Chapter 45: Underground Fight

4K 82 2
                                        

Chapter 45: Underground Fight

Narrisa's Point of View

"What if may hindi magandang mangyari Mr. Nakashige? Magugulo ang lahat." Hindi ko alam kung anong ang mararamdaman ko ng may ipinagtapat sa akin si Mr. Nakashige. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

"Ako ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi dahil sa akin, hindi magiging ganito ang takbo ng mga buhay nila. Hindi sana ito ang mangyayari." Napayuko na lang siya. Halatang nasasaktan siya sa nangyayari. Pero, wala na kaming magagawa dahil ilang taon na ang nakakalipas.

"Summer will be really mad at me if she's here. But then, she's not here anymore. What will I going to do with Autumn's path? I want to change it, but I don't know how. I really wish that she's with us now. She's good at planning in every detail, even when she's still young." Nagsisimula ng lumabas ang katotohanan. Pero hindi ko alam kung paano ba ako makakatulong para maayos ang lahat ng ito.

"Wala siyang kasalanan. Walang may kasalanan. Ang lahat ay aksidente lamang. Mali ang mga akala niya." Napahilamos na lang ako ng mukha ko.

Mula sa isang madilim na lugar ay may tumigil na kulay itim na sports car. Bumaba ang isang babae na nakasuot ng kulay itim na damit at may suot na maskara.

Napaangat ng ulo ang batang si Wynd. At hindi maiwasang makaramdam ng takot dahil sa nakita niyang may dalang baril ang babae. Tinutok nito ang baril sa batang si Wynd, pero lumipat ang pagkakatutok nito sa taong nakahandusay ngayon sa malamig na sahig.

Napahigpit ang hawak ng batang Wynd sa kamay ng taong nakahandusay sa sahig. Hindi natatakot mamatay ang batang si Wynd, pero natatakot siya para sa taong hawak-hawak niya sa kamay ngayon.

"It's time to say good bye." Isang nakakabinging putok ng baril ang umalingawngaw sa madilim na lugar na iyon.

"Forget what...happened just..n-now. It's b-better...to be...killed b-by...a woman l-like...her. See you...very...soon...bro." That's his last word and his grip loosen from Wynd's grip.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon