Chapter 26

78 5 0
                                    

Skye's Pov

"Anak, gising na! Diba maaga ka ngayon? Tulog ka pa rin!" Nagising agad ako sa sigaw ni Mama. Hay.

"Opo, Ma! Ito na po, babangon na."

Teka nga, anong oras na ba?
6:40 am? What? Hala. Late na ako. Teka, nag promise ako kay Hell na maaga ako. Patay.

Dali-dali akong kumain at naligo. Jusko 7 am na. Aabot ako, aabot ako. 7:30 am pasukan namin ngayon. Makikita ko pa si Hell, kaya 'yan.

At sa wakas. After 12345679 years. Nandito na rin ako. Hinanap ko kaagad si Hell pero hindi ko makita. At least nakita ko na si Drake at Ella.

"Drake... Ella! Asan si Hell?"

"Bakit ngayon ka lang?! Tinatawagan ka namin hindi ka sumasagot! Tinetext ka namin hindi ka nagrereply. Ano bang nangyayari sa'yo?!"

"Sorry na. 'Yong cellphone ko e nakalimutan ko kakadali ko. Sorry na talaga. Asan si Hell?"

"Tss. Si Hell?"

Nagkatinginan naman silang dalawa. Kinakabahan ako, paano kapag naghintay siya, ano 'yong gagawin ko? Ano sasabihin ko? Nag promise pa man din ako. Ngayon sinira ko 'yong promise ko sakanya.

"Nanduon si Hell sa Garden. Wala pang masyadong tao pumunta ka na. Pumunta ka na, hanggang may pag-asa ka pa." Lungkot na sabi ni Drake.

Kinakabahan ako, baka hindi niya na ako kakausapin, baka magbago na ang lahat. Pero kailangan ko siyang puntahan.

Sa garden. Ayon nanduon siya may dala-dalang flowers at gitara. Bago pa ako humakbang nakita ko si Light.

Lumapit siya kay Hell. Nag-uusap silang dalawa at ako dito ewan ko, hindi ko marinig. Pero sa ngayon ayokong nakikita si Light kasama si Hell. Ayoko. Ewan ko ba kung nagseselos ako. I hate it.

Maya-maya...

Hinalikan ni Light si Hell. Ba't niya hinalikan? Ba't ako... ba't parang nasasaktan ako? Gusto kong sabunutan si Light pero hindi ko magawa. At hindi lang si Light ang humalik kay Hell, pati din si Hell. Ano 'to sila ulit? Ano 'to lokohan lang?

Naramdaman ko na palang may tumutulo sa mga mata ko, luha... luha. Ba't ako umiiyak e hindi naman kami diba? Hindi nga kami pero may nararamdaman ako sakanya... kay Hell.  To think na si Light ang unang humalik nag respond naman si Hell. Wow, ano? Sakit lang.

Sila na ba ulit? Bakit? Kala ko naka move on na siya? Ba't ganon? Ayoko ng makita... ayoko na. Masakit, nasasaktan ako.

Umalis na ako, hanggang pagpasok ko sa classroom umiiyak pa din ako, buti na lang wala pang mga tao dito. Ang lakas nang apekto mo saakin Hell nakakainis.

Padating na 'yong mga kaklase namin, pinunasan ko kaagad 'yong mga mata ko. Bahala na, basta ayokong kausapin si Hell ngayon. Nandito na rin sila Ella.

"Ano nakausap mo?"

"Hindi ko nakita."

"Ahh, sayang naman. Hinanap mo?"

"Hindi na, magtitime na 'yon e." Galing magsinungaling Skye, ang galing.

"Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?" Si Drake na ang nagtanong.

"Malamang hindi! Ba't naman ako iiyak? At na... na puwing ako tapos kinusot ko lang 'yan." Pinipilit kong normal lang 'yong boses ko.

"Wala lang, napansin ko lang." Nagbasa na lang ako at hindi na muna sila pinansin.

Maya-maya may teacher na sa harap pero wala pa rin sila Hell.

"Page 189, answer questions 1-6."

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon