Skye's Pov
Intramurals na at lahat kami busy sa pag-aayos. Kami ang pinaka last na magprepresent kaya naman ibibigay todo na namin. Syempre kailangan naming manalo, 'yon ang goal namin. Kung hindi man, at least nag enjoy kami at marami kaming nakilala, maraming nagkakaibigan, maraming mga magagandang nangyari at maraming mga alaala.
Sa umaga puro Litmusda Events at mamayang hapon ay ang Ball games. Bukas ng umaga ang Indoor and Outdoor games at sa hapon Mr. and Ms. Intramurals.
Kami na ang nagprepresent at ginawa namin ang kaya namin. Lahat sila pumalakpak at nagsigawan. Lahat sila napanganga sa bilis ng silent drills namin at sa lakas ng cheering namin.
Kasi isa din 'yon sa malaking points.Pagkatapos naming magperform may twenty minutes break kami. Oo, twenty minutes lang, ang saklap.
"Ah, Hi? Gusto mo?"
Si Light na naman. Sinusubukan niya nga palang maging mabait pagdating saakin. Tss. Nag-offer siya ng water. Dati pagkain ngayon tubig, aba iba din.
"Okay lang ako."
"May okay ba na hingal na hingal?"
"Mayroon, ako. Ayaw ko ng tubig, pumunta ka sa iba huwag saakin. Wag mo akong guluhin."
"I want you to be my friend." Seryoso niyang sabi. Totoo ba ito?
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Hell, na papunta na saakin."I admit, I don't like you... before. Now I want to be your friend." Bakit niya ako gustong maging kaibigan? Hah, it puzzles me.
"Tigilan mo ako."
"I'm serious."
Kahit na seryoso pa siya, hindi ko pa rin masasabi na seryoso siya sa sinabi niya.
Seeing is believing.
"Hi, ladies!"
Wala pa lang si Hell saamin may sumigaw na. Si Drake na kasama si Ella. Naka angel props sila, kami Captain America 'yong shield at naka mask pa kami.
"Hi!" Bati ni Light. Sus, if I know kunwari lang 'yan.
"Oh, problema mo?"
"What the f! Ang sungit mo pa rin hanggang ngayon.'Yong totoo?"
"Ganon talaga kaya shut up ka diyan."
"Hayaan mo si best, babe. Ganyan 'yan eh."
"Buti ka pa Ella, 'yang boyfriend mo ang gandang hampasin."
"Hey! What? Ako nanaman?! The f! 'Yang kaibigan mo gandang batukan nang malakas."
"Touch her, I'll kill you."
"Whoa whoa whoa! Okay dude, I will not touch her. Langya, pinagpalit mo na ako sa babaeng 'yan! The f." Atsaka tumawa naman sila.
"Walang tayo, Drake. Tsk."
"Ano ba naman, dude. Maki-join ka nga paminsan-minsan sa joke ko."
Lagi kasing seryoso si Hell, 'yong mukha. Pag kaming dalawa, ay nako, madaldal siya.
"Eat that." Ang tipid niya talagang magsalita. Grabe.
"Kumain ka na ba?" Umiling naman siya. Nako talaga, ibibigay saakin pero hindi pa kumakain. Ibang klase.
"Oh, mauna ka na. Hindi pa ako gutom." Abot ko sakanya ng sandwich.
"I'm not hungry, just eat that." Argh.
"Sa'yo na nga."
"Sa'yo na."
"Sa'yo na nga. Ang kulit naman, king."
BINABASA MO ANG
Everything is You
RandomLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...