Chapter 10

76 4 0
                                    

Skye's Pov

"Ella, ano nga bang nangyari kahapon? 'Yong pagkatapos kong mahimatay."

Nandito na kami ni Ella sa Classroom. Wala pa 'yong mga students dito. Bakit kaya?

"Hindi mo talaga alam. Ganito 'yon pagkatapos mong mahimatay, nakita ka namin ni Drake kasama namin si Hell. Tapos bubuhatin ka sana ni Drake pero si Hell ang gumawa non, pinunta ka niya sa hospital. At 'yon. Naiwan kami sa school. Uy! Kayo ah, kayong dalawa lang sa Hospital Room mo."

"Sira. Pero bakit kaya niya ako tinulungan?"

"Oo nga, 'no. Baka gusto niya lang talaga."

'Yon 'yong tanong e, bakit niya ako tinulungan?

"Skye!" Nakita namin si Lynn na tumatakbo papunta dito.

"Anong mayroon?"

Tanong ko. Malay ko ba, baka may nangyari.

"Sila... sila Hell."

"Anong nangyari sakanya?!"

Bwisit kang lalaki ka, pinapag-aalala mo ako.

Agad naman kaming pumunta sa Music Room. Malaki kasi 'yong Music Room. Pero mas malaki pa din ang GYM namin.

"Ayon sila."

Wow, andaming tao. Lahat ata ng students nandito e. Nakita ko si Hell kasama si Drake sa gitna? Pagkakita ko mayroon din sila Megan at 'yong kasama niya kahapon.

"Nandito na si Skye!"

Sigaw nung isang student. Lahat naman sila nakatingin saakin. Ano bang mayroon?

Lumapit ako at nakita ko na may hawak na bote si Hell at Drake. Teka anong nangyayari? Bakit sila may hawak na bote?

"Para saan 'yan?" Tanong ko kila Drake.

"Para sa kahapon."

Teka gagawin din nila 'yong ginawa saakin ni Megan? Hala. Masama 'yon. Kahit ginawa niya saakin 'yon masama pa rin 'yon. Oo minsan pabago bago ako ng isip, pumapatol ako kahit may idudulot na masama, pero minsan hindi ako ganon.

"Now. Apologize."

Si Hell ba talaga 'to? Ginagawa niya 'to para saakin?

"Sorry na."

Napatingin ako kila Megan. Hindi naman totoo 'yong sorry niya. Ang galing. Tss.

"Sincere." Grabe nakakatakot 'yong boses ni Hell. Ang cold.

"Psh. Sorry, okay? I am sorry. I didn't mean it."

Accept ko 'yong I am sorry, pero 'yong I didn't mean it? Tsk.

"Good. Now, don't you ever touch her again or else... I'll kill you."

Agad namang pumayag 'yong dalawa. Pero natatakot ako, kaya niyang pumatay ng tao?

"Lahat din kayo kasali!" Sigaw naman ni Drake. Ganito ba sila?

Lahat ng students natatakot sakanila. Pati na rin saakin?

"Pakawalan mo na sila." Utos ko kay Hell. Kailangan dapat hindi ako matatakot.

"One week." Anong One week?

"AHA! Gusto ko 'yan Hell. One week lang naman Megan. Magiging utusan ka." What?

"No! Enough. Okay na 'yong paghingi niya ng sorry."

Pinakawalan ko na si Megan at 'yong kasama niya.

"Tsk. You're welcome."

"Sorry, mali kasi 'yon."

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon