ibinigay niya. Ano kayang mayroon? Habang naglalakad ako, pinagtitinginan nanaman ako. Ano bang mayroon saakin? Artista ba ako para tignan? Pero siguro kailangan ko na rin masanay kasi lagi kong kasama sila Hell.
Pagpasok ko sa classroom hinanap ko kaagad si Hell. Ayon, natutulog ang loko. Lumapit naman saakin si Drake.
"What happened to him?"
"Malay ko diyan, kahapon pa 'yan e." Bigla niya naman tingnan 'yong bag ko.
"Red, huh?"
"Yes, why?"
"Parehas kayo ng bag ni Hell."
"HA?!" Kaya pala, kaya pala nakatingin saakin 'yong mga tao. Pumunta ako sakanya at binatukan siya.
"What's your problem?!" Napasakit ata, sorry.
"Bag."
"So?"
"Ba't ang sungit mo? Anyway, parehas tayo nang bag. Para saan ba?"
"Wala, gusto ko lang." With that, agad akong napatingin kay Drake. Tapos si Hell natulog ulit. Bad trip.
"Hep! Hindi ko alam kaya wag kang magtanong. Ang alam ko lang kung gusto niya gusto niya." Kung gusto niya gusto niya.
"Ganyan ba siya? Binigay niya saakin 'yan nang wala namang dahilan kung bakit."
"Meaning, you're special." Special? Bumalik ako kay Hell, tinanong ko siya kung bakit naiinis siya kagabi.
"Nothing. Forget about what happened last night." Magsasalita na sana ako pero natulog ulit ang loko.
Bigla namang dumating sila Kevin. Light is killing me with her eyes. I just rolled my eyes. Hah. Epal. Tumingin naman siya kay Hell at napansin niya 'yong bag niya at tumingin din siya sa bag ko, with that I know she's angry and jealous.
Naglakad sila ni Kevin papunta sa upuan nila pero bago 'yon, natapon ng kaklase ko 'yong cake na kinakain niya. I mean NASAGI o SINAGI. Sinagi siya ni Light. Bastos talaga itong bruhang ito. You're pissing me off. Show me what you got. Lahat ng kaklase namin natahimik na lang, itong katabi ko naman tulog pa rin, sila Ella at Drake naman nawala? Asan 'yong dalawang 'yon? Nako naman. Agad akong kumuha sa cake nang katabi ko, ginawa ko rin 'yong ginawa niya saakin. Tinapunan niya ako ng cake sa ulo, ginawa ko rin 'yon. Sama ko.
"What the hell are you doing?!" Bulag ka nanaman Kevin, hindi mo nanaman nakita 'yong ginawa ni Light. Hindi ko siya sinagot imbes na kinausap ko na lang si Light
"Anong pakiramdam mo Light? Malagkit ba?"
"Just stop please. Hindi na nga kita inaway kahapon pero ano nanamang ginawa mo saakin?" AKO? Inaway? Aba loko pala 'to e.
"Fyi, ikaw ang umaway, hindi ako."
"Liar!"
"By the way, hindi ako liar, ikaw 'yon. Don't act like an angel 'cause you're not."
"How dare y—" Sasamapalin na niya sana ako pero sinampal ko kaagad siya.
"Making my life miserable? I can't stop you but I won't let you, until the end."
"Diba nag-usap na tayo? Wag mo siyang gagalawin." Tumingin agad ako kay Kevin.
"Diba sinabi ko din sa'yo, kapag ginulo niya ako may mangyayaring masama. That means, away na."
BINABASA MO ANG
Everything is You
RastgeleLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...