Chapter 39

30 2 0
                                    

Skye's Pov

Maniwala man kayo o hindi, fan ako ng Ginebra San Miguel.

"Hoy best, nagseselos na boyfriend mo. Nakatutok ka lang diyan sa TV."

"Ha? E, wait lang. Breathtaking dito best, wait ha? Pakisabi wait lang, overtime din ako dito best. Ang galing nila e sobra."

"Bahala ka nga."

Umalis na siya at pumunta kay Hell. Sorry naman. Ang galing kasi e, nag overtime sila ng mga five minutes. 'Yong coach nila ang talino din. Nakahinga ako nang maluwag nung napasok nila 'yong bola. Game 2 na 'to. I'll pray para sa Game 3. Good game.

"My goodness!"

"What happened?" Agad namang pumunta saakin si Hell at tinanong ako.

"Kasi ang galing nila! Hindi na nga ako makahinga dito e, pinagdarasal ko pa sila 'no. Muntik nang hindi  pumasok 'yong bola."

Nakahinga din ako nang maluwag. 'Yong ang dami nilang fans na sumisigaw. Ang sarap sa feeling ng ganon.

"Tsk." Hala. Nagselos ba? Nagtampo?

"Wait, King. Last one minute na lang."

Tinignan niya lang ako ng masama. Susuyuin ko din 'yan mamaya, sa ngayon ito muna. Nakahabol kasi ang Brgy. Ginebra, 124 points na sila tapos ang San Miguel, 118 points. Sure ako na 'yong mga pinsan ko e nanonood din. Nagtatatalon na ata sa kama 'yong pinsan kong isa, si Elle. Syempre ako, nung seconds na lang ang time nila tuwang-tuwa ako. Panalo kasi e. Tinignan nila akong lahat except si Kevin. Hindi niya pa rin ako kinakausap, habang siya kinakausap niya sila Light. Bad trip diba? Nandito kami ngayon kila Ella, may project kaming bago. Ang bilis nga ng araw at December na e. Konting-tiis na lang at tapos na ang school year. Ang daming nangyari at masaya ako dahil lagi na kaming magkasama ni Hell. Tipong open na open na siya sa bahay namin. Nakikitulog na din siya pero syempre duon siya sa bakanteng room. Oh diba? Ginawa nang bahay 'yong amin. Walang hiya ang mokong.

Malapit ng magpasko at balak kong bigyan silang lahat ng regalo. Something na memorable naman. Effort.

"Guys, nag text na si Light. Tara na?"

"Saan daw ba?"

Oo nga pala birthday niya ngayon, for sure na maraming tao diyan. Siya si Light e. Pinanganak na mayaman.

"Sa Casiedy."

"Aww. Nako, ano daw damit?"

"Para sa girls, dress daw. Para sa boys, syempre alam na nila Hell 'yan. 'Yong dress natin color peach."

Saan naman daw ako kukuha ng damit? Pwede kayang wag pumunta?

"Hep! Alam ko iniisip mo, Skye. Sinasabi ko na, wag kang magtatangkang hindi mag-attend. Akong bahala sa'yo." Mind reader ba siya? Ella talaga. Gastos na naman niya?

"No worries. Ladies?"

Napatingin agad kami kila Drake. May hawak siyang dalawang dress. Peach. Wag mong sabihing...

"Binigay niya 'yan saamin?"

"Yes, Babe."

"Magpalit na kayo, dali!" Makautos naman si Drake e kala mo boss.

Nagpalit naman kami ni Ella.  Nag-ayos pa. Ang boys naman nagpalit din. Ano kayang itsura nila?

"All done."

Napangiti ako nang makita sila. Ang ganda ni Ella. Pagpinagsama si Drake at siya, ang perfect tignan.

"Let's go, Ella."

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon