Chapter 48: Accident, Japan

3.7K 69 5
                                    

Chapter 48: Accident, Japan

Third Person's Point of View

**Flashback**

-when Summer quit being the Empress Butterfly, Chapter 1, Book 1-

Matapos ang laban ay binati ng lahat ng congratulation ang Empress nila. Lingid sa kaalaman nila ito na pala ang huling laban nito. Dahil pagkatapos ng laban ni Empress ay nag-quit na ito bilang leader nila at bilang isang Empress ng Gangster world.

Pagkaalis ni Summer ay ang pagtahimik ng headquarters nila. Maraming nalungkot sa pag-alis nito, pero wala silang magawa dahil ang main members at ang second division lang ng Black Royalties Gang ang may alam sa totoong itsura ng isang Empress Butterfly.

"It can't be. I can't allowed her to quit." Iyon lang ang nasabi ni Mitsuo at agad na sumakay sa kotse niya. Agad naman siyang sinundan nina Ken at Natsu dahil masama ang pakiramdam nila sa pag-alis ni Mitsuo sa lagay niyang iyon.

"Please be safe." Sinabi ni Reese kay Ken bago sila umalis ni Natsu gamit ang kotse ng binata. Mabilis ang pagpapatakbo ni Ken sa kotse ni Natsu, pero ang may-ari ng kotse ay walang pakialam kung paliparin man ni Ken ang kotse niya.

"Where is he now?" Tanong ni Ken kay Natsu, pinakita ng binata ang phone niya at nakita ni Ken ang isang pulang dot. Papunta ito sa main road. Agad niliko ni Ken sa isang street ang kotse at mabilis na pinatakbo ang kotse.

"Here me out, Mitsuo! Pakawalan mo na si Summer!" Malayo pa lang ay sinigawan na ni Natsu si Mitsuo. Pero matigas ang ulo ni Mitsuo at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kanyang motorbike.

"No, I can't. I love her." Nasabi na lang ni Mitsuo sa sarili niya nang marinig niya ang sinabi ni Natsu. Kahit kailan ay hindi niya pwedeng pakawalan si Summer. Dahil mahal na mahal niya ang dalaga simula noong bata pa sila.

"Don't act like a deaf, Mitsuo! Get your mind!" Sigaw ulit ni Natsu nang malapitan nila si Mistuo. Tinignan lang sila ng binata at sinamaan lang sila nito ng tingin. At mas pinabilis nito ang pagpapatakbo ng motorbike.

Alam nilang matagal ng may pagtingin ang binata sa best friend nitong si Summer. Hindi naman ito sinabi sa kanila ni Mitsuo by words, nahalata lang nila ito dahil sa tingin nito kay Summer. Iba rin ang pag-aalaga nito sa dalaga. Alam nilang matagal ng magkasama ang dalawa, pero nahalata nila na iba kung kumilos si Mitsuo kapag nasa paligid niya si Summer. Palagi niya itong pinoprotektahan kapag may gang fight, kahit na alam niyang mas malakas pa sa kanya ang dalaga.

Inobserbahan ni Reese kung ganoon rin ba ang nararamdaman ni Summer para kay Mitsuo, pero hindi. Hanggang kaibigan lang talaga ang turing nito sa kanya. Oo, nag-aalala ito sa binata, pero ang tingin niya ay malayong-malayo sa uri ng pagtingin ni Mitsuo.

Alam nilang masikretong tao si Summer. Pero hindi nila alam na dadating sa puntong hindi nito sinabi na may balak pala itong umalis. Pati sila ay nagulat sa pagku-quit ni Summer bilang isang Empress, pero wala silang magagawa dahil ito ang decision ng dalaga. At isa pa, kapag nag-decide iyon ay wala ng makakapagpabago ng isip nito. Kahit pa si Mitsuo na best friend niya.

Simula bata pa lang ay magkasama na ang dalawa. Kaya malapit ang dalawa sa isa't-isa, alam nila ang nangyayari sa bawat isa, walang sikretong hindi nila alam at madalas na matulog ang dalawa na magkasama.

Pero dumating ang puntong nagtago ang isa't-isa ng isang sikreto. Ang isang sikreto na pwedeng makapaglalayo ng loob ng isa't-isa at ang isang sikreto na makakasakit sa isa't-isa. Alam ng main members at second division na may nararamdaman si Mitsuo kay Summer, pero si Summer ay walang kaalam-alam sa nararamdaman ng best friend niya.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon