Chapter 47: Clarinet Penelope
Kean's Point of View
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin kay Narrisa. Last week pa siya problemado. She wanted to stop the fight between the Empress' Gang, the Black Royalties Gang and the Emperor's Gang, Black Dragon Gang. But she can't because the two gang decided to face each other.
But I'm just curious, Empress don't even know about the match. She asked Narrisa about it but she, Narrisa don't even know who agreed in their part. Something's not right. If Empress is not the one who agreed then who?
Hinaplos ko ang pisngi niya habang natutulog siya. Nandito kami ngayon sa clinic, nag-pass out kasi siya kanina habang nasa office. Mabuti na lang at wala akong klase noon kung hindi ay baka nabagok na ang ulo niya sa floor. Dumapo ang tingin ko sa cool pad na nasa noo niya, mabuti na lang ay bumaba na ang temperature niya. Ang init niya kasi talaga kanina, may lagnat.
Tumayo ako at hinanap ang gamot para sa lagnat. Wala kasi ang nurse dahil may emergency daw sa bahay. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nang tumunog ang phone ni Narrisa. Ayoko sanang sagutin dahil sa inaalala ko pa rin ang privacy niya, pero hindi ko alam kung bakit may nagtulak sa akin na sagutin ang tawag lalo na nang makita kong unregistered number ang nakalagay.
"Ate Narrisa, listen to me. Empress is now in the safe hands. And by the way, be careful who you trust. The enemy is just wandering around. Be careful, bye." Nilagay ko sa side table ang phone ni Narrisa. Who's the caller? I'm not familiar with the voice.
The enemy is just wandering around. Anong ibig sabihin niya? Wait, ibig bang sabihin nito ay malapit lang sa amin ang kalaban? Pero kahit anong isip ko ay hindi ko maisip kung sinong pwedeng makaaway ng dalawang grupo? Bakit parang may ibig sabihin ang mga salitang ng caller? Bakit parang binibigyan niya kami ng clue kung sinong kalaban? Sino ba siya?
Pero sino nga ba ang kalaban? Anong kasalanan ang ginawa ng dalawang grupo para lang kidnapin niya si Empress? Anong nagawa ng Royalties at Dragon sa kanya? Pero kung nagawa niyang kidnapin si Empress, siguradong malapit nga ang kalaban at siguradong hindi lang siya nag-iisa. Siguradong marami sila.
"Kean?" Lumingon ako at agad kong inalalayan si Narrisa nang sinubukan niyang umupo.
"Is there something wrong?" Tumitig ako sa kanya. Nag-aalangan kung sasabihin ko ba sa kanya ang nalaman ko mula sa caller. Kumunot ang noo niya at doon ko napansin na mas lalo siyang namutla. Pinahiga ko na lang ulit siya dahil mukhang nahihilo siya.
"Someone called you awhile ago. Unregistered number pero babae ang boses. She called you Ate." Sinabi ko sa kanya ang eksaktong sinabi ng caller at mas magandang hindi ko na lang sana sinabi sa kanya dahil napahawak na lang siya sa ulo niya. Mukhang lalong sumakit ang pakiramdam niya.
"Huwag muna nating isipin kung sino ba ang kalaban o sino sila. Ang kailangan nating isipin ngayon ay ang Empress. Panatag na rin naman ako na nasa maayos na kamay siya." Lumabas muna ako at bumili ng makakain niya sa canteen. Hindi siya pwedeng uminom ng gamot habang hindi pa siya nakakakain, siguradong mas sasakit lang ang pakiramdam niya kapag nagkataon.
Pagkatapos niyang uminom ng gamot ay agad din siyang nakatulog. Kinuha ko ang phone niya at tinignan ang number ng caller. I tried to call her, but I can't reach it anymore. Who are you?
Summer's Point of View
Napabangon ako nang wala sa oras nang marinig ko ang familiar na boses. Lumingon-lingon ako pero hindi familiar sa akin ang room. Kulay white lahat at walang ibang laman kung hindi ang kamang hinihigaan ko ngayon. Nasaan ba ako?
Napalingon ako sa pinto nang dahan-dahan itong bumukas. Bumagsak ang tingin ko sa floor at nakasuot ito ng white ng rubber shoes, white jeans at white shirt. Napatitig na lang ako sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
ActionEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...