Skye's Pov
Pagkapasok ko sa school lahat sila nakatingin saakin, bakit anong mayroon? May himala ata, maganda na ba ako? Pero bakit nga ba sila nakatingin?
"Sorry, Skye. Hindi ko sinasadya 'yong nangyari dati. Inutusan lang naman kami ni Megan na gawin iyon eh. Promise hindi na talaga kami susunod dun, ang sama kaya niya." Ah, 'yong dati. Okay lang.
"Okay lang. Nangyari na ang nangyari e."
"Siya nga pala, may nagpapabigay."
May inabot naman siyang balloon na letter F? Ano mayroon?
"Anong mayroon? Kanino galing?"
Imbes na sagutin niya ako umalis na lamang siya. Bastos lang.
May lumapit na naman saakin, ngayon naman letter R. Tapos mayroon ulit. Letter I, tapos E, hanggang sa lahat na, N, D, at S.
Friends? Ha?
"Let's say, my friend told me you're different and you can change me. He said, I should give you a chance. So, Friends?" The hell.
"Ah. Wait ah, nagproprocess pa sa ulo ko. Kailangan ng wifi."
"Crazy. Hahaha!" At ngayon tumawa pa siya. Ang babaw. Hindi nga, seryoso siya?
"Skye, kailangan mo nang Wifi? Here oh."
Pagtingin ko si Ella naman, may dala dalang foods, kasama ang fries.
Kinuha ko 'yong pagkain at kinain ko muna 'yong fries. Hanggang nagproprocess pa.Ang Hell High na lalaking ito tinatanong ako kung gusto niya kaming maging magkaibigan? I cannot believe it. Well, expect the unexpected nga daw.
"Friends. Thank you." Tulala lang? Anyari?
"Hoy! Anyari sa'yo?"
"Uh? Nothing... nothing."
"Tara na sa Room." He nodded.
"Class last project niyo na ito. Malapit na 'yong exam niyo kaya pinapaaga ko na ito para kapag natapos niyo na ito mag fofocus na lang kayo sa iba pang proyekto. So, gusto ko lang naman ay iinterview niyo 'yong mga katabi niyo. Kung ano kalagayan nila sa buhay para matulungan natin siya, kung ano full name nila, iyong mga ganon. Parang Slam Book kumbaga. Remember, all of us here are family, magtulungan tayo sa lahat ng bagay. Mayroon kayong two days para gawin iyon."
"See you tomorrow?"
Anong klaseng tanong iyan, Skye? Bakit bukas? Ang shunga mo naman.
"See you." Ganito na ba ako kaboring?
My goodness. Parang naboboringan siya saakin e.Recess
"You want to join us?" Tanong ni Drake.
"Hindi, wag na. Nakakahiya."
"May hiya ka pa pala, takaw mo kasi eh."
Ay. Nahiya naman daw ako. Kasi diba andami kong kinain sa Mix foods, inubos ko na rin ata pera ni Drake e.
"Tsk. Wag na nga."
Ako naman ito, kunwari pang ayaw sumama pero gusto ko naman.
"Hell, ikaw na nga bahala diyan. Tara na nga Ella." Aba himala. Good boy si Drake pagdating kay Ella. Bait e. Samantalang sa iba, hindi.
Matanong nga si Hell kung anong status nila."The two..."
He just shrugged his shoulders. Hindi siya slow, na gets niya agad.
"So, tara sa canteen tignan natin sila." Ang tahimik ah. Awkward.
BINABASA MO ANG
Everything is You
De TodoLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...