Chapter 50: Tenderly Good bye

3.6K 69 1
                                    

Chapter 50: Tenderly Good bye

Summer's Point of View

Sa pangalawang pagkakataon ay nagpaiwan ulit ako kay Nel. This time, tuluyan na siyang umalis. She need to train herself. She have an upcoming competition. At alam ko na lahat ng ginawa niya para mapuntahan niya lang ako. That kid, she really have her own way how to make me happy.

Naupo ako ng maayos sa upuan ko. Yeah, nandito ako ngayon sa room namin noong second year. Pumikit ako at inalala ang panahon kung saan nagsimula at ang dahilan ng lahat ng ito.

"Summer? Is it really you?" Napalingon ako sa direction ng pinto at nakita ko si Sophia. Ngumiti ako sa kanya at agad siyang nagtatakbo papunta sa akin at niyakap niya ako.

"Yah! Where did you go? Hinahanap ka namin for the pass one week. Nag-aalala na rin si Kuya Wynd sayo kasi hindi ka niya ma-contact. Pinuntahan ka na niya sa apartment mo pero wala ka. Summer, he really loves you, kaya umiyak na naman siya. He thought that you left him again." I didn't left him, yet. But again, I will going to leave again. This time, sarili ko ng decision ito. Wala ng ibang dahilan. Wala ng ibang dahilan kung hindi ang pagiging Empress ko.

Hindi ko alam kung bakit galit sa akin si Comet. That rage in his eyes when he saw me. It is really visible and really readable. I want to know why, but I am really afraid to know what is the reason.

"I'm in the house of a friend. Hindi ko kayo ma-contact kasi sira ang phone at sim card ko. Sinundo niya ako nang makaalis kayo nang binisita niyo ako. I tried to contact Comet, pero laging busy ang line niya." Patong-patong na ang mga kasinungalingan ko. Gusto kong sabihin ang totoo, pero hindi pa ito ang tamang panahon para doon. Kailangan ko pang maghintay ng ilang araw o linggo.

Hinila niya ako at kahit na hindi niya sabihin ay alam kong pupunta kami sa headquarters. Kwento siya ng kwento ng mga nangyari noong wala ako. Sinabi niya rin na sila na ni Rain. Napangiti ako kahit na hindi niya nakikita. Alam ko namang masaya siya kahit na may halong panglalait ang mga sinasabi niya. Habang sina JC at Michael ay officially engaged na daw.

Nag-propose daw si Michael sa gitna ng school grounds nang mag-away sila ni JC dahil na naman kay Jenny. Pinagseselosan pala niya hanggang ngayon ang taong iyon. Lumapit kasi daw ito kay Michael at nakita niya daw na nagtatawanan ang dalawa kaya bigla niyang nilapitan sina Michael at Jenny at sinabi niya break na daw sila.

Pero nagpaliwanag si Jenny na walang halong malisya ang paglapit niya kay Michael. Actually kaya nga daw siya lumapit kay Michael para magpa-sorry sa lahat ng nagawa niya. Kinon-gratulate niya rin si Michael dahil napasagot na niya si JC na maging girlfriend nito. At isa pa, meron na daw boyfriend si Jenny at iyon ay si Jayson, na captain ng basketball team.

Habang sina Nathalie naman at Gabrielle ay going strong daw. Sinabi pa sa akin ni Sophia na huwag ko na daw isipin sina Alice at Louie dahil baliw pa rin daw ang dalawa. At hanggang ngayon ay nasa stage of in denial pa rin. Ibig sabihin, ayaw pang sabihin sa mga sarili nila na mahal nila ang isa't-isa.

Ilang sandali lang ay nasa harap na kami ng headquarters. Tinitigan ko ang pinto ng headquarters. This will be the last time that I will going to see this as Summer Night, the next time will be as the Heiress of this University, the Empress of the Gangster, Empress Butterfly and lastly, as Evanescence Summer Nakashige Greene.

Si Sophia ang nagbukas ng pinto at nakita ko silang lumingon sa direction namin nang makita nilang papabukas ang pinto. Bakas ang gulat sa mga expression nila nang makita nila ako sa side ni Sophia.

"Hi?" Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko silang lahat. Ilang sandali lang ay sabay-sabay silang tumakbo papunta sa direction ko at dahil nasa harap ko si Sophia ay nadala siya ng Princess, kaya ngayon lahat kami ay nakahiga dito sa corridor.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon