Chapter 5

110 5 0
                                    

Skye's Pov

Isang panibagong araw nanaman. Paalis na ako ng bahay nang may nakita akong kotse, kalila Ella.

"Skye, sabay ka na saakin."

"Ah, hindi okay lang." Nagsimula na akong pumunta sa sakayan.

"Hindi. Sasabay ka saakin. Walang kokontra."

Hindi niya ba naisip na ayoko talagang sumabay? Okay wag ka mag-inarte, Skye. Sumabay na rin ako sakanya wala rin lang naman akong magagawa e.

"Ano bang nangyari kahapon? Bakit ka nakipag-away?" Hindi ko talaga matatakasan 'yong tanong niya 'no?

"Wala. Nauna sila. Ayoko nang pag-usapan, okay?"

Nilagay ko na 'yong earphones ko sa tenga ko para hindi niya na ako makulit. Lagi kasi akong nakikinig ng music e. Addict na ako sa musics talaga.

~So I lay my head back down
And I lift my hands and pray
to be only yours I pray...~

Only hope by Mandy Moore










SCHOOL

"OH! Girls, look who's here again."

Pagtingin ko sila Megan nanaman. Wala talaga silang balak na tigilan ako 'no.

"Students, nandito na pala 'yong pinakamalanding tao sa balat ng lupa!"

"At hindi lang pala si Hell at Drake nilalandi niya, si Chad pa and his friends!"

Uh? Loko 'to ah. Cool ka lang dapat at hindi papaaffected, Skye.
Halos lahat ng students pinagbubulungan ako hanggang sa may nakita ako, si Lynn.

"Halika dali may ipapakita ako! Sagot sa lahat ng tanong mo kung bakit ka nila pinagbubulungan."

"Ella, pumunta ka na sa classroom. Palagay na lang 'yong bag ko sa upuan ko. Thank you."

Pagkatapos kong sabihin 'yon umalis na kami at pumunta kami sa Bulletin Board. Gusto kong magmura sa kanilang lahat. Ipagsigawan na hindi ako malandi na kagagawan lang ng mga lalaki na may ginawang masama saakin. Bakit ba simula nang dumating silang dalawa dito, sila Drake at Hell, ako na lang lagi ang pinupunterya nila. Ang nakita ko ay nung hinahalikan ako ni Chad, kasama 'yong mga kaibigan niya. I wanted to cry pero hindi sila dapat iyakan. Sa mga nangyayari ngayon kailangan kong magpakatatag. Kaya ko... kakayanin ko.
Iniwan ko si Lynn at naglakad ako papuntang classroom.

Pagkabukas ko nang pintuan sabay naman na may bumabato saakin ng... kamatis? Jusko.Wag naman sa damit ko. Lagi na lang.

"Ang super ganda mo Skye, 'yong nilalandi mo lahat, 'yong ganon!"

Just ignore them, Skye. Umupo na ako at naglagay ako ng earphones. I really love music.

"Hoy! Kinakausap ka. Makinig ka!" Yeah. Whatever.

"Hey, Skye, You okay?" Si Ella pala.

"Yeah, why?"

"Ah. Nothing." I smiled as an answer.

"Hoy! Kinakausap kita!" Bastos. Manghila daw ba ng buhok.

"Oh, edi kausapin mo lang ako. Anong paki ko?"

"Nakakainis ka, alam mo ba 'yon?" Obviously Megan.

"I said, don't state the obvious." I said.

Sasabog na siya sa inis. Ayan, kalmot here kalmot there, sakit ah. Pusa ba 'to? Grabe ah.

"Ayaw mo talaga akong tigilan 'no? Oh, hetong sa'yo!"

"Ouch! Bitch! Hell si Skye sinasaktan niya ako." Ay pabebe. Ang hina niya talaga kahit kailan.

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon