Chapter 20

74 6 0
                                    

Skye's Pov

"Best! Punta tayo sa Redille!"

Aba mayaman ba ako para pumunta sa lugar na 'yan? Teka nga, saan ba 'yan? Tunog palang kasi sosyalin na.

"Redille? Ano mayroon?"  Sent.

"Labas lang tayo. Libre naman nila Drake eh."

Libre daw? Aba sige. Ano nga ba ang Redille?

"Anong redille?"

"Pagkainan 'yon, Best! One of my favorite place. Masarap duon."

Ah. Pagkainan pala. Sige, game ako diyan.

"Sige, sunod na lang ako. Text mo saakin 'yong address."

Pumunta naman ako sa address na sinabi niya. Ang ganda sa labas palang. Mayroon kasing mga tree, parang garden lang kumbaga. Tapos sa labas may nakalagay na mga table at chairs parang sa labas ng Starbucks ngay.

Pag loob ko nanduon na sila. Ang gwapo niya. Ang gwapo ni Hell. Simpleng puting t-shirt lang 'yong suot niya tapos naka-black siyang pants. Ang gwapo niya. Tapos tutok na tutok 'yong araw sakanya sa bintana.

"Best! Here!" Kumaway si Ella para sabihing pumunta na ako sakanila at umupo na.

Pagkakita ko palang sa pagkain napa wow na ako. Ang dami naman nilang in-order as in. Parang pang anim na tao 'yong kakain nito. At isa pa, baka madami silang nagastos dito.

"Mahal ba 'to? Ay kung mahal 'to isuli niyo."

"Shunga, Best! Hindi na kaya pwedeng isuli 'yan at hindi 'yan mahal."

"Edi joke. Magkano ba gastos niyo dito?"

"Secret daw. Sila naglibre eh." Tinignan ko naman sila Drake.

"What?"

"Wala lang mabait naman pala kayo... ng sobra. Hahaha!" Sinamaan naman ako ng tingin ni Drake.

"Gutom na ako! Ikaw kasi best antagal mo!" Ay ako pa sinisi? Grabe ito.

"Magdasal muna bago kumain."

"Nako best, may problema tayo diyan."

"Bakit? Hindi niyo memorize? Hindi niyo alam?"

"Hindi sila nagdadasal." Hindi nagdadasal? Weh? Paano sila nabubuhay? Ay malamang Skye humihinga... kumakain. Bad trip.

"Alam niyo 'yong prayer before meals?" Um-oo naman sila. Ang tatanda na. Hay nako.

"Magdasal tayo. Maniwala kayo— tayo kay Kristo. Siya ang bumubuhay sa atin, hindi lang ang mga magulang natin kundi pati siya." Aba malalim.

Sa una ayaw pa nila, nung na realized na nila sumunod naman na sila.

Nagdasal na kami. Pagkatapos gera na nang makakain.

"Picture tayo, Guys. Post ko sa Facebook."

"Naks naman! Tayo muna, Babe."

Nagposing naman sila. 'Yong nakaakbay si Drake kay Ella, holding hands, ganyang tipo.

At kami na rin sa wakas. Magkatabi kami ni Hell. Nakakailang lang, hindi ko alam kung bakit. Basta naiilang ako. Ewan ko kung bakit.

"I have something for you. It's... it's just a thank you gift." May inilabas naman siyang necklace. Honestly, hindi ako nagsusuot ng mga ganyan. Hindi masyado pati sa bracelets.

"Thank you gift?"

"Yes. Thank you sa lahat." Take note. Naka box pa, aba soysal. 'Yong necklace letter H naman.

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon