Epilogue

5.3K 78 15
                                    

Epilogue

Third Person's Point of View

Ibinaba ni Wynd ang dala niyang attaché case at inayos ang dala-dala niyang mga white orchids, ang paboritong bulaklak ni Summer.

Nilinis niya ang tombstone niya habang may blank expression sa mukha. Pero kitang-kita sa mga mata ni Wynd kung gaano kasakit ang nangyari, kung gaano siya nakakaramdam ng pagod at pangungulila sa babaeng mahal niya.

"It's been exactly, five months." Yes, five months ago, she left him, them. This is the second time she left him, but this time, he can't search for her anymore. Dahil wala na siyang hahanapin. Hindi na niya ito makikita ulit.

"I miss you, very much. You know what, I preferred the case that you just left me because of your family. But this, I hate it. You just left me, permanently." A tear escaped from his left eye.

Hanggang sa nasundan iyon ng nasundan. His shoulders are shaking because of pain and the hollowness in his heart.

Gusto mamg pigilan ni Wynd ang mga luha niya, pero hindi niya alam kung paano. Palaging bumabalik sa kanya ang alaala niya kay Summer. Ang pagtawa at ang pagngiti nito, ang mga salitang palaging dahilan kung bakit napapangiti siya ni Summer. Lahat ng iyon ay bumabalik sa mga alaala ni Wynd.

Walang tigil, paulit-ulit.

"Stop crying. I'm sure she will going to kick you in the butt if she's just here." Sabi ni Trale na pababa ng puno. Nasa tabi ng puno ang burial place ni Summer, dahil iyon ang ni-request sa kanila ni Mr. Nakashige.

Nagsalita si Trale, pero kahit anong gawin ni Wynd ay hindi niya marinig ang boses nito. Para siyang nasa ilalim ng tubig at nakatitig lang sa langit.

Napabuntong hininga na lang si Trale habang nakatingin kay Wynd. It's been five months at hindi niya alam na pagkauwi niya ay ito pa rin ang aabutan niya. Pero hindi niya masisisi si Wynd, dahil alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Dahil naranasan na niya iyon, ilang taon na ang nakakaraan.

"I'm going now Wynd." Pagpapaalam ni Trale. Sa paglakad niya palayo sa kaibigan niya ay naririnig pa rin nito ang pag-iyak nito.

Ang iyak na halatang nasasaktan pa rin.

Nasa malapit na siya sa gate nang biglang mag-ring ang phone niya. Kahit pinipigilan ni Trale ang sarili niya ay hindi pa rin niya naitago ang isang ngisi na nabubuo sa mga labi niya.

"You rascal! Come back here, now!" Natawa siya na ikinatigil ng nasa kabilang line.

"Of course, I'll be back." Dahil sa sinabi niya ay pinatayan siya nito. Napailing na lang si Trale. At bago siya sumakay sa kotse niya ay tumingin muna siya kay Wynd, sa huling pagkakataon.

"I wish that, the next time we meet again, I can your smile again. Sayonara." And he wore his helmet.

Hours had passed at hindi mapakali si Narrisa sa kinauupuan niya. Kanina pa siya pabalik-balik na naglalakad. At kanina pa rin siya sinusundan ng tingin nina Reese, Ken at Kean.

"Love, calm down. Wynd will be back." Napatigil sa paglalakad si Narrisa at tumingin kay Kean. Kitang-kita sa mga mata nito ang pag-aalala sa kapatid niya, na ilang oras na nilang hindi ma-contact.

Pinuntahan niya ito kanina sa cemetery, pero tanging bulaklak lang ang nakita niya. At iyon ang palatandaan na pumunta doon si Wynd.

"Everything will be fine. Don't worry." Sabi sa kanya ni Reese habang may maliit na ngiti sa mga labi nito.

Nang makita ni Narrisa ang mga mata ni Narrisa ay doon niya nakita kung gaano kalaki ang nawala nang mawala din siya. Nawalan ng tinuturing na nakababatang kapatid sina Reese, Ken at Natsu. Nawalan ng tinuturing na nakakatandang kapatid si Reina.

Nawalan ng best friend sina Sophia, Nathalie, Alice at Jc. Nawalan ng reyna ang Underworld. Nawalan ng tagapagmana ang Nakashige. Nawalan ng anak ang mag-asawang Nakashige. Nawalan ng apo ang Lolo at Lola nito. Nawalan ng best friend at ng taong minamahal si Mitsuo.

At higit sa lahat, nawala kay Wynd ang taong mahal na mahal niya.

Napabuntong-hininga na lang si Narrisa at tahimik na umupo sa tabi ni Kean.

"Emp." Napamulat ng mga mata si Wynd nang marinig niya ang boses ni Redille. Bumaba siya ng puno at nakita niya si Yohann na papunta sa direction nila.

"1 year Emperor. They gave you one year. Ang sabi nila ay tama na ang isang taon na pagiging bakante ng lugar ng Empress. At pagkatapos ng isang taon, sa ayaw at sa gusto mo daw ay may papalit na sa kanya." Pagre-report ni Redille tungkol sa decision ng higher ups.

"It's okay. I think one year is enough for me." It's not enough, Wynd. It will never be enough. Nasabi na lang ni Redille habang nakatingin sa tombstone ni Summer.

Nilagay ni Yohann ang dala niyang mga bulaklak sa tabi ng mga orchids. At pagkatapos ay sabay silang nag-bow ni Redille bilang paggalang at pagpapaalam nila kay Summer.

Umupo si Wynd sa harap ng tombstone at tinitigan ito. Mugto ng kaunti ang mga mata niya dahil sa pag-iyak niya kanina. Pero dahil sa nakatulog siya ay medyo nakapagpahinga na rin siya.

One year is not enough. Nasabi na lang ni Wynd sa sarili niya at hinaplos ang malamig na tombstone.

Hindi sapat ang isang taon. Oo, papalitan na si Summer sa trono niya. Pero walang pakialam si Wynd. Dahil kahit ilang beses mang mapalitan ang humahawak sa title na Empress ay walang pakialam si Wynd.

Dahil para sa kanya, si Summer lang ang nag-iisang Empress na kikilalanin niya. Si Summer lang ang reyna niya at walang makakapalit sa kanya.

At isa pa, ang original na Queen's Ring ay suot-suot ni Wynd. Nilagay niya ito sa necklace na suot niya. At iyon ang bagay na hindi alam ng mga nasa higher ups.

Ang alam nila, kasabay ng pagkawala ni Summer ay ang pagkawala rin ng Queen's Ring. Kaya nagpagawa sila ulit ng bagong Queen's Ring. Naiiba ang kulay ng mga batong ginamit, mas elegante iyon sa naunang Queen's ring. Pero wala iyong saysay kay Wynd.

Nakita ni Wynd ang Queen's ring sa keychain holder ng phone ni Summer. Kinuha niya ito at itinago. At pinangako niya sa sarili niya na hindi niya ito ibibigay, kahit na sa sinuman hanggang sa huling oras niya sa mundo.

Napatingin si Wynd sa planner niya. Bukas ay may flight siya papuntang Germany para kausapin ang isang business partner, two days after tomorrow ay sa Italy naman.

At sa Saturday ay sa Japan. Napailing na lang si Wynd habang may maliit ngunit mapait na ngiti sa labi. Hindi niya inaasahan na doon ang susunod na business conference.

Tumayo siya kasabay ng malamig na ihip ng hangin. Summer ngayon, pero malamig ang simoy ng hangin. Tumingin muna si Wynd sa tombstone ni Summer bago ito ngumiti.

Isang totoong ngiti. Ngunit may bahid pa rin ng lungkot at pangungulila.

"I love you, good bye. Summer."

***

Ayan na! Tapos na! After almost two years ay natapos ko na rin siya. After this, sa story naman ako ni Trale magfo-focus.

Comment kayo Royalties!

Lovelots

- PixieNuary <3

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon