Chapter 21: Dedma

5.5K 134 3
                                    

Chapter 21: Dedma

Summer's Point of View

Napatitig ako sa mga panda designed kong tsinelas. Ang tagal na rin pala simula ng huli ko itong magamit. Ilang months ang nakalipas simula ng iwasan ko siya. At hindi ko na matandaan kung kailan pa nagsimula yun. Ayoko na lang alalahanin, ang pangit at ang saklap lang.

Napasigaw naman ako at nailuwa ko yung tubig na iniinom ko. Sa sobrang pre-occupied ko hindi ko napansin na mainit na tubig pala yung iniinom ko. Narinig ko naman ang yabag ng ilang nagtatakbuhan at bumungad na lang sa harap ng pagmumukha ko ang tarantang-tarantang mga Princess.

"Anong nangyari? Bakit bigla kang sumigaw? May problema ba? Ano may kalaban ba?" Pagkasabing-pagkasabi ni Jc ng mga salitang yun ay hindi ko alam kung matatawa ba ako o magpapasalamat kasi concern pala siya sa akin.

Sinabi ko ag dahilan kung bakit ako napasigaw kaya nagtawanan sila habang si Jc naman ay natatawa na lang at nakahawak sa batok niya. Namumula pa siya kaya natawa na rin ako. Hindi ko napansin na tumigil na sila sa pagtawa at ako na lang ang tumatawa. Napatigil naman ako sa pagtawa dahil sa pagtalon nila.

"Yes! Yes! Nakita ka na din naming tumawa. Gosh! Ilang months na tayong magkasama pero ngayon ka lang namin nakitang tumawa." Sabi ni Alice kaya natawa na lang ako.

"Pero bakit ka nga ba nakainom ka ng mainit na tubig Summer? Hindi mo ba napansin na mainit yung tubig dahil gamit mo na naman yang mug mo o sadyang lutang yang isip mo? Sagot!" Napahakbang naman ako paatras dahil sa pagsigaw ni Nathalie ng word na "sagot". Nakatingin lang siya sa akin habang seryoso ag kanyang expression.

"Nath, tinatanong pa ba kung bakit niya nainom ang mainit na tubig? Syempre, iisa lang naman ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Summer..." Nagkatinginan silang lahat dahil sa sinabi ni Sophia. Tapos ay ngumiti ng nakakaloko. "None other than Kuya Wynd!"

Sabay-sabay nilang sabi kaya napailing na lang ako. Oo nga naman, bakit ba hindi ko na lang aminin sa sarili ko na siya yung iniisip ko kanina. Siya yung dahilan kaya hindi ko napansin na mainit na tubig na pala ang iniinom ko.

At ako namang si eng-eng ininom ko naman yung tubig. Paano na lang kung may lason yun baka patay na ako ngayon. Pero huwag naman sanang mangyari yun, wala pa akong balak mamatay. Kailangan ko pang patakbuhin ng maayos yung business na pinamana sa akin ni Lolo at kailangan ko rin maamin sa kanila kung sino ba talaga ako.

Feeling ko kasi niloloko ko sila dahil hindi man lang ako umaamin na ako ang bagong mistress ng Ace of Spade University at ako si Empress Butterfly dati. Gusto kong malaman kung magagalit ba sila sa akin o tatanggapin nila ako kahit na sino pa ako.

"Ayan! Sinabi niyo pa yung pangalan ni Kuya, napasimangot tuloy si Summer! Hala kayo!" Binatukan nila si Sophia dahil sa pinagsasabi niya. Nawala kahit konti yung alalahanin ko. Sana, sana matanggap nila kung sino talaga ako.

Ayoko kasing magalit sila sa akin. Tinuring ko na silang family ko at hindi ko kaya kung magalit sila sa akin. Iniisip ko pa lang na magagalit sila sa akin kapag sinabi ko na ang totoo ay bumibigat ang pakiramdam ko. Pero ayoko ng isipin yun. Huwag muna ngayon.

"Punta tayo sa student park pagkatapos nating manood ng Fast and Furious magpicnic tayo. Pero ngayon, manood muna tayo. Ang cool ng mga bida eh." Pag-aaya ni Alice ng mapansin niyang natahimik na dito sa kitchen. Ice breaker talaga itong si Alice.

Habang nanonood kami ng Fast and Furious ay hindi maiwasan ng mga kasama ko ang magsisigaw at magcheer ng magcheer. Dahil hindi ko pa napapanood ang Fast and Furious ay nacurious ako. Nabato ko ang hawak kong popcorn ng akala kong namatay yung bida.

Akala ko talaga ay naaksidente siya. Siya pa naman yung pinakaleader nila. Tapos natawa na lang ako dahil sa yung bolt na nakatali doon sa kotche ay wala ng laman. First time kong manood ng ganito katagal.

As like what i've said, simula ng i-training kami sa gubat hindi na ako naging isang normal na bata. Palagi aong may pasa or kaya naman ay mga galos o mga sugat. Simula din noon ay hindi na ako humawak masyado ng gadgets. Even television, kaya hindi ako updated sa mga movies.

Pagkatapos naming matapos ang lahat ng moving trip nila ay nagpunta kami ng student park. Naglakad na lang kami kasi mula sa apartment ko ay walking distance lang ang student park. At ilang months na din ang nakakaraan ng gawin namin itong tambayan.

Relaxing daw sabi ni Nathalie kaya nagpasya kaming lahat na dito na lang tumambay kung walang pasok. And speaking of walang pasok. Tumingin ako sa kanila at mukhang nakuha nila ang gusto kong sabihin kaya nagkatinginan silang lahat. Tapos ngumiwi.

"Bakit hindi kayo pumasok?" Pagtatanong ko tapos tinaasan ko sila ng kilay habang naka-cross arms. Nagkatinginan ulit silang lahat pagkatapos ay nag-peace sign. Nagditch sila ng class.

At ako bakit hindi ako pumasok? Kasi napaaway ako. Oo, napaaway. Three days lang naman ang suspension ko kasi ako yung inaway.

Naglalakad ako sa hallway habang naka-headphone. Late na ako kasi nahihilo ako, masama ang pakiramdam ko eh. Busy ako sa paglalakad ng may sumulpot ng group ng babae sa harap ko. Nag-excuse ako pero hinila nila ang buhok ko.

Nakita yun ni Ms. Narrisa at nagalit siya. Ayaw niya pa sana akong bigyan ng suspension pero sabi ko ay magpapahinga lang ako dahil masama ang pakiramdam ko. Kaya binigyan na lang niya ako ng suspension. Ako din naman ang humiling ng suspension kahit na hindi ako gumanti sa grupo ng mga babaeng iyon.

At yung namang mga babae pala ay may one week suspension. Muntikan pa silang makick out pero humiling ako kay Ms. Narrisa na huwag na lang silang i-kick out. Kawawa yung mga parents nila na nagbabayad ng tuition fee.

Natatawa na lang si Ms. Narrisa sa nirequest ko sa kanya na suspension. Bakit ba sa lahat daw ng napaaway ay ako pa mismo ang humihingi ng sariling suspension. Nginitian ko na lang siya bilang sagot. Mukhang naiintindihan naman niya kung bakit ayaw kong sumagot sa tanong niya.

"Wala bang ginagawa ngayon sa school kaya kayo nag-ditch ng class?" Tanong ko habang kumakain kami ng miryenda. Inubos muna nila ang nginunguya nila at sabay-sabay na sumagot.

"Yes!" Pero bakit nga ba ako nagtanong kung alam ko naman na may ginagawa sa school ngayon. Hay, ako pa talaga ang pinagloloko ng mga ito.

Nagkwentuhan lang kami habang nakatambay dito sa park. Pinag-uusapan namin yung mga epic na nangyari sa kanila noong bata pa sila. Kinuwento ni Nathalie yung hindi niya pag-inom ng kahit anong gamot kung hindi yun syrup.

Si Sophia naman ay ang pag-inom daw niya ng coffee na walang mainit na tubig. Tawa kami ng tawa dahil sa mga pinagkukwento pa nila. Marami pa silang sinabi na tinandaan ko talaga. Malay ko ba kung matandaan ko yun kapag kailangan.

Ako na sana yung gusto nilang magkwento. Wala akong alam na ikwento sa kanila. At sakto naman na sabay-sabay nagring ang mga phone nila. Si Nathalie hinahanap daw ni Gabrielle. Hindi pala alam ni Gabrielle na nag-ditch sila ng class. Si Sophia hinahanap na ni Trale. Alam niya daw na pumunta sa bahay ko. At dahil observer din si Trale ay alam niyang kasama niya ang ibang Princess.

"Oo na! Oo na uuwi na." Sabi ni Jc habang nagkakamot ng ulo. Mukhang inis na inis siya. Pero bakit sa lahat ng naiinis, siya yung namumula ng parang kamatis. Tapos pagkapatay pa ng phone niya ay bumuntong hininga pa siya.

"Bwahaha. Oh paano ba yan bestfriend. Nanalo ako sa pustahan natin. Sabi ko sayo kaya kong mag-ditch mg class eh." Nakipagpustahan na naman siya kay Louie. Saan kaya dinadala ni Alice ang mga napapanalunan niyang pera?

Pagkaalis nila ay naglakad-lakad ako hanggang sa makita ko na lang ang sarili ko sa harap ng chapel. Pumasok ako at nag-sign of the cross. Umupo ako sa isa sa mga upuan at nagdasal. Pinagdasal ko na sana makakuha ako ng sapat na lakas ng loob para masabi sa kanila kung sino ba talaga ako.

Pinanalangin ko din na sana ay huwag magkatotoo yung kutob ko. Sana ay walang mangyaring masama. Pagkatapos kong magdasal ay may umupo sa tabi ko. Sa amoy pa lang ng pabango niya ay alam ko na kung sino ang nasa tabi ko. Ilang minuto ay wala pa rin imikan.

"Hanggang kailan mo ba ako de-dedmahin huh? Summer?" Tinignan ko lang siya at ng makita kong nakatingin din siya sa akin ay nag-iwas ako ng tingin.

Ehem! What was that?

***

Waaaah! Dedmahan ang peg ng dalawa hahaha. Magsisimula na akong magcountdown para sa first half hahaha.

Abangan: Chapter 22: Are You...

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon