Skye's Pov
Yes! October na. Malapit na ang pasko. Everyday is a great day.
At dahil hindi ako masusundo ngayon ni Hell ako na lang ang dumiretso sa school.
'Yong mga nakalipas na araw sobrang naging close kami. Tipong 'yong relationship namin kaibigan pero more than. Ganon. Masaya kasi kapag kaibigan mo na tapos boyfriend mo pa. Basta close kami. As in.
vibrate
From: King<3
See you later, Queen.Take care. :)
To: King<3
See you, too! <3
Oh, diba? Parang kakaiba. Minsan hindi kami sweet minsan din lagi kaming naggegerahan, tipong friend na more than. Gets? Tapos minsan sabihan ng "I love you", minsan din hindi. Gets ulit? Tipong kaibigan 'yong status pero hindi, kaibigan pero in a relationship kayo. Gets? Gets? Kung hindi pa rin gets, mag-aral na lang nang mabuti.
Nandito na ako sa classroom at pinagtitinginan na naman ako, ako na naman. Asan ang hustisya? Artista lang ganon?
"Best!" Ito na naman ang aking best friend. Ano na naman kaya sasabihin nito?
"Ano?"
"Mag-ayos ka nga! In fairness ang ganda ng color ng hair mo! Kabog ang Lola!" Oo pala. Ipapablack ko 'to mamaya.
"What are you trying to say? Straight to the point, dear."
"Um-english na?! Nahawa ka kay Hell na 'yon! Ay nako! Anyways, ipapablack natin hair mo. Thank you." Sabay rampa sa harap ko. Q and A? Beauty Queen ang peg? Kaloka siya.
"Hey, babe." Sabi ni Drake sabay halik sa cheeks kay Ella. Buti hindi na siya play boy. Pero kinikilig din ako sa dalawang ito.
"What's your plan today?" Tanong nila saakin. Ano nga ba? Ano bang mayroon? Wala naman diba?
"Wala. Bakit?"
"Ay nako, best! Dapat mayroon. Kunwari i-surprise mo si Hell. Ganon! O kaya lumabas kayo."
"Nah, sobrang sweet masyado atsaka okay naman kami ni Hell. Basta kasama ko siya, okay na."
"Speaking of..." Nakita ko si Hell. Aba, mas lalong pumopogi.
"What did you say? Repeat it again."
"Aish. Wala Wala 'yon."
"Ayiee, best! Sabihin mo na."
Sabay akting naman ni Ella, ginaya niya 'yong pagkakasabi ko ng "Basta kasama ko siya, okay na. "
Mapang-asar talaga. Peste.
Maya-maya dumating na 'yong teacher namin.
Ano pa nga bang mayroon? Intrams na namin. Last year na naming mga fourth year or Grade 10 dito sa H.U kaya susulitin nanamin.
Maraming kontra sa groupings namin. Hindi daw kasi per class. E mas maganda daw per class para malakas sa pag cheer, united daw. E 'yong mga teachers naman mas maganda daw 'yong group per unit kasi mas madaming makikilala. Kung ako ang tatanungin kahit ano sa dalawa pwedeng-pwede.
"So, may the best unit win. Good luck!"
Bait talaga ng teacher namin. May mga teacher talagang mabait, mayroon ding hindi, may strikto pero para saamin din lang naman lahat nang 'yon.
"And by the way, sa inyong fourth year lang ang mayroong Mr. and Ms. Intramurals, since last year niyo na rin dito. Do your best people." Sa sinabi ni Ma'am ang daming mga nagreact.
BINABASA MO ANG
Everything is You
RandomLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...