Skye's Pov
Lumipas ang mga araw, sinorpresa ko si Hell nung monthsary namin. Sabi niya pa, bakit ako daw ang nagsosorpresa sakanya. Sabi kong, hindi lang siya dapat ang may sorpresa, dapat ako din. Ganon naman diba?
Tumawag siya at sinabihan akong mag open ng Facebook ko. Ginawa ko naman iyon at nakita kong nakatag ako sa photo niya.
May caption pa siya, nagpapasalamat saakin.
Konti lang ang friends niya pero marami siyang followers, sobra. Mahirap pag gwapo e.
Nag react ako sa photo niya ng heart na shape.
Habang nagscroll down ako, nakita ko na ang profile niya ay 'yong picture namin. Magaya nga, ang sweet tignan. Pinalitan ko din 'yong profile ko, at ginaya ko 'yong profile niya.
Mamaya pa 'yong pasok namin, mga 10 am. Ewan ko ba kung bakit 10 am. Basta 10 am 'yon na 'yon.
8 am na sa orasan ko at ginawa ko na ang routine ko.
Hindi na ako magpapasundo kay Hell, ayaw kong mapagod pa siya. Sayang lang sa gas.
After ng ilang minuto, sumakay na ako sa sasakyan.
"Miss may nagpapabigay."
May nag abot saakin ng isang papel. Tatanungin ko sana siya kung sino ang nagbigay pero nakababa na siya.
Binuksan ko at binasa.
"Sa bandang huli, ikaw pa rin ang matatalo."
Isang malaking HA? Pero kinabahan ako nung binasa ko ito. Sino naman magbibigay saakin ng ganito? Kung si Light e malamang in english niya sasabihin 'yon, pero mabait naman siya saakin. Oo bumabait na si Light, ewan ko ba kung bakit. Basta nag-iba siya. Sino namang may galit saakin? Nakakakaba. Feeling ko may mali.
Nang nandito na ako sa school, hindi ko muna iniinda 'yong sulat. Baka naman maling tao ang nabigyan niya.
"Hey, are you alright?"
"Y-yes." Sagot ko sakanya.
"Gusto mo?" Alok niya saakin ng Ice Cream.
"Saan mo ito nabili?"
Tanda ko, wala silang binebentang Ice Cream dito kundi Shake lang.
"Sa store." Ay shet. Ganda ng sagot.
"Saang store?"
"Sa labas, sa bandang kanan."
"Maraming sa bandang kanan! Namimilosopo ka na ngayon king ko, ha."
"Just stating the fact." Sabay kindat saakin.
Garapon naman oh. Pati kindat niya naaapektuhan ako.
Hell is not Hell... Hell is just Hell.
Ha?
"Saan nga?" Iritado kong tanong sakanya.
"Suko na ako..." Ay sa wakas.
"Binili ko sa puso mo." Ay shet!
Binatukan ko siya."What was that for?"
Kalmado niya pa ring tanong kahit nasaktan siya at kahit alam niya ang sagot.
"Kasi naman! 'Yong maayos na sagot ah."
"Oo na, diyan lang sa tabi."
Isang mura ulit. Napa face palm na lang ako. Saang tabi?!
Siguro nahahalata niyang hindi ko siya pinapansin. Ay bahala siya diyan.
"Hey." Sambit niya sabay titig saakin.
BINABASA MO ANG
Everything is You
RastgeleLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...