Ella's Pov
Shunga talaga itong bestfriend ko. Hindi kasi amuyin kung tubig ba o alak. Hay nako! Nandito kami sa condo ni Drake. Sila Light at Kevin naman umalis na, gusto pa sana ni Kevin na magpaiwan pero si Light hinila agad si Kevin. Si Hell? Nakatulog na din, ako at si Drake? Patulog na.
"Babe, sleep na tayo. Tara na." Nanlaki kaagad 'yong mata ko. Anong sinabi niya?!
"Anong sleep na tayo?!"
"Matulog na. Ano bang iniisip mo?!"
"Sabay tayo?! Aba, loko ka! Bata pa tayo!" Tumahimik siya saglit pero...
"Hahahahahaha! Iba... hahahaha! Iba iniisip mo. Hahaha!" At dun ko lang napagtanto na ang shunga ko. Oo nga naman, green. Tss.
"Bwiset ka! Hmmp! Good night na nga."
"Inis ka na niyan? Sorry na."
"Sige na, matulog na tayo. Hiwalay."
"Paano kung..."
"Paano kung?"
"Sabay na lang kaya tayo matulog, babe."
"Gusto mong batukan kita?! Syempre hindi! Paglaki natin, pwede na."
"Jinojoke ka lang naman. Syempre naman, paglaki natin."
"Good night na, babe."
"Good night din." Sabay halik sa noo ko. How sweet naman this boy.
Skye's Pov
Ang sakit ng ulo ko. Ang lakas naman nung alak na 'yon, kainis 'yan. Teka nga, nasaan ba ako? Sa condo 'to ni Drake ah. E, nasaan sila?
Sa paggalaw ko dun ko nakita si Hell, mahimbing na natutulog. E, ba't siya nandito? Binabantayan kaya ako? Assumera naman ako kung ganon. Hinayaan ko siyang matulog at lumabas ako sa kwarto. Iinom muna ako ng kape. Nag timpla na ako at naisipan kong gumawa nang umagahan namin. Ano kayang mayroon dito? Ah, sakto mayroon siyang bread. Nagluto ako ng ham at egg pang palaman sa tinapay. Teka nga ulit, sino naman 'yong mga nandito sa bahay? Nandito kaya sila Kevin? Baka wala sila ni Light. Eh sila Ella kaya? Baka tulog pa sila.
Oh my goodness. Wag mong sabihing magkatabi silang matulog ni labidabs niya? Wait, ang OA ko naman. Hindi naman siguro magagawa ni Ella at ni Drake 'yon. Oo hindi naman siguro. Konting tiis na lang, konting tiis. E sa gutom na ako e.
'Yong condo ni Drake, sound proof dito sa kitchen. Ang sosyal naman. Iba talaga kapag mayaman ka.
Pagkatapos ng ham nagluto na ako ng egg. Hay, salamat matatapos na din. Tumutunog na kaya 'yong tiyan ko. Hindi pa ako kumain kagabi diba?
"Hello."
Ay tipaklong kang bata ka. Muntik na. Muntik na talaga. Ang pintig ng puso ko'y bumibilis. Muntik na talaga. Sa gulat ko nabitawan ko 'yong sandok. Paano ba naman kasi si... si Hell. 'Yong tipong sinabihan niya ako nang HELLO nang pabulong. Kumbaga malapit sa tenga ko pero malapit din sa leeg ko. Ang potek niyan. 'Yong...'yong... ayoko na. Aish.
"You okay?"
"Sa tingin mo okay ako?! Ginulat mo kaya ako!" 'Yong tipong 'yong puso ko ang lakas talaga ng kabog. Dug dug dug.
"I'm sorry, okay? Kamusta ulo? Iinom-inom kasi hindi naman kaya."
"Ano?"
"Wala, pahingi na lang niyan."
May sinabi siya e. Oo may sinabi siya. Hindi ko lang alam kung ano. Ayon nga, binigyan ko siya ng almusal, kumain na din ako.
"Look at me."
BINABASA MO ANG
Everything is You
De TodoLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...