Chapter 22: Are You...

5.6K 131 0
                                        

Chapter 22: Are You...

Summer's Point of View

"So how's the vacation Night?" Pagtatanong ni Trale at umupo siya sa tabi ko. Ang tinutukoy niyang bakasyon ay yung suspension ko. Nag-shrug lang ako bilang sagot. Hindi ko naman masasabing maganda o naging pangit ang little vacation ko.

Nagstay lang ako sa bahay noong first day tapos noong second day naman ay pumunta ako dito dahil sa may meeting ng mga rules and regulation ng school. Binigyan ako ng copy ng board sa mga rules and regulation ng school.

Rules

1. Complete uniform.
2. Attending the class, no cutting and ditching the class. Except for emergency times.
3. Should have a valid reason why you didn't attend your class.
4. No Public Display of Affection everywhere as long as your inside the campus.

Tapos madami pang iba. Ganun din naman ang regulation. So far wala naman ako binago dahil maganda naman ang patakaran.

And for my last day ay naging maganda dahil pumunta sa bahay ang mga Princess at hindi ko alam kung maganda pa ba yung naging pagkikita ulit namin ni Comet.

Basta ang natatandaan ko na lang ay tumakbo ako noon palabas ng chapel. At umuwi na lang sa bahay. Parang buong sistema ng puso ko ang nagulantang ng makita ko siya at marinig ulit ang boses niya. Like what i've said, ilang months ko na siyang iniiwasan.

Pagkatapos ng class namin ay nagpaalam agad ako sa kanila na pinapatawag ako ni Ms. Narrisa, ang pumasok lang sa BDG ay si Trale, Louie at Rain. Wala sina Gabrielle, Michael at si Comet. Madalas ay ganyan ang ayos nila, minsan naman ay lahat sila ay hindi pumapasok. Nahihiya akong magtanong, baka kung ano pang isipin nila.

Kinilabutan naman ako dito sa hallway papuntang office. Wala kasing nagka-klase, which is weird dahil ngayon lang ito nangyari. Napatigil ako sa paglalakad dahil nakarinig ako ng mga yabag. Lumingon ako pero wala namang tao, napayakap na lang ako sa sarili ko. Wala naman sigurong multo dito di ba?

Lumingon-lingon ulit ako at ng masigurado ko na walang taong nakasunod sa akin ay nagsimula na ulit akong maglakad. Pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay meron na naman akong narinig. Kung kanino man yabag yun ay sasapakin ko siya ng malakas kapag nagpakita siya sa akin. On the second thought ay huwag na lang. Ayos na yung tatlong araw kong hiningi na suspension.

Huminga ako ng malalim at hindi ko na pinansin ang ibang yabag. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang nakayakap pa rin sa sarili ko. Pagkaliko ko sa isang likuan malapit sa office ayay humila sa akin papasok ng isang classroom. Handang-handa na sana akong manapak pero naamoy ko ang pabango niya. Nakaramdam ako ng kilabot. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko. Parang drum sa ingay.

"Huwag kang malikot. Aalisin ko ang kamay ko sa bibig mo. But promise me first that your not going to talk or do something else. Just hide here and wait for me." Tamango-tango ako at binitawan ang hawak sa bewang ko. Inalis na din niya ang kamay niya sa bibig ko pero dahan-dahan lang. Wala bang tiwala sa akin ang taong ito na hindi ako gagawa ng kahit anong ingay?

"And one more thing, i'll punish you once you did something wrong. And i think you don't like having a punishment like that, Summer Night." Inirapan ko na lang siya at nagtago dito sa loob ng classroom.

Sumilip ako gamit ang butas dito sa pinto at nakita ko si Comet na kaharap yung isang grupo ng lalaki. Hindi sila dito nag-aaral. Wala kasing logo ng Ace of Spade University ang mga polo nila.

"What do you want bastards?" Hanggang dito ba naman suplado at magaspang pa rin ang ugali niya. Kahit saan ako tingin sa grupo ng mga lalaking ito ay hindi ko makita ang black aura nila. Pero nang pakatitigan ko sila ay konti lang.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon