Chapter 30

117 3 3
                                    

Skye's Pov

Uwian na. Kinakabahan na ako. Breath in and breath out.

"I'll see you later."

"Saan?"

"Sa puso mo." Takte. Kinikilig na naman ako e.

"Saan nga?"

"Park. Magpasama ka kay Ella at Drake."

"Sige, bye!" Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa noo. Aww, sweet.

"Take care." I nodded.

"Take care, too."




"Hoy best!"

"MakaHOY ka naman! Suntok, gusto mo?!"

"Ito naman hindi pa nasanay. Anyways, magpaayos ka nga. Mag-ayos ka. Tignan mo mukha mo at suot mo para kang ewan."

"Ouch! Tagos, bes. Tagos! Hahaha! Okay naman na 'tong jeans at t-shirt ah."

"Gaga! Mag ayos ka nga! Aba 'te, first time mong magdedate kaya dapat special." Kita niyo siya, GAGA daw ako. Straight forward ang babae.

"Oo na oo na. On second thought, huwag na pala. Wala akong damit na maayos e. Hehe."

"Babe tara sa SM, samahan natin si best."

"Sige, babe."

At ayon nga, nagpunta na kaming SM. Anong gagawin namin dito? Bibili lang ng damit. Madami akong nakitang maganda pero mahal naman.

"Wag na kasi best, ang mahal oh."

"Ay nako best, libre daw ni babe kaya no problem."

"Weh? Si Drake?! Kala ko pagkain lang ililibre mo pero pang shopping din pala! May HIMALA!"

"Loko talaga 'yong best mo babe, gandang batukan."

"Hahahahaha! Maghanap na nga lang tayo ng isusuot mo."

At naghanap naman sila. In fairness may nakita si Ella pero hindi ko type. Ayoko ng showy masyado.

"Ito na lang oh." Pinakita ko sakanila 'yong dress na white, black and white. Simple lang pero maganda.

"Mukha kang anghel diyan, best! Hahahaha!"

"Ganon talaga girl. Hahaha! Simplicity is beauty."

"Oh siya, babe ito na daw oh. At ito pa para sakto."

Nanlaki kaagad 'yong mata ko. AS IN.
Paano ba naman kasi may heels pa. Hindi ako nagsusuot ng ganyan. Lintik.

"Fyi best, hindi ako nagsusuot ng ganyan, remember?"

"Alam ko, try mo lang wala namang mawawala."

"Oo nga, bagay mo naman." Support nilang dalawa saakin. Sabagay wala namang mawawala.

"Oh, tara na. Punta na tayong park."

"Ang aga best, wag atat. Mga 7 pm pa 'yon. Matagal pa, may two hours pa tayo, relax." Two hours?!

"Ba't niyo alam, ha?!"

"Secret! Bleh!"

"Aish. Saan kasi tayo pupunta?"

"Basta sumama ka na lang saamin." Sumama ako sakanila, bahala na. Matagal pa naman ang two hours.

At nandito kami sa... ano ulit tawag dito... 'yong gupitan ng hair... 'yong... ah basta nakalimutan ko.

"Tadaaa!"

"Seriously?"

"For real?!"

Pinaupo niya naman ako sa upuan at gawin daw na curl 'yong hair ko para maiba naman daw at kulayan ng grayish lang. Required naman kami sa school na may kulay ang buhok basta three times per year lang gagamitin at ito palang ang pinaka una ko, hanggang umaga na 'to at hanggang gabi.

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon