Chapter 37

31 2 0
                                    

Skye's Pov

Pagkamulat ko, nagulat ako dahil nasa harap ko ngayon si Hell. Paano siya nakapunta dito?

"Hoy, anong ginagawa mo dito?!"

Kita niyo, magulo kami minsan. Minsan sweet, minsan hindi.

"Gusto ko kasing ako muna ang makita mo bago ang iba." Hindi ko kineri. Ibang klase 'to.

"Akalain mong may ibabanat ka pa."

"Ako pa, ang gwapo kasi ng boyfriend mo."

Proud siyang sabihin 'yan? Jusko. Ang hangin.

"Sabagay gwapo ka naman talaga pero ang yabang mo, to the max."

"Ikaw ba si Skye? Are you serious?! Pinuri mo din ako sa wakas!"

Makulit na nga, maingay pa. Jusko.

"Alam m–"

"Hindi ko alam." Ay potek.

"Alam mo ang ingay mo at ang kulit mo."

"Alam ko na 'yan matagal na. Kailangan pa bang ipaalala?"

Ay ang hangin, sobra. Ni hindi ko nga alam kung compliment 'yong pagkakaintindi niya o insulto.

"Gutom ka na?" Tumango na lang ako sakanya, gutom na naman ako. Bad trip.

Ginawa ko na lang 'yong routine ko. Pagkatapos, tinulungan ko si Lola maglinis. Hanggang ngayon umuulan pa rin. Hindi na naman kami makakauwi ngayon. Nag-eedit naman sila Kevin, magaling kasi siya mag edit. In-edit niya 'yong video namin. Sila Ella naman nanonood, si Hell naman, ito kasama ko. Nangungulit na naman ang mokong.

"Umalis ka nga! Ang gulo mo, king ha."

"Ayoko nga. Dito lang ako sa tabi mo, sa TABI mo." Kita niyo? Nagiging ewan na siya, jusko. Sobrang cheesy.

"Hindi naman ako mawawala."

"Kahit na. Wag makulit." Ako pa makulit ngayon? My goodness.
Hinayaan ko na lang siya, bahala siya diyan.

"Iha, nakita mo ba si Kion?" Nagulat na lang ako ng nagtanong si Lola.

"La, hindi po bakit?"

"Wala siya sa kwarto niya, wala rin siya dito. Saan naman nagsususuot 'yong batang 'yon?"

Alalang tanong ni Lola. Pati kami hindi mapakali. Lahat kami nag-aalala. Sila Drake, Light, Ella at Hell ang umalis para hanapin si Kion. Ayaw pa akong paalisin ni Hell, ayaw niya daw na magkasakit ako dahil lang sa ulan. At siya pupunta? Daya niya. Si Kevin kasi may sakit kaya hindi siya umalis, si Lola naman umalis din, pero sa iba siya dumaan. Kaming tatlo lang ang natira dito, baka sakali daw na bumalik si Kion. 'Yong kasama ni Light, pangalan niya pala Blake. Ewan ko kung saan niya nakilala, basta magkakilala daw sila.

Mga ten minutes na silang nasa labas. Nahanap na kaya nila si Kion? Sana nga mahanap na nila Hell.

"Pakuha ng tubig, Skye."

Bastos, inutusan ako. Sabagay may sakit siya. Kapag ako nagkasakit, uutusan ko din ito.

"Wait lang po, mahal na hari."

Tumawa naman siya ng mahina pagkatapos kong sabihin 'yon. Sira.

Naabutan ko si Blake na umiinom ng... alak? Bakit naman siya umiinom? May problema kaya siya?

"Pst. Problema mo?" Tinignan niya lang ako ng walang emosyon.

"Hoy, ano nga?"

"You're my problem." Madiin niyang sabi na ikinagulat ko. Bakit na naman ako?

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon