Chapter 28: Black Royalties Gang

5.5K 115 0
                                    

Chapter 28: Black Royalties Gang

Summer's Point of View

Nag-unat-unat ako at kahit na tinatamad pa ay ginawa ko na ang daily routines ko. Pero habang naglalakad ako palabas ay bigla nalang akong kinabahan. Ang sabi ng instinct ko ay may masamang mangyayari. Kaya binilisan ko ang paglalakad ko.

Pero hindi pa ako nakakalayo sa bahay ng may bumuhat sa akin. Sisipain ko na sana kung sino man ang bumuhat sa akin ng maamoy ko ang pabango niya. "Comet!"

This guy. Ibinaba na niya ako kaya inayos ko ang uniform ko. Tapos ay sabay kaming naglakad. He's holding my hand. Kaya nawala kahit papaano yung kaba ko. I feel secured when his with me. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti. I smiled back at him. Then he said something. "I love you."

"I love you so much too." I answered. Napapatingin na sa amin ang ibang estudyante pero parang wala man pakialam ang kasama ko. I bow down my head because of they are staring at me. But then he stop.

"Don't mind them Summer. Let them watch some 'show' of us." And in front of everyone, he pulled me closer then kiss me passionately. My eyes went widen but when he started to kiss me, i started to close my eyes. Then i kiss him back. I can heard everyone's gasp. But after that, they applauded. We broke the kiss and then he look at everyone.

"Everyone, who's trying to hurt my girl will get my punishment. Take it seriously. Are we clear?" He shouted. Tumingin ako sa paligid at hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng makita kong nakangiti ang lahat.

"Yes Emperor Wynd." They said in unison.

"Woah! Bakit ang sweet niyo? Baka langgamin na kayo niyan." Napalingon kaming dalawa ni Comet ng may magsalita sa likod namin. Pagtingin namin ay ang buong barkada pala. Kinakaway ni Nathalie ang right hand niya habang nakangiti at hawak naminan ni Gabrielle ang left handniya. Ang sweet ng dalawang ito.

Si Sophia na ngisi-ngisi at nagthumbs up. Pero biglang mamula ang mukha niya noong ayusin ni Rain ang buhok niya na tinatakpan na ang mga mata niya. Si JC na pumapaklakpak pa at talon ng talon habang tumatawa at si Michael na manghang-manghang nakatingin kay JC. In-denial talaga ang dalawang ito. At si Alice na may hawak na camera katabi niya ang best friend niyang si Louie na nanonood sa kanya.

"Bayaran niyo ko! Hahaha, gagawan ko ng movie ang love story niyo kaya magbabayad kayo. Tapos mas yayaman pa ako! Wooohooo!" Napatawa kaming lahat dahil sa ka-hyperan ni Alice.

"Noong una, pustahan. Ngayon naman movie making. Mayaman ka naman ah!" Sabi ni Louie kay Alice. Pero ngumisi lang si Alice kay Louie.

"Tara punta tayong canteen. Ubusin natin kayamanan ko. Tapos magbabayad sila at yayaman ulit ako. Bilis, tara!" Walang nagawa ang kawawang su Louie nang hilain na siya ni Alice papuntang canteen. Napailing nalang ako dahil sa kakulitan nila. Kahit naman na ubusin nila ang pagkain sa canteen ay hindi maghihirap si Alice. Pasaway talaga.

Pero napadako ang tingin ko sa isang building. Building the other course. Nakatitig siya sa akin habang may seryosong expression. Pero bigla akong tinawag ni Comet kaya napatingin ako sa kanya. Inaya na nila akong umalis kaya nagsimula na kaming pumasok sa lobby ng school dahil may meeting daw ngayon.

Tumingin ulit ako sa building kanina. Pero wala na siya. I shake my head, my imagination maybe. Pero malakas ang kutob ko na nakita ko siya. Pero kung totoong siya yung nakita ko, paano niya nalaman na dito ako nag-aaral? Summer tama na. Don't think about them anymore. Remember, you already quit. And no one knows where you are right now. But how about communication?

"Nagpatayo ako ng restaurant sa Tagaytay. Sort of tambayan. May mga villa din doon at para siyang subdivision na hindi. Basta ganun. Doon napunta lahat ng napanalunan ko sa pustahan. Kung hindi ako nagkakamali ay umabot ng three hundred thousand yung pera. Pero kulang pa rin." Sabi ni Alice habang nasa headquarter kami ni BDG.

Halos mabulunan kaming lahat dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin bago pa ako dumating dito nakikipagpustahan na si Alice sa kanila? Woah! Tapos sabi niya kulang pa yon? Pero may punto siya doon kung malawak ang pinapagawa niya. "Okay, magbibigay kami."

"Alright, sa atin mapapangalan ang property na yun. Kahit naman na hindi kayo magbigay nakapangalan na sa ating lahat yun." Proud na proud pa si Alice dahil tumayo pa siya at nag-wave ng kamay na parang kasali siya sa isang pageant.

Natawa kaming lahat dahil sa kakulitan niya. Akala ko dati para sa kalokohan niya lang ang pagsali sa pustahan, but we didn't know na may napapagawa na pala siya na hindi namin alam.

Nagring naman ang phone ko kaya napatingin sila sa akin. Pagtingin ko kung sino ay bigla nalang akong kinabahan. Summer! Si Ms Narissa lang ang tumatawag! Bakit ka ba kinakabahan? Tumayo ako at nagpaalam sa kanila na sasagutin ko lang.

"Hello? Ms Narissa, bakit po?

"Evane." I shiver when i hear his voice. Tumingin ako sa paligid at baka may makarinig.

"Miss Narissa-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ang nasa kabilang linya. This time, napaupo na ako sa damuhan dahil sa sobrang panginginig ng mga binti ko. Nagsisimula na rin akong mabalot ng takot.

"Evane, you need to go home now. Asap! Your cousin Reese-" Pinatay ko na agad ang phone ko bago pa matapos ni Lolo ang sinasabi niya. Kaya ba ako kinakabahan kasi tama na naman ang instinct ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa damuhan and i compose my self. Hindi nila ako pwedeng makitang ganito. Siguradong manghihinala sila sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Tumingin sila sa akin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik kahit na gustong-gusto ko ng umalis para mapuntahan si Lolo.

"Guys, mauuna na akong umalis. Pinapatawag kasi ako ni Ms Narissa." Sabi ko at kinuha ko na ang backpack ko at ang mga gamit ko na nasa sofa. Nakita ko naman sa peripheral view ko na tumayo si Comet.

"Do you want me to accompany you to Ate?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Kinakabahan ako na baka ito na ang huli kong paglapit sa kanya. Gusto ko man lumapit sa kanya ulit sa susunod hindi na pwede. Dahil hindi na talaga pwede.

"Huwag na. Kaya ko naman eh." Nag-wave na ako ng bye sa kanila. At napatingin ako kay Trale. Nakatingin lang siya sa akin pero alam kong may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi-sabi. Nag-nod ako sa kanya at nagnod naman siya pabalik.

"Bye... I love you." Sabi ko noong nasa labas na kami ng headquarter. Pero hindi siya nagsalita. Kinabahan ako noong nakatingin siya sa akin ng seryoso. Pero napayuko ako dahil sa huli kong sinabi. Nakakahiya!

"Bye. And i love you too." He close the gap between us by kissing me. I kiss him back, full of love. Natatakot ako na baka ito na ang huling beses na magkita kami, pero sana ay hindi. Dahil ayokong mawala siya sa akin.

"Akala namin hinatid na." Napahiwalay ako kay Comet but he wrap his arm around my waist and hug me. Nakaramdam ako ng hiya ng makita ko ang barkada sa likod ni Comet. Nakatakip ang mga mata ni Alice dahil tinakpan ito ni Louie. Natawa ako dahil sa ayos nila.

Nag-wave ako ng kamay at umalis na ako. Pagkalabas ko ng gate ng headquarter ay tumakbo na ako paalis. Binilisan ko ang takbo ko, pinagtitinginan na ako ng mga estudyante pero wala akong pakialam. Kailangan mas mabilis pa ang takbo ko. Binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa makapunta ako sa harap ng office ni Ms Narissa.bNapahawak ako sa tuhod ko para makakuha ng sapat ng hangin. Pagod na pagod ako kakatakbo.

Maraming negative thoughts ang pumapasok sa isip ko. Napatayo ako noong maalala ko kung sino ang nakita ko sa isang building kanina. Nandito ba siya? Hindi lang ba imagination ang nakita ko kanina or hallucination? Dinig na dinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. At alam kong hindi iyon dahil sa pagod, dahil iyon sa kaba. Isang kaba na kailangan kong harapin kahit na anong mangyari.

Pagkatapos kong magpahinga ng ilang sandali ay nakakuha na ako ng sapat na lakas ng loob para kumatok. Agad namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin sina Lolo, Lola at si Miss Narissa.

Pinapasok nila ako at umupo sa sofa. Katahimikan ang bumalot sa buong office, hanggang sa basagin ito ng mga katok. Sabay-sabay kaming tumingin sa bumukas na pinto. Sa sobrang gulat ko ay napatayo ako, nandito na sila. Ang mga taong iniwan ko ilang buwan na ang nakalalipas. Pero bakit kung kailan masaya na ako doon pa sila nagpakita? Bakit?

Nandito na talaga sila. Ang dati kong ka-gang. Ang Black Royalties Gang.

***

Abangan! Chapter 29: Please, Return

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon