Chapter 60: Last

4.1K 71 2
                                    

Chapter 60: Last

Third Person's Point of View

Maririnig ang putukan sa buong lugar. Mga dumadaing sa sakit, mga tunog ng mga suntok at sipa at ang tunog na parang may mga bagay na nahuhulog sa sahig. At higit sa lahat, ang hininga ng mga taong hinahabol ang kanilang mga hininga para sa kanilang mga inaagaw na ang buhay na unti-unting natatakpan ng ingay ng ibang bagay.

"Girls... natatakot ako." Ang kanina pang tahimik na silid ay mas lalo pang naging tahimik nang marinig nila ang mga salitang iyon kay Nathalie.

Si Nathalie na pinakamatapang sa kanila. Si Nathalie na palaban. Pero ngayon, ang nakikita nila ay isang Nathalie na halos paiyak na. Napayuko na lang ito habang tinatakpan nito ang mga tenga niya.

Kahit na nanginginig ang mga tuhod dahil sa takot ay pinilit na tumayo ni Sophia at nilapitan si Nathalie. Niyakap niya ito ng mahigpit at ilang sandali lang ay lumapit na sa kanilang dalawa si Jc at niyakap silang dalawa. Sa puntong iyon ay nagsimula nang tumulo ang mga luha nila. Dahil sa pinaghalong sakit, takot at galit.

Parang kanila lang ay masaya silang apat na kumakain sa cafeteria habang nagku-kwentuhan. Parang kanina lang ay kausap nila si Summer sa phone at masayang ikinu-kwento ng apat ang mga nangyari sa kanila habang wala ito. Parang kanila lang ay tinawanan nila si Alice dahil pinalabas ito ng room ng terror prof nila.

Pero ang mga iyon ay nangyari kanina lang. Sa isang iglap lang ay wala na silang ibang naririnig kung hindi ang pag-iyak ni Nathalie. At ang pagpipigil ni Sophia ng mga hikbi niya. Si Alice na kinuha ng mga lalaki kanina at hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinabalik ang kaibigan nila.

Napatingin si Jc sa wristwatch niya at binilang ang natitirang segundo. Kumunot ang noo niya at huminga ng malalim bago tumayo. Dahil sa pagtayo niya ay napatingin sa kanya sina Nathalie at Sophia.

"Stay here. Lalabas ako para tignan kung safe na ba sa atin na lumabas. Ten minutes have passed." Bago pa makapagsalita ang dalawa para pigilan si Jc ay dali-dali na itong tumayo at lumabas ng room.

Pagkalabas niya ay saktong may padating na isang lalaki. Bago pa maitaas ng lalaki ang baril niya ay agad nang tumakbo si Jc papunta sa west wing. Palingon-lingon si Jc dahil alam niyang nakasunod sa kanya ang lalaking may hawak ng baril.

Saktong pagkaliko niya sa left hallway ay saktong may humawak sa braso niya at hinila siya papasok ng isang silid habang nakatakip ang kamay nito sa bibig niya.

Tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha niya habang nagpapumiglas. Ayaw pang matapos ni Jc ang lahat sa kanya. Gusto niya pang makasama ang mga kaibigan niya. She wanted to make her parents proud when they saw her diploma. At gusto niya pang mas makasama ng matagal si Michael.

"Ssh, it's me, love." Sa isang iglap lang ay nakayakap na si Jc kay Michael. Niyakap niya nang mahigpit ang taong mahal niya para maitago niya ang pag-iyak niya, para maitago ang paghikbi niya.

Pero kahit anong gawin niyang pagtatago, alam ni Michael na umiiyak ito. Dahil nabasa ng mga luha ni Jc ang kamay niya kanina. At ang t-shirt niya na suot-suot niya ngayon.

"Bakit ikaw lang mag-isa? Where are the three?" Kahit na nahihirapang sumagot ay sinabi ni Jc ang nangyari at kung bakit nasa ganoon silang ayos ngayon. Hindi maiwasang magalit, mainis at makaramdam ng takot ni Michael kay Jc. Pero alam niyang ginawa niya lang iyon para sa mga kaibigan niya at hindi rin ito ang tamang oras para pagsabihan niya ito na delikado ang kanyang ginawa.

"Let's go. Naghihintay na sila." Kahit na naguguluhan ay sumama si Jc kay Michael. Marahas na pinunasan ni Jc ang luha niya gamit ang kaliwa niyang palad, hindi ito ang tamang oras para umiyak siya. Kailangan niyang magpakatatag. Dahil matatapos din ang lahat ng ito.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon