Chapter 24: Training
**Part 2**
Summer's Point of View
Hindi ko alam kung ano ba ag dapat kong maramdaman. Kung magagalit ba ako, kung mananapak na ba ako kanina sa mga kaklase ko o kung tatahimik na lngako para walang gulo g mangyari. Sheteng palaka na bakla! Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Hindi pa man tapos ang class ko para sa araw na ito ay umalis na ako ng school. Ginamit ko yung motor bike na pinahiram sa akin ni Lolo. Pagkatapos ng ilang oras ay nandito na ulit ako. After ilang months, sumalubong na naman sa akin ang malamig na simoy ng hangin.
Mula sa kinatatayuan ko ay narinig ko ang tunog ng mga alon. Nandito na naman ako sa resthouse ni Lolo dito sa Tagaytay. Agad-agadakong dumiretcho sa comfort room at nagbihis na ng jogging pants at white t-shirt.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko kaagad ang mga metal bracelets sa secret storage ni Lolo at agad na isinuot. Wala ng stretching-stretching ay agad akong tumakbo papaikot sa buong resthouse ni Lolo.
Kahit na ilang beses ko ng inikot ang buong resthouse ay hindi ako makaramdam ng pagod. Basta ang alam ko lang, gusto ng katawan ko ang tumakbo ng tumakbo hanggang sa makaramdam na ako ng pagod.
"Are you in love with my boyfriend?" Boyfriend. Oo tama, boyfriend niya si Comet. Thinking about what she said when we are in our room makes me feel like hell. The heck! May sakit na ba ako sa puso?
Heck! Huwag naman sana. Ayoko pang mamatay ng maaga dahil sa sinabi ni Lumiere sa akin kanina. Umupo ako sa buhangin pero agad din naman akong humiga dahil inaantok ako. Pero saktong dinadalaw pa lang ako ng antok ko ng maramdaman kong may nakatingin sa akin.
Bumangon ako at umupo sa buhanginan. Dadamhin ko muna ang lamig ng hangin bago ako makipagbasag ulo sa mga taong ayaw lumapit sa akin ngayon. Natatakot ba sila? O sadyang trip lang nilang tumingin-tingin?
"Lumabas na kayo dyan. Bakit ba ayaw niyong lumapit sa akin? Don't tell me natatakot kayo sa akin?" Hinintay ko sila hanggang sa makalapit na sila sa likod ko. Pero nabigla ako ng sabay-sabay silang umupo sa tabi ko.
Naka-uniform sila at mukhang mga ka-edad ko lang sila ngayon. Wala silang kahit na anong baseball bat o metal na pamalo silang dala. At mukha silang mga mababait ngayon, hindi sila kamukha noong isang araw na pumunta sila sa Ace of Spade University.
"Boss, sorry nga pala sa inasta namin noong isang araw." Tumingin ako sa kanila at nakatingin lang sila sa dagat. Malulungkot ang mga expression nila. At kung dati ay dalawampu sila, ngayon ay pito na lang sila. Tsaka wala yung mga nagpunta sa kanila sa school noong isang araw.
Kung hindi ako nagkakamali, sila yung nakalaban ko noong una ko silang makilala dito.
"Wala lang yun sa akin. Tsaka hindi naman kayo yung nagpunta sa school noong mga araw na yun. Pero bakit nga pala nandito kayo?" Nabigla ako sa mga sumunod nilang ginawa. Tumayo sila sa harap ko at sabay-sabay na lumuhod. Magsasalita na sana ako pero sabay-sabay silang nagsalita.
"Boss, sana po ay turuan niyo kami. Gusto pa naming matuto." Napabuntong hininga na lang ako. Tuturuan ko ba sila? Napakamot na lang ako ng ulo ko at tumayo na.
"Sige tuturuan ko kayo. Pero ang rules ko ay huwag na huwag na kayong mang-aaway ng mga inosenteng tao. Hindi din kayo gaganti kung wala silang ginawa sa inyong masama at kung wala silang balak na gawing masama sa inyo. And last but not the least, ituring niyo lang ako bilang isang kaibigan. Tsaka Summer na lang ang itawag niyo sa akin. Are we clear?"
Nagsitanguhan naman sila at ngumiti tapos nag-apiran. "Yes! Woooohoooo!" At nagtalunan habang sinisigaw ang mga salitang yan.
"Magpapakilala pala kami." Napatunga-nga ako ng ilang segundo bago napatawa. Oo nga pala, kanina pa kami nag-uusap pero hindi ko man lang sila kakilala.
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
ActionEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...