Chapter 6

97 5 0
                                    

Skye's Pov

Talagang hindi kami nagpapansinan ni Hell, actually hindi naman dapat. Ngayong araw ko na sisimulan 'yong pagbabago ko sakanya. Sana lang mabago ko siya. Hindi ko naman ito gagawin kung hindi ko gusto e, gusto kong bumalik 'yong Hell na dati. Mabait kaya siya? Sweet? Caring? Kahit ano pa 'yan. Magugulat na lang siguro ako kung totoo 'yang mga 'yan, paano ba naman kasi ang cool niya, ang mean, 'yong mga mata niya na parang tumatagos lang ako, ni parang hindi niya ako nakikita, mga ganyan, 'yong parang 'di ako nag-eexist sa mundong ito.

Nasa school ako ngayon at ibabalik ko na 'yong mga notebooks niya, nag-iisip lang ako ng paraan para maumpisahan ko na. Sakto may quiz kami bukas. Alam ko na.

Nakita ko siyang nakaupo at nakikinig din ng kanta? Parehas kami.
Pagtingin ko kay Drake... aba, mag kasama sila ni Ella. Sweet. Iba na 'yan.

"Hell." Tawag ko sakanya.

"What?" Aba, um-eenglish na naman.

"Kailangan mo na 'yong mga notebooks mo, diba?."

"Obviously." Ang tipid niya talaga magsalita. Hay.

"Bago ko ibigay, pang thank you ko man lang sa'yo, libre kita sa labas." Pumayag ka please.

"No need." Failed.

"Okay. Edi hindi ko ibibigay itong mga notebooks mo."

"That's my notebooks. It's mine not yours. Give it to me." He commanded.

Nag-aagawan na kami. Sana lang hindi masira.

"Ililibre muna kita."

"I. said. no. need. Why, can't you understand that?"

"Naiintindihan ko naman kaya lang makulit ako e. Gusto kitang ilibre e. Unless na lang..."

"What?"

"May gusto ka saakin." I hit it. Yes. Tumingin siya saakin.

"You're just a nobody, not even worth it."

Ang sakit naman nito magsalita. Nobody talaga at not even worth it rin. Ouch.

"Sige, kahit wag na. Oh, notebooks mo."

Binalik ko na, wala rin naman akong magagawa e. Mag-iisip na lang ako nang ibang paraan. Umupo na ako at nagbasa. Para akong walang gana. 'Yong tahimik ako.

"Hoy, Skye!" Pagtingin ko si Drake pala. Magkakatabi nga pala kami.

"Anong problema mo?" Sungit ko ngayon 'no? 'Yan si Skye.

"Come on, dude. Sabihin mo na."

Pinagsasabi ni Drake? Kausap niya si Hell eh.

"What?"

"Ako na nga magsasabi. Skye, Oo na daw PUMAPAYAG na siya." Napakalaking ows?

"I didn–"

Itutuloy na nga sana ni Hell kaso bigla namang tinakpan ni Drake 'yong bibig niya. Obvious naman e, na hindi niya sinabi 'yon, si Drake lang.

"Saglit lang ah. Mag-uusap lang kami." Nagkibit balikat na lang kami ni Ella.

Pagdating nila, okay na 'yong mga mukha nila. Parang nagkakaintindihan na sila.

"What now?" I asked them.

"He'll go with you."  Seriously Drake?

"Is it true?" I asked Hell. He nodded.

May mga nangyayaring hindi ko alam, ano kaya 'yon?

"So, mamaya sa uwian."

"Yeah." I feel like... happy?

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon