Epilogue

5.6K 159 12
                                    

Epilogue

Third Person's Point of View

Pumasok si Redille habang may seryosong expression ang makikita sa mukha ng dalaga. Nag-bow siya sa harap niya at sinabi ang report na nakuha niya.

"I'm sorry Emperor. But we can't trace her again." Napabuntong hininga nalang siya. Until now, he believes that she is not far away from him. How? Because of his heart. His heart believes that she was not far away from him now.

"Thanks, you can go now Red." Nag-aalangan si Red kung iiwan niya ba ang pinsan niya. Pero sumagi sa isip niya na nasa office sila ngayon kaya trabaho muna ang kailangang unahin bago pa ang iba. Nag-bow muna siya bago umalis.

He failed again for he don't know how many times. Hundreds? Thousands? He don't know anymore and he also don't care. He just wanted to see her again.

"Summer, where can I find you? Why are you really good at hiding, huh? Is that your special skill? I miss you. I really miss you Summer." He whispered to his self. Napayuko nalang si Wynd. Isang taon na simula noong umalis si Summer, ang babaeng una at para sa kanya ay huli na niyang mamahalin.

Maraming nagbago simula noong umalis ito. Mas lalong tumahimik si Wynd at palagi itong tutok sa trabaho niya bilang isang emperor. Kapag may naghahamon na match dito ay hindi niya inaatrasan. Pero kahit na ilang beses na itong hinamon ng iba't-ibang gang ay walang nanalo dito. Lahat talo at malala ang mga nagiging kalagayan nila.

Sa bahay, sa university at sa office lang madalas si Wynd. Ginagawa niya lahat para ma-distract siya ng mga bagay-bagay. Dahil kapag wala siyang ginagawa ay tanging masasakit na alaala lang ang naalala niya. Sinubukan niya ang sinabi ni Summer sa kanya. Sinubukan niya ngang kalimutan ang dalaga. Nilunod niya ang sarili niya sa mga trabaho niya bilang isang emperor ng gangster world. Inasikaso niya lahat.

Ang mga files na nakatago ay binasa niya ulit at doon niya rin napansin ang mga loopholes dito. Dahil sa naging tutok nga si Wynd sa gangster world ay umayos ulit ang mga gangter na naging mga pasaway sa mga trainer nila. Lalo na ang mga neophyte. Madalas ay dumalaw si Wynd sa mga ito lalo na kapag nagti-training sila kaya lahat ay seryoso. Dahil sino nga naman hindi magseseryoso kung nanonood ang emperor ng gangster world, di ba?

Kapag tapos na naman ni Wynd ang mga trabaho niya sa gangster world ay sa pag-aaral naman ang pagtutuunan niya ng pansin. Kaya minsan ay nagkakasakit na siya sa ginagawa niya. Pinapagalitan na siya ng Ate niyang si Narrisa pero papasok lang ito sa isa niyang tenga pagkatapos ay lalabas din sa kabila.

Sa isang taon ay ganoon lang ang madalas na gawin ni Wynd. Pero kapansin-pansin na kada isang buwan ay mawawala ito ng isang linggo. Walang nakakaalam kung saan ba ito nagpupunta. Walang nakakaalam kung ano ba ang ginagawa niya sa loob ng isang linggong hindi nito pagpapakita. Walang exact date kung kailan ito umaalis.

Minsan ay kasisimula pa lang ng bagong buwan ay wala na ito. Minsan naman ay nasa kalagitnaan ito ng linggo at hindi ito magpapakita. Sinubukan nilang sundan si Wynd isang beses nitong sinubukang umalis. Pero alam nitong sinusundan siya ng mga ka-gang niya kaya nililigaw niya ang mga ito. At nagtatagumpuy naman ito.

"Curious talaga ako kung saan nagpupunta si Emp, kita niyo ngayon. Wala na naman siya." Nasabi na lang ni Michael isang araw pagkatapos sabihin ni Redille na hindi nila ulit nahanap si Summer.

Tahimik ang meeting room sa building kung saan nagkikita ang mga gang na hawak ni Emperor Wynd. Kanya-kanyang pag-iisip kung saan nila pwedeng makita si Wynd. Pero walang kahit na anong lugar ang sumasagi sa isip nila na pwedeng puntahan ni Wynd. Wala silang ka-idea-idea kung saan ba ito nagsusususot.

"Hindi ko ma-track ang phone niya. Ang galing talagang mag-block ng virus ng taong iyon." Nasabi nalang ni Rain at busy ito sa pagtipa sa laptop niya. Napailing nalang sina Louie at Michael.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon