Chapter 26: I Love You

5.5K 135 7
                                    

Chapter 26: I Love You

Third Person's Point of View

"Wynd." Pagkasabi ni Summer ng pangalan niya ay nawala ang ngiti sa mga labi ni Wynd. Nanibago siya sa tawag sa kanya ni Summer. Sanay siya na Comet ang tawag sa kanya at hindi Wynd.

Naging seryoso ang expression niya at naglakad papalapit kay Summer na mababakasan ng kaba sa kanya mukha. Hindi alam ni Wynd kung matatawa ba siya sa expression ng dalagang nasa harap na niya ngayon o magtataka kung bakit ito kinakabahan sa presensiya niya. Gayun pa man hindi muna ito pinansin ni Wynd. Agad niyang hinila si Summer palapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.

Masaya siya dahil sa wakas ay nayakap na niya ito ulit. Makalipas ang ilang buwang pag-iwas ng dalaga sa kanya. Mabilis at malakas ang tibok ng puso ni Wynd. Masayang-masaya siya dahil nakalapit na ulit siya sa dalaga. Wala siyang pakialam kung marinig pa ni Summer ay tibok ng puso niya. Basta ang gusto niya lang ay mayakap si Summer.

"W-wynd-" Hindi na niya pinatapos pang magsalita si Summer. Agad-agad siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa dalaga at agad itong hinalikan sa labi. Hindi siya sanay na Wynd ang tawag sa kanya. He preferred Comet than Wynd.

They shared a sweet and passionate kiss. Kinalimutan muna nila ang ibang bagay at tanging mga puso muna nila ang pinakinggan nila. Malakas ang tibok ng mga puso nila. Masaya ang bawat isa.

"Don't you ever dare to call me Wynd again. Call me Comet." Sabi ni Wynd kay Summer. Hindi naman makatingin sa kanya si Summer dahil namumula ang mukha nito. Ilang na ilang ito sa kanya kaya nakayuko siya ngayon at nakatingin sa buhangin.

Napangisi naman si Wynd ng mahalata niyang naiilang sa kanya si Summer. He touch her chin and he look at her eyes.

"Don't make me feel alone again. Huwag mo akong iwasan o ipagtabuyan. Please, i'm begging you Summer. Because i already fall for you."

Hindi alam ni Summer kung ano ba ang dapat niyag maramdaman. Hindi niya alam kung iiyak na ba siya dahil sa mga pinagsasabi ni Comet o ngingiti na lang. Pero agad lumitaw sa kanyang isipan si Lumi. Girlfriend siya ni Comet. Pero bakit ito sinasabi sa kanya ni Comet?

"I thought Lumi is your girlfriend? Then why are you telling me this? That you already fall for me. You know what Wynd, if this is just a joke. Please, stop this." Sabi ni Summer kay Wynd. Hindi makatingin sa kanya si Summer at bakas ang lungkot sa boses ng dalagang nasa harap niya ngayon.

Dahil sa nakayuko si Summer ay hindi niya nakikita ngayon ang masayang expression ni Wynd. Ang saya niya ay umaabot hanggang sa mata niya. Kitang-kita sa itim na pares ng kanyang mga mata ang saya na nararamdaman niya dahil sa sinabi ni Summer. Rinig na rinig niya ang selos sa tono ng dalaga na ikinakatuwa ng kanyang puso.

"Nerd, your always stupid as ever. That's not true. Because Lumiere Black..." Tumingin si Summer kay Wynd na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. Nakatingin sa kanya ang binata habang kitang-kita ni Summer ang saya sa mata ng binata.

Hinihintay ni Summer ang susunod na mga salitang bibitawan ni Wynd. Hinahanda na niya ang puso niya sa sasabihin ng binata.

"Lumiere Black, she's my cousin." Naging blangko ang isip ni Summer. Ang tanging naririnig niya lang at nagpapaulit-ulit sa kanyang isipan ay ang mga katagang sinabi ni Wynd.

"Lumiere Black, she's my cousin." Nanlaki ang kanyang mga mata ng marealize na niya ang sinabi ni Wynd. Ibig sabihin, simula ng makaramdam siya ng pagseselos sa kanilang dalawa (which is hindi niya pa alam kung bakit siya nakakaramdam ng selos), yung mga panahon na hindi na niya ulit kinausap si Wynd. At yung panahon na nasasaktan na siya kapag nakikita niyang nakikipagkwentuhan sa iba si Wynd, nakikipagtawanan kay Lumi at lahat ng naramdaman niyang kakaiba. Ibig sabihin ay wala lang?

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon