Teaser
Nakatitig ako sa picture naming dalawa habang nakaupo dito sa veranda. I miss him. And also them.
Tumayo na ako nang makarinig ako ng mga yabag na papalapit dito sa direction ko. Tinago ko sa wallet ko ang picture.
Inaayos ko ang mga gamit ko ng may tumapik ng mahina sa balikat ko. Agad akong lumingon at nakita ko kaagad ang malungkot niyang expression. Nakatitig siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin.
Sinara ko na ang bag ko at sinuot ito. Sumakay na ako sa motorbike ko at binuksan ko na ang makina. Aalis na sana ako pero tinawag niya ako.
"Are you regretting on helping me out?" Agad kong napatay ang makina ng motorbike ko dahil sa sinabi niya. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa kanya.
"I don't." Binuksan ko na ulit ang makina ng motorbike ko at nag-drive na paalis.
It's been a year. Since I left. And even though I left them behind, I still cares for them. Especially him. Because I still love him.
Hindi ako nakauwi sa bahay kasi pumunta pa ako sa bundok kung saan ako tumira dati noong pinadala ako dito nina Mama at Papa. I miss this place. Simula nang makauwi ako ulit dito sa Japan ay ngayon lang ako nakapunta at nakadalaw dito ulit.
Humangin naman at parang mga papel na tinangay ang mga dahon ng mga halaman. Malamig ang hangin at agad kong napakalma ang sarili ko. Seeing this view makes me want to forget everything about me.
I am a gangster but I want to have a normal life. But I can't because of my duties as a leader and as an Empress. Naglakad-lakad muna ako hanggang sa napagdesisyonan ko ng umuwi. Baka hinahanap na nila ako sa bahay dahil malapit ng maggabi.
"Where's my Mom?" Tanong ko kaagad pagkauwi ko. Mukha namang natakot sa akin ang maid na tinanungan ko. At nanginginig niyang tinuro ang room nina Mama at Papa.
Sanay na ako sa expression na pinapakita nila. Narinig ko sila noong isang araw at ang sabi nila ay ang lamig ko daw tumingin at ang lamig daw ng boses ko. Nagkaganito lang naman ako simula nang bumalik ako dito eh.
Pumasok ako sa room ko at nagpalit na ng komportableng damit. Dahil malapit na ang winter season ay nagsuot na ako ng hood at pajama tsaka ng medyas. Humiga ako at tumitig sa mga dahon na tinatangay ng hangin. Nakinig na rin ako ng music para hindi ako antukin. Pero mas inantok ako sa ginawa kong pakikinig.
Napatingin naman ako sa pinto nang may kumatok. Pero binalik ko rin kaagad ang tingin ko sa labas. Inalis ko na lang ang earplug ko.
"Summer, you need to go back to Philippines now because your grandfather is sick." Tumingin ako kay Mama at bumuntong hininga. Umupo siya sa dulo ng kama ko at tumingin sa akin. Bumangon ako at umupo sa tabi niya tsaka sumandal sa balikat niya. Mom encircled her left arm around my waist and hug me.
"Kahit na gangster ka pa. Mahal na mahal pa rin kita. And I hate how seeing you like this. It made me worried sick. Kung hindi siguro kita napabayaan noong bata ka, baka hindi ka magiging ganito. Sana nasa normal school ka lang ngayon. Double pa yung sakit ngayon. Kaysa sa normal ka lang. Kasi kapag normal ka lang na tao, masasaktan ka lang kapag nagmamahal ka na. Masasaktan ka sa mga sinasabi sayong masasama ng mga taong nakapaligid sa'yo. Pero ngayon, nasasaktan ka kasi naiwan mo yung mga taong naging mahalaga na sayo. Naiwan mo pa yung taong mahal mo. At nandito ka kasi niligtas mo ang taong mahalaga din sayo."
Niyakap ko si Mama at umiyak sa balikat niya. Ang tagal kong dala-dala ang sakit. Ang sakit na hindi ko alam kung kailan mawawala. Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong umiiyak sa harap ni Mama. Gusto ko ng tumigil sa pag-iyak pero para lang akong tanga kasi mas lalong tumutulo yung mga luha ko. I sobbed harder than before.
"Please stop crying My daughter. I hate seeing you like this." Pinikit ko ang mga mata ko at pinabayaan ko na lang na mahulog ang mga luha ko. Basta ang alam ko ay masaya ako kasi nandito si Mama.
Then before I fell asleep. I heard my Mom...
"Please be happy Autumn."
Autumn? Then I fell asleep.
***
Abangan! Chapter 31: Master Instructor Trale Ynarez
(c) PixieNuary
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
ActionEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...