Chapter 18: The Information

6K 131 1
                                        

Chapter 18: The Information

**Part 1**

Summer's Point of View

Agad-agad akong tumayo at tumakbo palabas ng gymnasium. Naulit na naman! And this time, marami na ang nakakita!

Nakarinig ako ng mga yapak at may tumatakbo kaya ang ginawa ko ay pumasok ako sa bahay at gumamit ng elevator. Pumasok ako sa room namin at pumunta ako sa veranda. Nakita kong walang bantay sa lake. Tumuntong ako sa railings at tumalon.

Napangiwi ako dahil may bato pala sa pinagbagsakan ng paa ko. Buti at nakasapatos pala ako ngayon. Kung hindi butas na ngayon ang paa ko.

Kahit na masakit ang paa ko ay tumakbo ako papunta sa forest. Pumasok ako sa forest at tuluy-tuloy ako sa pagtakbo. Hindi ko alintana ang kaliwa kong paa na nananakit na talaga. Hanggang sa makarating ako sa lake.

Inalis ko ang sapatos ko na may butas na pala sa talampakan ko. Gaano ba katulis yung bato kanina? May dugo na rin ang sapatos ko dahil tumagos yung bato.

Paika-ika akong pumunta sa lake at binabad ko ang kaliwang paa ko. Nagkulay dugo agad yung tubig, napapikit ako dahil ang hapdi. Huli akong nagkasugat noong nag-eensayo pa ako, pero hindi ganito. Hindi ganitong dami ng dugo ang nawawala sa akin.

Inalis ko na sa tubig ang paa ko at tinalian ko ng panyo ko para tumigil sa pagdugo. Humiga ako at pumikit. Dinadalaw na ako ng antok ko.

Wynd's Point of View

"Tatayo ka na lang ba dyan Wynd? Sundan mo siya!" Sinamaan ko muna ng tingin si Louie na kanina pa ako pinagtatawanan dahil sa nangyayari sa akin.

Tumakbo na ako palabas ng gymnasium. At nakita ko siya na pumasok sa bahay. Sinundan ko siya at sa isang elevator ako sumakay.

Nakita ko siyang pumasok sa room namin kaya hindi ko na muna siya sinundan. Pero bigla akong kinabahan kaya tumakbo na ako papasok ng room namin. Wala siya, hindi ko siya makita. Pumunta ako sa veranda at nakita ko na lang siya na papasok ng forest. Paano siya napunta doon? Huwag mong sabihin na tumalon siya? Pero imposible, takot siya sa matataas!

"Aish! Bahala na nga!" Tumalon ako at buti na lang ay naiwasan ko yung bato. Napakunot ako ng noo dahil parang may kung anong mali doon sa bato. Dugo!

Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo na ako papasok ng forest. Alam ko naman kung saan siya pupunta eh. Sa lake. Binilisan ko ang takbo ko at nakita ko na lang siya na nakahiga. Akala ko kung napano na siya pero nakita kong may panyo ang paa niya. Ito siguro ang nakuha niyang sugat kanina.

Isa lang ang ibig sabihin noon. Tumalon nga siya. Pero bakit noong magkasama kami ay hindi niya makuhang tumalon doon sa puno? Pero sa third floor nakuha niya pang tumalon. You're really interesting Summer Night.

Nagpahinga lang ako sandali at bumwelo ako. Tumalon ako sa sanga ng puno at tumalon sa susunod na puno. Training ko na rin ito dahil one month kami dito. Ganun ang ginawa ko hanggang sa makalabas ako ng forest. Gumamit din ako ng stairs sa pag-akyat ng room namin.

Kumuha ako ng dalawa at kinuha ko na rin yung box na palaging pinapadala sa akin ng magaling kong ate. Hindi ko alam na magagamit ko pala ito ngayon. Gumamit ulit ako ng stairs sa paglabas sa bahay at ginawa ko na naman ang paglipat sa mga puno. Mukha akong ninja nito. Tsk!

Pagkadating ko sa lake ay tulog pa rin siya. Pero mukhang giniginaw na siya kaya inupo ko muna siya at sinuotan ng jacket na kinuha ko kanina. Sinuot ko na rin yung isa nang papunta na ako dito.

Nilinis ko na ang sugat niya sa paa at binendahan. Napakunot ako ng noo, bakit ang sarap ng tulog niya? Ako hindi man lang makatulog! Binuhat ko siya at inayos ko ang higa niya sa ilalim ng puno na makapal ang mga dahon.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon