Chapter 43: Foundation Day

3.7K 79 1
                                        

Chapter 43: Foundation Day

***Part 4 - Auction***

Alice's Point of View

Nanonood lang ako kay Summer at Kuya Wynd na kanina pa hindi mapaghiwalay. Kanina pa ako pangiti-ngiti dito, patago lang dahil ayokong mapagkamalan na nababaliw na. Dahil mag-isa lang ako dito, teka, nasaan ba si Best friend Louie?

"Ayie, hinahanap ako haha. Allison, anong sabi ko sayo? Huwag mong masyadong ipahalata na miss mo na ako." Sinimangutan ko si Louie ng bigla na lang siyang sumulpot sa gilid ko. Bilang ganti ay hinampas ko siya ng mahina sa balikat, pero dahil sa malaki ang sapak niya sa ulo at dahil sa best friend siya ni Allison ay tumawa lang siya ng tumawa habang patuloy lang siya sa pang-aasar.

"Pero best friend..." Tumigil siya sa pang-aasar sa akin nang magsalita ako. Sinundan niya ang tinitignan ko at napangiti siya nang makita kung sino ang tinitignan ko. "...ang sweet nila no? Simula nang manligaw si Kuya Wynd kay Summer ay halos hindi mo na sila mapaghiwalay. Pero mas lumala ata ngayon?"

"Yeah. Pero hindi mo naman sila masisisi kung ganyan sila ka-sweet ngayon. Isang taon silang hindi nagkita o mas magandang sabihin na nagkahiwalay. Kaya ngayong official na ulit sila, ay ganyan na lang sila kung maging sweet. You know, love knows no boundaries." Napatitig na lang ako kay Louie dahil sa sinabi niya. Si best friend ko ba itong nasa tabi ko? O sinaniban ng masamang espiritu si Louie? But his last sentence made me think, what do he mean by those words?

Hindi na ako nagsalita, dahil una, ay wala akong alam na sabihin, pangalawa, hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react sa sinabi ni Louie. Masyado kasing malalim yung sinabi niya eh. Malay ko ba sa quotes ng love?

Tumugtog ang isang kanta na slow dance. At napasimangot ako dahil ang daming couple ngayon sa dance floor. Tsaka, magbi-break din ang mga yan. Dahil walang forever!

"Halika na. Sayaw tayo. Ayokong nakikitang nakasimangot ang best friend ko dahil marami siyang nakikitang couples sa dance floor." Bago pa ako makaangal sa sinabi niya ay inaya na niya ako papunta sa sance floor. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang ng maramdaman ko ang mga kamay niya sa bewang ko at ang paglalagay niya ng kamay ko sa balikat niya.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nasa gitna kami nang pagsasayaw. Nginitian niya ako, pero napalitan kaagad ang ngiti niyang iyon ng ngisi.

"Sinasayaw ka. Ikaw best friend ah, nawawala ata ang common sense mo ngayon. Anong nangyari?" Sa halip na mainis sa sinabi niya ay napangiti na lang ako. At ang ngiting iyon ay napalitan ng tawa noong bigla siyang bumulanghit ng tawa.

Nagkatinginan kami ni Louie nang makita namin sina Summer at Kuya Wynd na nagsasayaw. Pa-simple kaming kumilos ni Louie habang nagsasayaw pa rin at hindi naman nila napansin na nakalapit na pala kami sa kanilang dalawa. Pero hindi namin napansin na nakalapit na rin ang iba.

Hiniram ko kay Louie ang phone niya at pinicturan ang mga couples, syempre hindi mahuhuli ang mga nade-develop pa lang. Nag-picture rin kami ni Louie habang sumasayaw. At sa halip na formal ay naging wacky ang ginawa namin. Kahit na pinagtitinginan na kami ay tawa pa rin kami ng tawa ni Louie dahil sa mga pinanggagagawa namin.

Natapos ang gabi na walang nangyaring kahit anong ka-weirduhan. Mali, hindi naman pala nawala ang kaweirduhan naming dalawa ni Best friend.

Kinabukasan...

"What?!" Napahakbang kami paatras dahil sa naging reaction ni Summer. Napakagat na lang ako sa thumb ko dahil para siyang dragon ngayon na kahit anong oras ay pwedeng mangain. In short, nakakatakot!

Palipat-lipat ang tingin ko sa lahat ng taong nandito habang kinakagat-kagat ko pa rin ang thumb ko. Napapangiwi na lang ako kapag nakakagat ko ang labi ko.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon