Chapter 39: Talk About Relationship

4.6K 90 1
                                    

Chapter 39: Talk About Relationship

Summer's Point of View

Tumatakbo ako sa hallway habang pasulyap-sulyap ako sa wristwatch ko. Late na ko! May mga napapatingin sa akin, pero binalewala ko lang dahil sa uunahin ko pa ba ang iba kaysa sa sarili ko? Malalagot ako sa Prof ko nito eh!

I was about to reach my destination when someone grabbed my wrist and pulled me using me waist. Huli na nang mapansin kong bumangga ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Pagkaangat ko nang tingin ay bumungad sa akin ang mga mata ni Comet.

Napakunot ako ng noo. Teka, bakit nakalabas pa ang isang to? Eh malapit ng mag-time? Don't tell me, tinakot na naman niya ang Prof namin kaya nakalabas siya ng room ng walang problema?

"Let's go." He tried to pull me but I yanked my arm to let me go from his grip.

"Hindi pwede! Late na ko sa class natin kaya kung mag-uusap tayo ay mamaya na okay? Bye! Bye!" Bago pa ako makalayo sa kanya ay naramdaman ko nalang ang sarili ko na lumulutang. Napatili nalang ako dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa akin. Magwawala na sana ako para makatakas sa kanya pero may tinuro siya sa taas. Tumingala ako at nakita ko ang isang wall clock. Napasimangot ako ng tuluyan nang makita ko ang time. Advance ng isang oras ang wristwatch ko!

"Allison was the one who helped me to get rid of your wristwatch yesterday. So should I thank her because you attended the school too early?" Ngumisi siya na lalo kong ikinasimangot. Pero bigla kong naalala si Mom nang banggitin ni Comet ang pangalan ni Alice.

Paano kapag nalaman niya na ako ang Empress, itutuloy kaya nila ang kasal nila ni Alice? Siguradong magagalit silang lahat sa akin kapag nalaman nila.

Dahil sa sobrang pagka-occupied ko ay hindi ko napansin na nasa dating pinagtataguan ko pala siya pumunta. Lumingon-lingon ako dahil himala at walang nakatambay na kahit sino dito. Tumingala ako at tinignan ang puno baka kasi nandito si Trale at tulog na naman.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Ilang buwan na rin akong hindi nakakapunta dito, simula nag umalis ako. Naalala ko na dito ako madalas magtago ng mga panahon na tinataguan ko pa ang mga Princess at ang gang dahil ayokong masali sila sa magulo at complicated kong buhay. Pero dito rin ako nadiskubre ni Comet. Dito niya nalaman na dito ako nagtatago dahil tambayan niya rin pala ito.

"Akyat ka dito bilis!" Napatingala ako kay Comet nang sumigaw siya. Pagkatingala ko ay nasa itaas na pala siya ng puno. Napailing nalang ako. Pero wala akong nagawa kung hindi ang umakyat. Naka-jogging pants naman ako dahil pinaglaro kami kanina ng volleyball ni Prof Kean. Ewan ko ba kung anong pumasok sa ulo niya at pinaglaro niya kami.

Umupo ako sa katapat na sanga na inuupuan niya at ang naghihiwalay lang sa amin ay ang malaking trunk ng puno. Napatingin ako sa mga paa ko na nakalaylay lang sa hangin. Napakunot ako ng noo dahil ngayon ko lang napansin na nadumihan ko na pala ang mga ito. Kailangan ng malinis!

"Look at me Summer." Lumingon ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong ang lapit ng mga mukha namin. Halos two inches nalang ang layo ng mukha niya sa akin! Bago pa ako makalayo sa kanya ay nahawakan na niya ang palapulsuhan ko.

"Now, don't say anything. Just hear me out. I'll tell you if it's your time to talk back to me, get it?" Kahit na nalilito ay tumango nalang ako. Minsan hindi ko rin maintindihan si Comet. Napakagulo talaga ng isip ng isang 'to!

"I was really confused when Ate Narrisa called you. I don't know what's her agenda so I followed you, even if you didn't allow me. And before you can close the door, I saw my mother and my father. Hindi ko na aalamin ang mga sinabi nila sayo, because I trust you that much. I'll wait until you'll come to me by yourself and tell me what it is. But aside of that, let's talk about us. It's been a year since you left me, us. And you wrote in your letter for me that I need to forget you, but I didn't. And it means that we didn't have closure but we break and it's your decision."

Magsasalita na sana ako pero kakabukas pa lang ng bibig ko at agad niyang tinapat ang pointing finger niya at nag-sign na silent. Napakamot na lang ako ng ulo ko. Pero bigla kong na-realize na tama siya. Ako na mismo ang humiling sa kanya na kalimutan na niya ako, dahil hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako dito sa Pilipinas.

"Then let's have a closure. I'm no longer your boyfriend. Ah no, it's been one year since we had our break up. It's official now, we are no longer connected to each other..." Tumingin siya sa akin habang nakangiti. I blinked several times until I finally understand what is he talking about. Then I felt my heart broke into a million pieces. "Now, I'll give you your time to talk. Just say anything. Anything that you want."

Nag-iwas ako ng tingin pero ilang sandali lang ay tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti. Nakangiti pa rin siya sa akin. Kung dati ay nakakaramdam ako ng saya kapag nakikita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin, ngayon ay hindi na. Ang pagngiti niya ay ang dahilan kung bakit basag na basag ang puso ko ngayon. Ibig bang sabihin nito ay nakalimutan na niya ako? Wala...na ba talaga?

"Wala... wala akong sasabihin. Iyon lang ba ang sasabihin mo? Pwede na ba akong umalis?" Nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita ako. Nakadikit pa rin sa labi niya ang ngiti niya, bakit ba siya nakangiti? Intensyon niya bang manakit? Tsk!

Agad kong inalis ang tingin sa kanya at tumalon na pababa. Napangiwi ako dahil medyo masakit ang bagsak ko. Pero ininda ko iyon dahil nagsisimula ng manlabo ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko.

Binilisan ko ang paglalakad ko. Nang masigurado kong natatakpan na ako ng pader ng building ay bumagal na ang mga hakbang ko. Kasabay noon ay ang pagbagsak ng mga luha ko. Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napaupo na lang ako at napahagulgol ng iyak. Niyakap ko ang mga tuhod ko sabay sandal sa pader.

Ibig bang sabihin nito ay mali ang decision ko na bumalik dito? Kailangan ko na bang bumalik sa Japan at doon ko na lang tapusin ang pag-aaral ko? Kailangan ko na bang bumalik sa dating buhay ko? Na walang ibang alam kung hindi ang layuan ng mga kapwa estudyante, makipagbasag-ulo para maprotektahan ang trono ko, ang tumakas sa bahay kapag kailangan ako ng mga ka-gang ko. Kailangan ko na bang balikan iyon?

"You didn't change, still a cry baby." Inangat ko ang tingin ko at pinunasan ko ang luha ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagmasdan kung sinong nasa harap ko.

Biglang sumiklab ang inis sa buo kong pagkatao. At dahil sa sobrang inis ko ay pinaghahampas ko siya sa dibdib niya. Hanggang sa pati luha ko ay nakikisali na rin sa pagkainis ko.

"Abnormal ka talaga! Wala ka bang ibang magawa ngayon kung hindi ang manakit, huh?! Alam mo ba kung gaano kasakit yung nararamdaman ko ngayon dahil sa mga pinagsasabi mo kanina? Abnormal ka! Dapat sayo tinatapon sa Bermuda Triangle para mawala ka na ng tuluyan! -" Napatigil ako sa pagsasalita nang iharang niya sa labi ko ang pointing finger niya. Pero inalis ko iyon at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Dapat sayo ipakain sa pating para walang ebidensiya na buhay ka pa! Dapat sayo pinapapatay kay Michael at JC para may pakinabang ka kapag naluto ka nila..." I was caught off-guard when he suddenly lowered his head and shut me using his lips.

"Finally! Now my woman hear me out first before proceeding on your plan how to kill me." I furrowed my eyebrows and tried to hit him again after calling me "my woman". Like what he have said awhile ago. I'm not his and his not mine, anymore.

"Don't entitled me as your woman. I'm not yours." He hissed but later on, I heard him chuckled. Bipolar, above normal!

"Yes you are. You "will" become mine in the near future. By the way, I'll be your suitor. This time, I'll court you. And..." He winked at me but I just rolled my eyes on him. "you will become my woman again, my soon to be queen."

Then he hang me again in his shoulder.

"Wynd Comet Dean, you scoundrel!"

***

Abangan! Chapter 40: Foundation Day

Part 1 - The Play

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon