Chapter 40: Foundation Day
***Part 1 - The Play***
Summer's Point of View
It's been a month since Comet and I talked. At hindi nga siya nagbibiro nang sabihin niya na liligawan niya ako. And everyone in the University knew that he's courting me. Jenny, the Queen bee was eyeing me that time, but I shrugged it off.
"Hey Summer. Natapos mo na ba yung pamphlets natin?" Tumingin ako kay Sophia at umiling. Pinapaayos niya kasi ang mga pamphlets kahit na ang naka-assign lang sa amin ay ang paggawa ng pamphlets at hindi ang pag-aayos.
First day ng Foundation Day ngayon. Nag-aayos ako ng pamphlets para sa mga outsider na papasok sa fourth and fifth day. Ang first to third day ng Foundation day ay exclusively for students ng University and the last two days ay pwede nang i-open ang school para sa mga outsider.
Tumingin ako sa kanya nang umupo siya sa harap ko at nakiayos rin sa mga inaayos kong pamphlets. Inagaw ko naman iyon sa kanya, kaya tinignan niya ako ng masama, kaya ang ginawa ko ay sinamaan ko rin siya ng tingin at sinimangutan na lang niya ako sa bandang huli.
"Ate Summer! Nakita mo ba yung make-up kit ko?" Tinuro ko kay Wynter ang make up kit niya. At ang mautak na bata, pumasok habang hila-hila ang inaantok niya pang kakambal na si Hunter. At siya ang pinagbuhat niya ng make up kit niya na mukhang attaché case na.
"Ate, nakapag-reserve na pala ako ng ticket natin para sa play mamaya. Kailangan ng supporters ni Kuya Trale and nung partner niya. See you later! Bye!" Hyper na hyper na lumabas ng room si Wynter habang hila-hila ang kakambal niyang si Hunter. Wala ng magawa ang isa dahil siguradong kukulitin lang siya ni Wynter hanggang sa pumayag siya.
"Hindi na ata kailangan ni Trale ang support natin. Ang dami niya kayang fan girls." Naibulong ko na lang nang maalala ang mga sinabi ni Wynter bago siya umalis. Ang daming fan girls ni Trale dito, hindi pa kasali doon ang mga outsider. Hay, buti na lang at VIP ang nakuhang ticket ni Wynter.
"What are you whispering?" Tumingin ako kay Comet at inirapan ko lang siya. Narinig kong tumawa siya ng mahina kaya hindi ko napigilang mapangiti.
"Summer, nakita mo ba si Alice?" Umiling ako bilang sagot. Hindi ko pa kasi nakikita si Alice sa buong umaga dahil sa ibang task siya naka-assign. And no, pinaghiwalay sila ng assigned task ni Louie dahil wala daw silang matatapos dahil paniguradong maglalaro lang ang dalawa kapag nagsama sila sa iisang task. Malamang daw ay wala silang matatapos.
"Ikaw na lang, please. Mag-o-open na kasi ang café. Kulang pa ng isang server. Ikaw muna please, habang hinahanap ko pa si Alice." Hindi pa man ako nakaka-okay ay hinila na ako ni Nathalie papasok sa isang room. Agad-agad niya akong pinaupo at inayusan.
Bumukas naman ang pinto at nakita ko mula sa salamin sa harap ko, si Sophia. Hindi ko alam kung ilang minuto nilang pininturahan ang mukha at kinulot ang buhok ko. Nakipag-agawan ulit ako (tulad ng nangyari last month) kay Nathalie at Sophia ng eyeglasses. At tulad ng dati ay natalo rin ako sa pakikipag-agawan. Teka, kailangan ba ng ganito? Hindi ba, server lang ako?
"Sige na, pasok ka na sa fitting room. Mag-o-open na tayo after five minutes." Binigay nila ang isang brown paper bag at agad nilang sinara ang pinto ng fitting room.
Sinuot ko ang isang white long sleeves and two inches above the knee na black skirt at sa isang box ay sinuot ko naman ang black pumps na sa tingin ko ay may two inches na taas. Lumabas ako ng fitting room at sumalubong sa akin ang ngiting-ngiting sina Sophia at Nathalie. Pumunta sila sa magkabilang side ko at sabay-sabay kaming lumabas ng room.
"Okay guys, attention!" Tumingin naman ang iba kong kasamang magse-serve. Nginisian lang ako ni Alice nang magtagpo ang mga paningin namin. Hay, dinamay na naman nila ako sa kalokohan nila.
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
ActionEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...