Skye's Pov
Nandito na ako sa classroom pero wala pa rin sila. Si Ella, may sakit. 'Yong iba naman, wala... wala pa. Wala pa si Hell hanggang ngayon. Wala akong update sakanya simula kagabi. Hay, ano kayang nangyari?
Tinatawagan ko 'yong cellphone niya, hindi sumasagot. Peste. Si Drake din, hindi siya sumasagot. Si Kevin naman... hindi kami okay kaya hindi ko siya tatawagan. Magkaklase na pero wala pa din sila. Kainis. Saktong nandito na si Sir. Wala, absent silang lahat. Kainis.
Recess na, sinubukan ko silang tawagan lahat. Walang sagot kahit isa. Peste. Ano na ang nangyayari?
"Kawawa naman ang bruha. Hahahahahahaha!" Ito na naman.
"Mind your own business."
"Aww. May ipapakita ako sa'yo. Ito oh." Walang hiyang Megan.
"Seeing is believing."
"Really? Ito na nga oh. Aarte pa." Picture nilang tatlo... Drake, Hell at Kevin kasama siya. Pero bakit hindi man lang siya nag paalam saakin? Hindi man lang sila nagpaalam saakin... saamin.
"May rason 'yan kung bakit sila magkakasama. Ano ngayon?"
"Wow. Tibay ah. Hindi ka nagseselos? Iba ka ah."
"Bakit naman ako magseselos kung alam kong wala naman akong pagseselosan? Isa pa, may tiwala ako kay Hell. Lumayo ka nga saakin."
"Hintay lang darling. Baka 'yang love na meron ka, masira ka. Be careful. Hahahahaha!"
"Umalis ka nga. Mind your own business."
"Love destroys everything. Ingat ka." No. Mali ka.
Umalis na siya habang nakangiti. Baliw.
Calling
"Red."
"Bakit ngayon ka lang tumawag ha?! Kanina pa ako tumatawag sainyo hindi niyo man lang sagutin. Tapos hindi ka man lang nag paalam na absent ka ngayon, hindi ka rin nag paalam na kasama mo siya hanggang ngayon at hindi ka man lang nag text saakin kung nasaan kayo ngayon."
"Whoa. Okay, sorry na. Easy. Nawalan kasi ako ng percentage ng cellphone. Wala rin akong load at nasa hospital kami ngayon."
"Okay, accepted pero hospital?! Bakit?"
"Si Light."
"Ha? Bakit si Light?"
"Bagay talaga sa'yo 'yong binigay ko na Turtle, ang slow mo sobra. Hahahaha!"
"Bastos ka! Hahaha! Ano nga?"
"Sinugod namin si Light sa Hospital."
"Hala! Kamusta naman siya? Anong nangyari? May sakit? Ano?"
"She's fine now. Malay ko ba kung may sakit siya." Pesteng tao 'to.
"Bastos! Hahahaha!"
"Don't worry, hindi naman daw grabe 'yong sakit niya. Bukas makikita na kita. Alam kong miss mo na ako e. Hahahahaha!"
"Aba! Ang feeling! Hahahaha! Whatever. Pakamusta na lang ako sakanya."
"Hahaha! I miss you too."
"Heh. Hahaha! Sige na, bye po. May klase pa ako."
"Go on. Ingat ka diyan. Pag may lumapit na lalaki sa'yo banatan mo kaagad. Strong is beautiful. Hahahaha!"
"Hahahaha! Amazona kaya ako. Hahaha! Strong is beautiful. Bye na."
"Bye. I miss you, Red."
"Miss you too, High."
Call ended
BINABASA MO ANG
Everything is You
De TodoLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...