Chapter 36: His Parents (Part 1)
Summer's Point of View
"Go Ate Summer! Talunin mo si Kuya!" Natawa na lang ako sa pagchi-cheer sa akin ni Hayes. Naglalaro kami ng long tennis ngayon kaya todo siya kung mag-cheer.
"I'll make sure this time, that I'll win this game. With or without a consequence." Pagbabanta sa akin ni Comet bago pa magsimula ang game namin. At hindi nga siya nagbibiro nang oras na sabihin niya ang mga salitang iyon. Nanalo siya at nakatanggap ng mahinang batok si Hayes. Nakipagpustahan ba naman sa kakambal niyang si Hunter. Pasaway na bata.
Pagkatapos naming maglaro ay naghiwalay muna kami dahil mag-aayos pa kami ng mga sarili namin dahil sa PE. Pagkatapos naming magbihis ay dumiretcho na kaming mga girls sa cafeteria. "Mga Ate's exit muna ako sa scene. May pasok na ko eh. Bye." Tumatakbong nagpaalam si Hayes kaya kumaway na lang kami.
"You know what Summer. Ngayon ko lang na-realize na dahil sayo bumait si Hayes. Hindi na siya gumawa ng kalokohan. Hindi na rin siya napapatawag sa office ni Ate Narrisa para sermonan. Naalala ko na nung first day niya dito is agad siyang napatawag sa office dahil sa napagtripan niya yung classmate niya. Pasaway na bata." Natatawang pagku-kwento ni JC. Sinabi pa nila sa akin ang traits ni Hayes at Hunter. Kaya hindi namin maiwasang matawa.
"Oh shiz!" Napatingin kami kay Sophia dahil sa reaction niya. Gulat na gulat siya at biglang-bigla, para siyang nakakita ng multo sa reaction niya. Magtatanong na sana kami pero tumakbo siya palayo. Hahabulin na sana namin pero pinigilan kami ni Nathalie. Sinabi niya na ayos lang si Sophia at baka may importanteng bagay siyang kailangang gawin.
Nakabili na kami ng pagkain namin nang dumating ang BDG. Hanggang ngayon ay pinagtitinginan pa rin sila ng ibang estudyante. Agaw pansin kasi mga aura nila eh. Umupo sa tabi ko si Comet kaya agad kaming inulan ng pang-aasar. Natatawa na lang ako sa kakulitan nila.
Napatigil ako sa pagtawa nang hawakan ni Comet ang kamay ko sa ilalim ng table. Nakagat ko ang labi ko at ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano na ang estado namin ni Comet. Hindi ko alam kung kami pa ba o kung ano naman. Hindi ko naman kayang itanong sa kanya dahil tinatamaan ako palagi ng hiya. At isa pa, hindi pa kami nag-uusap ng maayos. Palagi kasing nandyan ang mga kaibigan namin at ang kambal. Kung hindi naman ang kambal ay sina Miss Narrisa at Prof Kean. Busy din kami sa academics kaya walang oras para mag-usap kami ng seryosohan.
"Namumula si Summer." Pang-aasar ni Alice na ginatungan pa ng best friend niyang si Louie. Sino kayang hindi mamumula kung bigla na lang may humawak sa kamay mo?
Hindi nila kami tinigilan hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi pa rin bumabalik si Sophia kaya tinext na siya ni Rain. Ang sabi naman niya ay may gagawin lang siyang importante kaya nawala na iyong pangangamba namin na baka may problema siya at kailangan niya ng tulong namin. Sabay-sabay na lang kaming napabuntong-hininga.
Bigla namang tumayo sina Trale at Rain kaya napatingin kami sa kanila. Si Rain ay nagpaalam dahil may kakausapin daw siya, in short my meeting. Habang si Trale, ay bigla na lang umalis. Natawa na lang si Nathalie, inaantok na naman daw ang best friend niya. Baka matutulog na naman daw sa kung saan.
"So back to business Summer. Bakit ka biglang namula kanina?" Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko kaya kinatyawan na naman nila kami ng pang-aasar. Nauuna ang mag-best na sina Louie at Alice. Nahagip ng paningin ko si Comet at ngingisi-ngisi lang siya. Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa kamay ko pero sinimangutan niya lang ako. Nang tumigil ako sa pag-aalis ng kamay niya sa kamay ko ay bumalik na naman ang ngisi niya. Naughty, Comet.
"Ow okay?" Tinaas baba ni Michael ang mga kilay niya kaya natawa ako. Nasa kalagitnaan kami ng pagku-kwentuhan nang dumating sina Rain at Sophia. Namumutla si Sophia at halatang hindi mapakali. Pinapaupo siya ni Rain pero halatang ayaw niyang umupo lang sa isang tabi at manahimik.
"Sophia, what wrong?" I asked. She eyed me, her eyes looks concern. She sighed. Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa umubo siya ng peke kaya lahat ng attention namin ay nasa kanya na.
"They will go home. Our parents will going home tonight..." Tumigil siya at bumuntong hininga ulit para kumuha ng lakas para magsalita. Parang may angel na dumaan sa sobrang pananahimik nila. Nakaramdam din ako ng kaba ng makita ko ang mga reaction nila. "...And summer, they want to meet you."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba dahil sa huling sinabi ni Sophia. They wanted to meet me, tonight! Nakagat ko na lang ang labi ko sa sobrang kaba. Para akong sesesantihan ng kamatayan sa sobrang kaba ko. Lahat ng pwedeng features ng mga parents nila ay na-imagine ko na. Sophisticated, elegant at the same time strict and mysterious. Hindi ko namalayang napahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kamay ni Comet. Nabalik lang ako sa realidad ng ipinatong ni Comet ang kaliwa niyang braso sa balikat ko at nilapit ako sa kanya na parang niyayakap na niya ako.
"Don't be scared and nervous. I'm here with you, okay?" Napatango na lang ako at napayuko. Kahit na anong gawin ni Comet ay kinakabahan pa rin ako. Mas nakakakaba pa ito kaysa sa pakikipagbasag-ulo ko sa Underworld. Or ang pagsabak ko sa gang war.
Buong araw ay wala akong ibang inisip kung hindi ang pwedeng mangyari mamayang gabi. Preoccupied ako buong araw na to the point na nabatukan na ako ni Sophia. Agad nila akong hinila palabas ng classroom matapos mag-bell. Agad nila akong hinila at sumunod na rin na naman sina Comet. Doon ko lang na-realize na papunta kami sa headquaters.
Pumasok kami sa isang room at ni-lock nila iyon agad. Agad nila akong pinapasok sa comfort room para maglinis ng sarili. May blouse na color sky blue na medyo pa-balloon siya sa bandang tyan and denim shorts na nakasabit malapit sa salamin. Pati undergarments ay meron din. Mukhang kinalkal na naman ni Sophia ang apartment ko. Napailing na lang ako habang nagbibihis. Pagkalabas ko ay pinaupo na nila ako sa harap ng salamin na tinakpan nila ng black na tela. Napansin kong missing in action sina JC at Alice at agad naman akong sinagot ni Nathalie na pinag-ayos na ang dalawa sa kabila para hindi kami ma-late.
Family dinner lang daw kaya hindi na kailangan ng dress o kahit ano. Matapos nilang patuyuin ang buhok ko at inayos nila ito into a messy bun. At nilagyan nila ang ng kung ano-ano. Hindi naman tumagal ang pag-aayos nila sa akin at sina Alice at JC na ang tumapos sa pag-aayos sa akin. Noong una ay nakipag-agawan pa ako sa eyeglasses ko, pero sa bandang huli ay wala akong nagawa ng itakbo iyon palayo ni Alice.
Inalis nila ang black na tela sa harap ng salamin at hinarap nila ako doon. Umayos ang ayos ko, hindi na ako yung mukhang nerd na madalas makita sa campus. Light lang ang make up na nilagay nila and lip gloss lang ang nilagay nila sa labi ko. Pinagsuot rin nila ako ng bangles and wedge shoes na color white.
Nang tumitig ako kina Alice at JC ay hindi nalalayo ang ayos ko sa kanila. Color white ang blouse ni Alice and black naman ang kay JC. Simple dinner lang daw at gusto lang talaga akong i-meet ng mga parents nila. That idea makes me feel nervous again. Bago ko pa maisipan na taguan sila ay hinila na nila ako palabas dahil tinatawag na kami nina Nathalie at Sophia. Beige ang color of blouse ni Sophia and light pink naman ang kay Nathalie.
Lumabas na kami ng headquarters, napatingin ako sa phone ko. Five o'clock na. Sabi ni Alice kanina ay dapat eight o'clock ay nasa bahay na dapat kami nina Comet. I mean hindi pala bahay, sa rest house nina Comet sa Batangas. Doon muna daw kasi magbabaksyon ang mga parents nila. Nasa hallway kami nang makasalubong namin si Hayes. Kulay grey ang blouse niya at naka-messy bun rin siya.
"You are gorgeous." Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Comet. Binuksan niya ang passenger seat ng kotse niya at may kinuha doon. Pagtingin ko ay isang spaghetti and off-shoulder na color blue coat. Medyo dark lang ng konti sa sky blue ang kulay. Hanggang sa likod iyon ng tuhod ko at hanggang sa likod ng palad ko ang sleeves.
"Let's go." Then the familiar nervous was felt again, by me.
***
Crappy update. Sorry.
Bawi na lang ako sa susunod. What do you think will going to happen on their dinner date? Comment your prediction, please.
Meet the parents na itoooo~ (⌒o⌒)(♥ω♥ ) ~♪
Happy 5K reads Royalties o(〃^▽^〃)o
Abangan! Chapter 37: His Parents (Part 2)
(c) PixieNuary
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
ActionEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...