Chapter 12: Sweet
Summer's Point of View
"Dito ka sa tabi ko." Tinap niya ang upuang sinasabi niya. Umupo na lang ako doon ng walang sinasabing kahit anong salita. Nakakapagod makipag-away sa taong hindi nauubusan ng sasabihin. Katulad ni Comet na naging madaldal kanina. Hanggang ngayon pala. Ano bang kinain ng Emperor na ito?
"Minsan hindi ko alam kung magkasundo ba kayo o hindi. Kanina narinig ko pa si Summer na sumigaw. Nang anong dahilan?" Tanong ni Sophia sa amin ng makaupo na siya sa tabi ko. Ako nga rin ay naguguluhan sa taong ito. Sasagot na sana ako pero nasa harap na namin si Miss Narrisa. Napansin kong tumingin siya kay Comet at biglang nag-iba ang expression niya. Hindi ko maintindihan ang expression na pinapakita niya, hindi ko alam kung malungkot ba siya o hindi.
"Bibigyan namin kayo ngayon ng free day. Bukas magsisimula ang activities niyo. You may go now." Nakatingin pa rin ako kay Miss Narrisa na iba ang nakikita kong expression sa mata niya habang nakatingin pa rin kay Comet. Out of nowhere, bigla na lang sumulpot si Prof Kean sa likod ni Miss Narrisa at hinila ito.
Tumayo na si Comet kaya tumayo na rin ako. Tahimik lang kaming lumabas ni Comet. Ang lamig ng hangin dito. Pero mas malamig sa Japan. Pero kapag lumalabas ako ng bahay ay nakaleather jacket ako. Nakalimutan kong dalhin yung jacket ko. Pinagsalop ko ang palad ko at pinainit ko ito habang pinagkikiskis ko. Pero wala pa rin, ang lamig. Bigla namang may pumatong na jacket sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Paano ka?" Tanong ko. Paano kung siya naman ang malamigan? Tapos ako dito ayos lang? Ayokong makonsensya dahil nagkasakit siya ng dahil sa pagbibigay niya ng jacket sa akin. Baka ako pa ang sisihin niya.
"Sanay ako sa malamig na klima. Kaya ayos lang ako." Matamlay na sagot niya. Inayos ko ang pagkakasuot ng jacket sa akin para hindi ako malamigan. Bakit kaya parang malungkot siya?
"Anong nangyari kanina sa bus?" Napayuko ang dahil sa tanong niya. Naghahanap ako ng tamang isasagot. Hindi ako pwedeng magkamali. Kapag nagkamali ako ng sagot baka manghinala siya.
"Wala naman. Natulog lang kayo." Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad kaya nilingon ko siya. Nakayuko siya habang nakapasok ang dalawa niyang kamay sa pocket ng jeans niya. Lumapit ako sa kanya.
"So it mean natitigan mo ako habang natutulog ako?" Natahimik ako sa sinabi niya. Parang hindi tanong e. Parang sinasabi niya ang totoo kong ginawa kanina sa bus. Dapat kasi pinag-isipan mo ang isasagot mo Summer. Dapat sinabi mo na nakatulog ka.
"Gwapo ako no?" Facepalm. New side of Comet. Una seryosong nakakamatay yung aura. Second he's evil smirk and even smile. Third he's cute smile and last he's being conceited now.
"Ang kapal." Nasabi ko na lang. Nagsimula na akong maglakad ulit at sinabayan niya naman ako. Tumawa lang siya sa reaction ko. Sinong hindi mapapasabi ng ganoong salita kung bigla siyang magtanong ng ganoong tanong. Iba din pala ang kahanginan ng isang Emperor. Well, mas malala kay Comet. Nagkwentuhan lang kami ng mga non-sense na bagay.
At nag-away o nagdebate kami ng madalas na idebate ng simpleng estudyante. Ano pa ba? Kung ano ang mas nauna ang manok ba o ang itlog. Pero panalo ako dahil pinili ko ang manok. Muntikan nga akong matalo sa kanya kasi nauuna naman daw ang I sa M. Pero sabi ko naman mas nauuna pa rin ang C sa E.
Bakit kaya naging madaldal itong taong to? Pero pinabayaan ko na lang siya. Dahil sa paglalakad namin, hindi namin napansin na malapit na kami sa gitna noong mukhang gubat. Yung kaninang tinitignan namin sa balcony? Tumakbo kaagad ako at hinanap yung lake. Pagkakita ko sa lake ay agad akong yumuko para tignan ang tubig. Malinaw yung tubig at nakikita ko talaga yung mga isda. Bakit may gold fish dito?
"Inaalagaan ang lake na ito kahit walang nagpupunta dito. Kaya may gold fish na naligaw dito." Sabi niya at umupo sa tabi ko. Tinanong ko siya kung anong klaseng isda ang mga tinuturo ko. Wala kasi akong idea sa kung anong klaseng isda ang meron sa Pilipinas dahil sa Japan na ako lumaki. Ang alam ko lang dito sa man-made lake ang gold fish. And the rest ay hindi ko na alam.
"Bakit walang nagpupunta dito?" Naitanong ko na lang out of the blue. Yun ang naisip ko pagkatapos niyang ipakilala sa akin lahat ng mga klase ng isda dito. Kami lang kasi ang tao dito kaya nagtataka ako. Nakayuko lang siya at hindi sumasagot. Don't tell me tulog ang isang ito?
"Comet, ayos ka lang?" Lumapit na ako sa kanya kasi hindi pa rin siya nagsasalita. Umupo ako sa tabi niya at yumuko para tignan siya. Nakapikit siya at nakahawak sa sentido niya. Hinawakan ko ang noo niya pero hindi naman siya mainit. Ito ba yung dahilan kanina kung bakit nagbago ang expression ni Miss Narrisa?
"Ayos lang ako. Nahihilo ako ng konti." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero narinig ko dahil kaming dalawa lang ang nandito. Pinahiga ko muna siya sa lap ko at ako na ang nagmasahe ng ulo niya. Ginagawa ko ito kay Yaya Lory kapag sumasakit ang ulo niya. Speaking of Yaya Lory, namiss ko na siya. Hindi kasi ako pwedeng pumunta ng bahay ni Lolo dahil may naghahanap daw sa akin.
"Bakit ka ba nahihilo?" Hindi siya sumagot kaya pinabayaan ko muna siya. Baka hindi konting hilo itong sinasabi niya e. Baka hilong-hilo na siya. Kaninang pagkalabas niya ng room namin ay ayos pa rin siya.
"Hindi ko rin alam. Pero nahilo ako noong malapit na tayo dito." Nagtanong ako sa kanya kung anong nakain niya pero wala naman daw. Hindi kaya pagod ang isang ito? Pagkatapos kasi naming magbyahe ay naligo na siya. Papatayuin ko na sana siya para makabalik nakami sa bahay nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
"Dito muna tayo. Pamasahe naman ulit ng ulo ko. Please." Bigla na lang kumilos ang kamay ko at minasahe ang ulo niya. Nagplease siya, for the first time nakita ko ang cute side niya. Iba talaga kapag gangster ka, paiba-iba ng pinapakitang side. Tinigil ko na ang pagmamasahe sa ulo niya at sumandal sa puno sa likod ko. Nakatulog na naman siya, nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Kanina sinubukan kong alisin pero ayaw niyang bumitaw.
Kahit tulog na malakas pa rin siya. Simula noong nakilala ko sila, marami ng nagbago sa akin. Hindi na ako nakikipag-away. Wala na rin umaaway sa akin kapag nasa campus ako. Ito ang pinangarap kong buhay simula bata ako. Pero hindi ko ito makuha dahil kahit na bata pa lang ako sa wala na akong ibang ginawa kung hindi ipagtanggol ang sarili ko sa iba. At sa murang edad rin, naging empress ako. Binigay sa akin ang isang malaking tungkulin na kailangan kong gawin ng maayos, kung ayaw kong makuha ito sa akin.
Buong buhay ko, karahasan lahat ng nakikita at nangyayari sa buhay ko. Matagal ko na itong pangarap, ang magkaroon ng normal na buhay. Papasok ng school, gagawa ng project and assignments, magkaroon ng normal school days at umuwi na ang problema ko ay kung anong pagsusulit ang sasagutin kinabukasan. Ganoon ang gusto ko at ngayon ay nangyayari na nga. Masaya ako kung anong meron sa buhay ko ngayon.
Tinaas ko ang kamay ko na hawak niya. Napatawa ako ng mahina dahil para siyang bata na nakahawak sa pinky finger ko. Pero napatigil ako sa pagkatawa ng hawakan niya ulit ang kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang tumakbo ako ng ilang kilometro sa sobrang bilis. Inaalis ko ang kamay ko sa pagkakawak niya pero wala pa rin, ayokong gamitin ang lakas ko dahil ayoko ng balikan ang dati kong buhay.
Pinabayaan ko na lang siya at napabuntong hininga. Pumikit ako dahil inaantok na ako. Parang nadrain lahat ng energy ko ngayon. Kinakain na ako ng antok ng bigla siyang kumilos. Pinabayaan ko na lang siya dahil inaantok na talaga ako.
***
Abangan! Chapter 13: Red
"Nagkita ulit tayo mahal na Emperor."
Bakit siya nandito? Ang taong ito, ibang-iba na siya kumpara dati. Noong huli kaming nagkita.
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
AksiEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...