Chapter 17

78 5 0
                                    

Skye's Pov

Tag-ulan ngayon. Wala pang jeep ano ba 'yan. Grabe ha. Antagal malelate na ako.

Maya-maya may kotseng tumapat saakin.

"Hop in." Si Hell. Aba, syempre sumakay na ako. Choosy ko pa, ano.

"Basa na 'yang jacket mo. Oh, heto."

May inabot siya saakin. Leather jacket na black. Sinuot ko, tama lang naman saakin, nagkasya e. Buti naman.

"Salamat."

"No problem."





Nasa school na kami. Pinagtitinginan ako? Si Hell? Oh, 'yong leather jacket?
Last practice ng thirty minutes then magprepresent na kami. Good luck na lang saamin.

Na finalized na namin lahat. Okay naman na. Sadyang 'yong katawan ko matigas. Bigla namang napatingin saakin si Light. Kasama niya nanaman si Kevin... si Charles,  I mean.

At dahil close na kami ni Hell. Iba na rin 'tong nararamdaman ko. May kakaiba na ewan.

"Like?" May binigay saakin si Light. Donut.

"Para saan?"

"Uhm, I just want to..."

"'Hindi ko kailangan 'yan."

"Skye." Ayan nanaman si Hell. Tsk.

"I DONUT CARE."

Teka nga ba't ba ako naiinis sakanya? Diba? Ah, 'yong kawalan ng commonsense niya kasi.

Umupo na ako sa upuan ko. Bahala na sila diyan.

"Practice tayo."

"Kahit duon ka na. Che."

"Gusto ko dito lang ako. Sayo." Sayo, mukha mo.

"Mukha mo."

"Gwapo."

"Sumasabay ka sa lamig ng panahon, ano? Ang hangin mo kasi e."

"Para ramdam mo ako."

"Tae mo. Haha! Daming alam. Practice na nga tayo."

Tumawa lang siya. Nag practice na kami. Nakakainit. Pagkatapos naming magpractice nagpalit na kami at nagtawag na si Ma'am ng mag peperform.

Ang gaganda nang suot nila. Akin nga e nakapang ballroom talaga. Sosyal.

At kami na rin sa wakas.

"Don't be nervous. Makinig ka lang sa kanta at isabay mo 'yong katawan mo duon. Kaya natin 'to." Sinunod ko naman sinabi niya. Madali na lang.

"Tumingin ka saakin."

Hindi ko alam kung susundin ko 'yong sinabi niya pero may kung ano sa sarili ko na gustong sumunod sakanya, at nangyari naman 'yon.

Tumingin ako sakanya. Parang kami lang ang tao dito. Siya lang ang nakikita ko dito. Parang 'yong mga iba wala lang, siya lang.

"What's wrong?" He asked. Hindi kasi ako makatingin sakanya e. Baka mahulog ako sakanya. Pero wala namang mali kapag gusto ko siya o mahal ko siya? Basta, ang alam ko nahuhulog na ako sakanya. Iba siya.

"I can't. Baka kasi mahulog ako."

Sabi nila makikita mo ang pagmamahal ng isang tao kung paano ka niya titigan. Kung paano mo siya titigan. Heto ako ngayon, hindi ako makatingin. Baka makita niya na gusto ko siya... na ewan. Hindi ko alam 'yong nararamdaman ko. Basta ang alam ko kapag nandyan siya bumibilis ang tibok ng puso ko. 'Yong para bang takbo ng kabayo. Basta mabilis. Tapos hindi ko siya matanggihan. Ah, ewan. Basta ganon.

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon