Chapter 35: Back

4.7K 97 0
                                    

Chapter 35: Back


Summer's Point of View


I hugged my knees, tight. I cried my heart out. Hindi niya ko sinundan. Napatawa na lang ako ng mahina, hindi na siya iyong Comet na kilala ko. He change, his love for me, him, he completely change.


Tumayo na ako habang pinupunasan ko ang basa kong pisngi. Nakakaisang hakbang pa lang ako nang makaramdam ako ng impact sa ulo at balikat ko. Lilingon sana ako pero nakaramdam ulit ako ng hampas at this time, hindi ko na kaya. Nakaramdam ako nang pagkahilo kaya napaluhod na lang ako.


Blurred na ang paningin ko at aalma sana ako nang may panyong itinapat sa ilong ko. Pinigilan ko ang paghinga ko at nagkunwaring nawalan ng malay. Hindi matapang ang nilagay nilang pampatulog.


Oo, nakaamoy ako ng konti kaya mas lalong nadagdagan ang hilo ko at nakaramdam ako ng pagkaantok, pero pinigilan ko na lang para makita ko man lang kung saan ako dadalhin.


Pero ang sunod na pangyayari ang nagpabigla sa akin. Isinakay nila ako sa isang van habang nakatali ng lubid ang kamay at paa ko. Mabilis ang pagpapatakbo ng van at hindi napapansin ng mga nagbabantay sa akin na nakatingin ako sa dinadaanan namin.


Ilang minuto lang ay narinig ko ang alon. Nagkahinala na ako at nagsimula na akong kabahan. Sabay na bumukas ang pinto ng driver at passenger seat tsaka sila tumalon palabas. Sinubukan kong kalasin ang lubid na nakatali sa kamay at paa ko. Pero huli na ang lahat. Naramdaman ko ang pagpasok ng tubig sa van at unti-unti na rin akong nahihirapan sa paghinga. Ramdam na ramdam ko ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko. Ayoko pang mamatay, ayoko pa.


Napabangon ako habang hinahabol ko ang hininga ko. Nang maayos na ang paghinga ko ay doon ko lang naisipang tumingin sa paligid ko. Familiar ang ayos ng silid. Kulay puti ang wall at kulay itim naman ang bedsheets at ang mga pillows.


May side table na kung saan ang ibabaw nito ay may isang lampshade at isang picture frame. Kinuha ko iyon at agad kong nakilala ang mga taong nasa picture. May date ito sa frame. Ito yung panahon na nasa Tagaytay kami. Nasa likod namin ang dalampasigan. Nakatingin kaming lahat sa camera. Nakangisi kaming lahat at naka-peace sign. Ito iyong last day namin sa Tagaytay. Magkatabi kami ni Comet at nakataas ang kaliwa kong kamay habang ang kanan naman niya ang nakataas at nakahawak sa kaliwa kong kamay.


Babangon na sana ako pero bumukas ang pinto. Lumingon ako at nakita ko si Trale. Ngumiti ako sa kanya at ngumisi naman siya sa akin. Napakunot ako ng noo nang abutan niya ako ng salamin. Maliit lang iyon pero pwede ng makita ang kalahati ng mukha kapag tumingin ka dito. Tinignan ko ang sarili ko. Namamaga ang mga mata ko, halatang-halata na umiyak ako. Magulo rin ang buhok ko na parang dinaanan ng bagyo. I looked tired and exhausted. Napangiwi ako dahil sa ayos ko ngayon. Napansin naman iyon kaagad ni Trale kaya pinagtawanan niya ako.


Binato ko siya ng unan pero sinalo na lang niya iyon at hinagis pabalik sa akin, pero hindi niya pinatama sa akin. Tatawa-tawa siyang lumabas akala ko ay isasara na niya ang pinto pero ipinasok niya ang ulo niya. Nandoon pa rin ang ngisi niya at pagkaaliw.


"May mga damit na dyan. Mag-ayos ka muna Manang." Binato ko ulit siya ng unan. Pero bago pa siya abutan ay sinara na niya ang pinto. Tinawag pa kong manang! Tsk! Napailing na lang ako. Bumangon na ako at pumasok na sa ladies room. Napansin ko ang isang white dress at undergarments. Sino kaya ang bumili nito? Nakakahiya.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon