Chapter 23: Hide and Seek
Nathalie's Point of View
Pagkapasok ko pa lang sa classroom ay nakaramdam na ako ng kakaiba. May humawak naman sa kamay ko at alam kong si Gabrielle iyon.
Bakit parang ang weird ngayon? Napatingin ako kay Summer na tulala. Nakahalumbaba lang siya at nakatitig sa blackboard. Hindi man lang nabigay kahit one second sa pagpikit at pagmulat ng mga mata. May nakikita ba siyang iba sa blackboard? Tapos parang may binubulong pa siya.
Tapos kay Kuya Wynd na parang wala sa sarili. Paano ba naman kanina pa siya kinukurot ni Lumiere sa pisngi niya hindi man lang uma-aray. Tsaka isa pa, first time matulala ni Kuya Wynd ng ganito. May iniisip siguro kaya ganito siya. Pero hindi naman siya bad mood kaya imposibleng about gangster world ang iniisip niya.
Tapos kay Sophia na namumula kanina pang pagkapasok namin ni Gabrielle. Katabi niya si Rain na busy sa pagkuting-ting ng bracelet ni Sophia. Mukhang nasira ata yung bracelet niya kaya ginagawa ni Rain ngayon. Mukhang alam ko na kung bakit nagkakaganun si Sophia. Kailangan niyang magkwento mamaya sa amin. Kung nasa sarili niya man siya.
Tumingin naman ako kay Jc na tahimik. Hindi ako sanay na tahimik lang siya. Usually kasi ay maingay yan. Silang dalawa naman ni Michael ay nag-iiwasan ng tingin. Ano kayang problema ng dalawang ito? Tapos ang nakakabigla pa ay magkatabi sila ng upuan, which i find it weird.
At kay Alice at Louie na missing in action ngayon. Baka nasa canteen na naman ang dalawang yun at kumakain. Yung dalawang talagang yun, wala ng inatupag kung hindi ang kumain ng kumain. Sabagay, nagbabayad naman sila sa mga kinakain nila kaya hindi dapat ako magreklamo.
"Love napansin mo rin ba?" Tanong ni Gabrielle kaya napatango-tango ako. Napansin niya rin pala na may mali sa mga kasama namin ngayon.
Pero pababayaan ko muna sila. Kay Trale naman ay wala akong problema sa kanya kasi missing in action din siya. Baka nasa tambayan na naman niya at natutulog. Napabuntong hininga na lang ako.
"Love labas lang ako, may iniutos pala sa akin si Ate Narrisa." Sabi ko at tumayo na. Tumayo din siya at hinalikan ako sa pisngi. Nag-init ang pisngi ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay kapag ginagawa niya iyon. Nasanay na kasi ako na palagi kaming nag-aaway. Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya nagtatakbo na ako palabas ng classroom.
Kung hindi ko lang mahal yun, baka kanina ko pa siya nasapak. Pero wala eh, mahal ko siya.
Pagkatapos kong ibigay kay Ate Narrisa yung mga hinihingi niyang papers para sa officers ng student council ay naglakad-lakad muna ako. Ayoko pa muna kasing bumalik sa room. Maiinip lang ako doon kasi wala naman akong maayos na mapagku-kwentuhan.
Paano ba naman umalis din si Gabrielle sa classroom. Susunduin niya daw si Tita Rielle sa airport. Galing kasing Singapore si Tita Rielle at may inaasikasong business.
Sa paglalakad ko ay napadpad ako sa garden. Kawawa naman ang garden na ito, magaganda yung bulaklak pero hindi naman pumupunta dito yung mga students kasi boring daw dito.
Nako! Kung narinig lang yun ni Summer baka patay na sila. Patay na sila sa death glare niya. Adik kasi siya sa mga bulaklak and siya yung nag-aalaga nitong garden na ito. Kaya nga ag gaganda ng flower arrangement dito eh.
"Lie-chan (Li-chan), what are you doing here?" Napalingon naman ako sa punong malapit sa kinatatayuan ko. At nakita ko si Trale-kun. Naglakad ako papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Wala naman. Nagpapahangin lang. Dito na ba ang bago mong tambayan? Nako! Kung ako sayo Trale-kun huwag kang magpapahuli kay Summer, baka masapak ka ng taong yun." Sabi ko sa kanya. Narinig ko nama siyang tumawa ng mahina.
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
AcciónEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...