Ella's Pov
"Hey, Babe." I called Drake.
"Yes, Babe?"
"Tignan mo 'yong dalawang 'yon oh."
Tinuro ko sila Hell at Skye, ang sweet nila eh. Nagkukulitan na sila. 'Yong para bang may something na doon.
"Oh, ano ngayon?" Ano ngayon pala ha!
"Aray naman, Babe! Bakit mo ako binatukan?"
"Sige lang, sige lang ganyanin mo ako." Basagan pala ha.
"Sorry na. Ano bang mayroon sakanila?"
"Ayon oh."
"Oo nga no? That's new." New? Huh?
"Hindi ba nagkukulitan sila ex ni Hell at si Hell dati?"
"Well, nagkukulitan sila pero hindi naman ganyan... masayang masaya."
"Ah. So, si Skye pa lang nakakapagpasaya ng ganyan sakanya?"
"Yes." OMG! Siya na!
Maya-maya may naisip ako."Babe, pagpinagsama ang pangalan ni Hell at Skye kalabasan Skell parang katunog sa SKULL. Hahahaha! Diba? Tapos 'yong isa pa, Heye katunog din sa HAY! Hahaha!"
"Oo nga, Babe. Ahaha! Ano bang pangalan 'yan, hindi bagay." Anong sabi niya?!
"Anong sabi mo? Hindi sila bagay?! Aba Babe, baka gusto mong mamatay ng maaga."
"Syempre joke lang 'yon. Hehe!"
"Good. Kahit ang pangit pagsamahin ng name nila, bagay pa rin sila. Sila nga magkakatuluyan."
"Confident na magkakatuluyan sila?"
"Oo. Forever na sila at tayo."
"Sweet mo naman. Oo syempre may forever tayo."
Hinalikan ko naman siya sa cheeks lang. Hanggang doon lang.
Pinanood ko sila Hell at Skye. Ang sweet nilang tignan grabe. Close na sila. Masaya akong nakikita ko si bestfriend na masaya din. Love ko 'yan eh. Mabait siya sobra, hindi nga lang halata. Wish ko lang na maging okay na siya.
Dumating na si Ma'am, siya 'yong P.E namin about ballroom kami ngayon. Buti na lang malambot katawan ko. Si Skye? Nako. Alam niyo na.
"Class mamili na kayo ng PARTNER (Girl and Boy) niyo. After that, mag meeting kayo kung ano 'yong sasayawin niyo. Pwede ang mix."
Syempre kami ni Drake ang magka partner, 'yong mga iba naman namili na rin sila. Buti nga daw eh hindi sila in-assign. Ang bait daw kasi ni Ma'am.
Nag-usap na rin kami ni Drake. Mag cha cha cha daw kami. CHACHACHA.Ang ingay nang classroom grabe. Umalis kasi si Ma'am eh, baka may kinuha lang. Ganito sa school eh, kapag umalis 'yong teacher, gera dito gera doon, tapon dito tapon doon... mga gangyan. Tapos ilalabas mo pa 'yong pagkain mo, kakainin mo bago dumating si teacher. Ganyan tayo eh.
Skye's Pov
Nakakuha na si Ella ng kapartner niya ako wala pa. Actually may apat pang wala. Include na ako at si Hell don. Si Megan kasi niyaya niya si Hell na siya na lang daw kapartner niya eh itong si Hell nakatunganga lang kanina pa.
"Hoy, sino partner mo?" Anlakas kong makaHOY e no?
"HOY, talaga? Tsk."
"Joke lang. Sino ba kasi kapartner mo?"
"Don't state the obvious." Hala? Nanyari dito?
"Hindi obvious e. Sino ngay?"
"May pagka-slow ka rin pala MINSAN. Ikaw kapartner ko. Ikaw gusto ko." Okay? Ako daw gusto niya. Ako gusto niya? Gusto niyang makapartner?
"Wala ka nanaman Megan." Oo nga pala nandito pa rin si Megan kasama niya si Rezzie.
"Megan. Paano ba 'yan ako nanaman pinili. Hahahahaha!"
"Shut up. I'm not talking to you." Okay. Sorry naman daw.
"Hell, kausap ka ba niya?"
"Nope." Hindi daw. Hah.
"Megan, sino ba kausap mo? Hindi mo ako kausap, hindi mo rin kausap si Hell. Sino ba? Baliw ka na ata e."
"Grr! I hate you! Really!" Sabay walk out ang peg ni ate. Asar lang e. Maiba nga tayo, ano naman sasayawin namin ni Hell?"
"Hell, ano sasayawin natin?"
"Kung ano kila Drake."
"Ano ba 'yong kila Drake?"
"Chacha."
"Chachacha! Daberkads. Chachacha."
Tinignan niya lang ako nang ewan. Bakit masama bang kantahin 'yong sa Eat Bulaga kay Ryzza Mae Dizon?
Pero patay kang bata ka. Good luck na lang sa performance namin.Bumalik na si Ma'am, kinuha niya lang pala 'yong record book niya. Nirecord niya kung sino 'yong magkakapartner, syempre 'yong partner ni Megan si Rezzie.
Gusto ni Rezzie si Megan, halata naman e. Sadyang sa iba lang tumitingin si Megan.Sinabi na ni Ma'am na bukas 'yong simula ng practice namin. Mga tatlong araw lang kaming magprapractice, pagkatapos non ay presentation na.
"Duon tayo sa Condo." Condo? Anong gagawin namin duon?
"Bakit sa Condo?"
"Duon tayo."
"Ano ngang gagawin natin? Bakit sa condo?"
"Ano bang iniisip mo?" Ano nga bang iniisp ko?
"Ah, wala. Bakit mo naman natanong?"
"Liar. You think we're gonna..."
"Stop! Oo na oo na. Bwisit nito!"
"Hahahahaha! Green! Relax, okay? Manonood lang tayo ng dance steps para mapractice na natin tomorrow." Nakahinga din nang maluwag.
"Okay. May tiwala naman ako sa'yo e. Hahaha!"
Tinignan niya lang ako ng masama. Anong masama sa sinabi ko? Wala naman.
Nung uwian na pumunta kami ni Hell sa Condo niya kasama namin sila Ella, makiki wifi daw sila. Grabe sila, ano?
"A-ah, Hell?"
"What?"
"Hindi ako marunong sumayaw. Ang tigas kaya ng katawan ko."
Pagkatapos kong sabihin 'yon tumayo siya. Pumunta sa gitna nang carpet.
"It doesn't matter as long as you can dance."
"Kahit matigas katawan ko? Hindi ako marunong sumayaw?"
"Yes." Ang tipid magsalita pero malalim ang meaning.
"Hi, Guys!" Sila Ella.
"What's up?"
"Watch this. Ang ganda nitong sayaw."
Pinanood nga namin. Ang lambot ng katawan. Hiya naman ako.
Naghanap din kami ni Hell at pinanood. Tapos nag-usap na rin kami kung ano 'yong mga steps. Simple lang naman 'yong mga dance steps na sinabi niya saakin. Kaya no worries naman, pero para saakin parang ang hirap.
Nagsimula na kaming sumayaw. Sa una ang hirap pero pag inulit-ulit mo madali na lang, na memorize mo na 'yong steps. 'Yon nga lang matigas katawan ko.
Hinatid na ako ni Hell sa bahay, gabi na rin kasi e. Good luck na lang sa practice bukas.
Lord,
Thank you po sa mga kaibigan ko na nandiyan para saakin. Thank you po sa mga blessings. Amen.Love?
Love is simple.
BINABASA MO ANG
Everything is You
AléatoireLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...