Chapter 17: Basketball

6.5K 140 2
                                        

Chapter 17: Basketball

Summer's Point of View

Hindi ako makatulog. Mas maganda atang sabihin na hindi ako natulog. Hindi talaga ako nakatulog dahil sa palagi kong naiisip yung nangyari kagabi. Hindi ko alam kung bangungot ba yun o hindi. Pero Summer! Bangungot yun! Bangungot!

Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa veranda. Magpapahangin muna ako. Saktong pagkaupo sa isang seat at sunrise na. Ang ganda ng araw. Matagal na rin akong hindi nakakakita ng sunrise. Dati kasi kapag ganitong oras ay tulog pa rin ako o minsan ay kakauwi ko lang ng bahay.

Pumasok na ako pagkatapos kong uminom ng gatas. Hindi ako umiinom ng coffee kasi feeling ko ang pait-pait. Tsaka ayoko ng amoy. Hindi din naman ako sinanay ni Mommy at Daddy na uminom ng coffee. Maliit na nga daw ako iinom pa ako ng coffee. Noong una nga akala ko wala lang yun, pero ngayon madalas ko ng isipin na insult yun.

Ipinatong ko muna ang pajama ko tutal naman nakajersey ako sa loob. Naka t-shirt na white ako at nakasandals. Lumabas ako ng room saktong nakasalubong ko sina Miss Narrisa at Prof Kean. Lalagpasan ko na sana sila pero pinigilan ako ni Miss Narrisa.

"Miss Night, sabihin mo sa iba na may activity kayo ngayon na basketball. Sabihan mo lahat na maghanda at pumunta ng gymnasium. That's all." Umalis na sila pero nginitian muna ako ni Prof Kean bago sila tuluyang nawala sa paningin ko.

Pupunta muna ko ng kitchen para hugasan itong ginamit kong baso. Pagkatapos kong maghugas ay nakasalubong ko si Gabrielle. Nangnod lang siya kaya nginitian ko siya. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Nathalie. Hindi niya ako napansin dahil sa nakatitig siya sa hawak niya. Pain reliver yung hawak niya.

Sumandal ako sa nilock na pinto ni Gabrielle. Nakinig ako sa pinag-uusapan nila. Hindi na ako nabigla sa mga nalaman ko kasi alam ko from the start may iba na sa kanilang dalawa. Hindi ko na tinapos yung pakikinig ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Allison. Hindi ko kasi siya makita. Kasama niya daw si Louie.

Pagkatapos ko siyang tawagan ay isinuot ko ang earphone ko at sinasabayan minsan ang mga kantang naririnig ko. Pumunta na lang ako sa room at nagpalit ng damit. White t-shirt pa rin naman pero naka-jersey na lang ako ngayon. Sanay na rin naman ako sa bahay na ganito ang suot ko. Pero madalas ay naka-pajama ako.

Pagkalabas ko ay saktong nasa tapat ng pinto ng comfort room si Comet. Nabigla ako pero agad ko namang napalitan ang expression ko. Ang tagal niya sa confort room ah! Kaya pagkalabas niya pa lang ay hinila ko na ang laylayan ng damit niya. Habang papunta kami ng gymnasium ay umaangal siya na bitawan ko na daw ang pagkakahawak at paghila ko sa laylayan ng damit niya.

Pero hindi ko siya pinakinggan, binilisan ko pa ang lakad ko kaya pati siya ay nadamay. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako sa expression niya o maiinis kasi ang daldal niya ngayon. Yung totoo? Siya ba talaga ang Emperor ng mga gangster? Kasi sa lahat ng emperor siya ang pinakamahangin, pinakamadaming angal at pinakamadaldal na nakilala ko. Kakaibang emperor!

Louie's Point of View

"Ate para saan ba talaga ang pagpunta natin dito? What's the true reason?" Napakunot ako ng noo, may problema ba si Emp? Nasa control room ako ngayon ng resthouse. Yeah my control room, kasalanan ni Rain. Siya ang sisihin niyo.

"Bestfriend, anong pinapakinggan mo?" Bigla kong naalis ang headphone ko. Shoot si Allison pala! Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"Wala naman. Napagtripan ko lang isuot para sana matulog ako." Tinignan naman niya ako habang nakataas ang kilay niya.

"10 am pa lang ah. Ang aga mo naman matulog. Nagagaya ka na ba kay Kuya Trale?" Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako nagagaya kay Trale.

Palusot ko lang yun. Pasimple ko na lang nilagay sa tenga ko ang wireless earphone. Para marinig ko ang pinag-uusapan ng mag-ate.

"Hindi ko alam. Pero, ang first activity niyo is basketball. Go to your respective room for preparation. Go." Tsk! Hindi ko na narinig yung pinag-uusapan nila. Pero basketball ba daw? Game! Matagal na rin naman akong hindi naglalaro ng basketball. Might as well this will be my exercise for today.

"Hello? Yeah, kasama ko si Bestfriend Louie. Bakit? Okie, pupunta na kami dyan." Napatingin naman ako kay Allison, akala ko kung sinong kausap niya. May kausap pala siya sa phone niya. Humarap naman siya sa akin habang nakangiti.

"Bestfriend, tawag tayo ni Summer. May basketball play daw tayo. Tara na bilis!" Patayo pa lang sana ako pero bigla niya akong hinila kaya napasunod na ako sa kanya. Minsan, hindi ko alam kung si Allison ba talaga ang kasama ko. Kasi minsan ang seryoso niya, minsan naman ay para siyang bata. She's moody. But that's fine with me.

Pagkatapos naming magpalit ay nakasalubong namin si Summer. Mukha siyang masaya kasi pakanta-kanta pa siya at nakapikit habang may nakapasak na earphone sa tenga niya. Pero pareho kaming namangha ni Allison sa kanya. Nakasuot siya ng white t-shirt at blue jersey. Tapos ay naka-rubber shoes siya na kulay black and touch of white. This is the first time, i saw her in that outfit. And she looks good.

"Tara na Bestfriend." Hinila na naman ako ni Allison at naglakad na papuntang gymnasium. Pagkadating namin sa gymnasium ay nandoon na si Sophia, Rain, Ate Narrisa, Prof Kean, Jc at Michael. Ang aga naman ata ngayon ni Jc at Michael? Eh palaging late ang dalawang yan eh.

Pagkalipas lang ng ilang minuto ay dumating na si Nathalie at Gabrielle. Parehong nakangiti at nagkukwentuhan. Kailan pa sila naging magkasundo? Eh palaging nag-aaway ang dalawang yan. Dumating na din si Summer habang hila-hila niya si Emp sa laylayan ng damit niya. Uy! Under si Emp. Hahahaha.

Nakita naman ako ni Emp na natatawa sa ayos niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Lalapit sana siya sa akin pero hinabol siya ni Summer at hinila na naman ang laylayan ng damit niya papunta sa mga upuan at sapilitang pinaupo. Anong nangyari kay Emp at nagpapa-under siya? Hahaha.

Gabrielle, Nathalie, Michael, Jc, Sophia, Rain, Louie, Allison, Trale, Wynd, Summer

"Gabrielle, Michael, Sophia, Allison and Wynd. Team one." Announce ni Prof Kean. Sino kaya ang hindi makakapaglaro sa amin?

"Nathalie, Jc, Rain, Louie and Summer. Team two." Magkalaban kami ni Allison. Napatingin ulit ako sa dalawa. Ang sama ng tingin nila sa isa't-isa. Seriously?! Bakit ganito palagi ang expression nila? Si Emp ang sama ng tingin kay Summer. Tapos si Summer hindi makatingin ng diretcho kay Emp. May problema ba ang dalawang ito?

Pumito na si Prof Kean kaya pumunta na kami sa court. Nasa harap ako ni Allison ngayon at hindi maganda ang kutob ko sa kanya. Nakangisi kasi siya at mukhang may masamang gagawin. Napakamoody niya talaga. Double personality Allison.

Pumito na si Prof Kean at ang nakakuha ng bola ay si Emp. Malamang mas mataas siya kay Summer. Pero ang nakakagulat, ang bilis tumakbo ni Summer. Wala nga saming lima ang nakakahabol sa kanya. Pero si Summer, hinabol niya ng walang kapagod-pagod. Nakuha niya ang bola kay Emp at ngayon naman ay siya ang hinahabol ni Emp.

Napatingin ako kay Allison at nakacross arms lang siya at nakangiti. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "As what i've expected. Tara na nga bestfriend Louie, hindi rin tayo maglalaro niyan."

Hinila na niya ako palabas ng court at nakiupo kami sa tabi nina Rain na kasabay lang naming umupo. Seryoso ang dalawa sa paglalaro ng besketball. 10 minutes na pero wala pa rin nakakagawa ng points. Naaawa na ako dun sa bola. Baka sumabog yun sa sobrang dribble.

Biglang tumalon si Summer at sinabayan siya ni Emp. Napatayo ako dahil sa ginawa ni Emp. Mali Emp! Mali yung ginawa mo! Kinuha ko kaagad ang panyo ko at tinakpan sa mata si Allison. Kahit na alam ko na ang mangyayari ay hindi ko naiwasang mapanga-nga dahil sa nakita ko.

"Hahahaha." Natawa kaming lahat na nanonood. Pero tumayo kaagad si Emp at si Summer naman ay tumakbo palabas ng gymnasium. Mukhang shock pa si Emp kaya hindi niya napansin na tumakbo na palabas ng gymnasium si Summer. Kung hindi siya sinigawan ni Ate Narrisa ay hindi niya pa masusundan si Summer.

Bahala sila dyan!

***

Abangan! Chapter 18: The Information

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon