Chapter 38: They Knew
Summer's Point of View
Napanga-nga nalang ako sa sinabi ni Prof Kean. Kailangan ba talaga iyon? Eh hindi naman nga ako kasali sa mga club ng campus dahil ayoko. Pero ngayon, mandatory na daw, para sa grades namin sa P.E. Bakit kasi siya pa yung PE teacher namin?
"Miss Night, I knew that expression of yours. And nope, pipili ka ng club na sasalihan mo, whether you like it or not." Napabuntong hininga nalang ako. Laglag balikat akong lumabas ng room matapos mag-bell dahil lunch na.
"Summer!" Lumingon ako at nakita ko si Alice na tumatakbo papunta sa direction ko. Humarap ako sa kanya ng tuluyan at ngumiti. Yinakap niya agad ako pagkalapit niya sa akin.
"Sorry at hindi ka namin nasamahan kanina. May pinaasikaso sa amin si Ate Narrisa na mga papers eh." Ngumiti lang ako at nag-nod since alam ko na rin ang dahilan nila kung bakit hindi sila naka-attend ng morning class namin. Nasa hallway na kami nang may bigla akong naalala.
"Alice di ba ay ahead ako sa inyo ng mga Princess nang one year. How come at nakalipat kayo sa year namin?" Bigla ko kasing naalala yung panahon na bigla nalang silang nagsipasukan sa class namin. Akala ko ay makiki-seat in lang, ayun pala ay lumipat na ng permanent sa class ko.
"Ah yun ba. Accelerated dapat kami. Dapat talaga niyan ay dito ay ganitong year na kami. Pero nag-decide kami na mag-stay sa lower year. Pareho lang kami nina Kuya Wynd. Dapat niyan ay naka-ahead sila sa amin ng one year dahil accelerated din sila. Since pwede naman kaming lumipat ng year na ahead sa amin, ay lumipat kami nang maging kaibigan ka na namin. Hindi naman namin alam ng mga panahon na iyon na kaklase mo pala ang BDG. At kaya pala hindi ka namin tinatawag na Ate, ay dahil gusto namin na ka-age ka lang namin. Ayaw ka naming tawagin na Ate, katulad ng pagtawag namin ng Kuya sa mga BDG. Mga matatanda na kasi eh." Natawa ako bigla sa huling sinabi ni Alice. Pero, kahit kailan ay hindi niya tinawag na kuya si Louie. It means, something!
Pumunta kami sa canteen at sabay-sabay kaming kumain lahat. Walang pinagbago ang nangyayari kapag kumakain kami. Maingay pa rin at kung saan-saan napupunta ang usapan namin.
Calling the attention of Miss Night. Please proceed to the Principal's Office.
Calling the attention of Miss Night. Please proceed to the Principal's Office.
Sabay-sabay silang napatingin sa akin, may pagtatanong ang nga expression nila. Iyong expression nila na "Bakit ka pinapatawag?" Nagkibit-balikat nalang ako at tumayo na. Nakipag-debate pa ako kay Comet bago ako umalis. Dahil ang gusto niya ay samahan niya pa ako, pero ang sabi ko ay huwag na. Sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag na ako lang mag-isa ang pupunta sa principal's office.
Kumatok ako at ilang sandali lang ay bumukas na iyon. Nakakaisang hakbang palang ako nang mapatingin ako sa mga taong nakaupo ngayon sa harap ng table ni Miss Narrisa. Napatigil ako at napatitig nalang sa kanila. Bakit parang natatakot akong makasama sila? Bakit nakakatakot yung atmosphere dito? Dapat ata ay sinama ko nalang si Comet para hindi ganito ang nararamdaman ko ngayon.
"Come in Miss Night." Kahit na napipilitan ay pumasok na ako at sinara ang pinto. Napakagat nalang ako ng ibabang labi ko pagkatapos ay huminga nang malalim. I self pat my shoulder and cheer up myself. Tama! Walang mangyayaring masama, Summer!
Awkward akong naglakad papunta sa isang seat at paupo palang ako ng biglang magsalita si Mom kaya biglang nanlambot ang mga tuhod ko at bigla akong napaupo sa sofa na ikinatingin nilang lahat. I gave them a faint smile na sana hindi halata, dahil kinakabahan talaga ako! At hindi ako mapakali dito!
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
ActionEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...