Chapter 13: Red

6.4K 150 2
                                    

Chapter 13: Red

Summer's Point of View

Napamulat ako nang maramdaman ko na parang lumulutang ako habang naglalakad. Pagtingin ko sa kanya, naka-piggyback ride ako kay Comet. At malapit na kami sa bahay na tinitirhan namin ngayon. Pumikit na lang ulit ako dahil inaadjust ko pa ang paningin ko. Medyo blurr pa ang paningin ko kapag bagong gising pa lang ako. Bigla namang tumigil sa paglalakad si Comet kaya minulat ko ng konti ang mata ko.

May nakita akong tao na nakatayo hindi kalayuan sa amin. Kulay pula ang kulay ng kanyang mahabang buhok, maputi rin siya. Hinintay ko pa ng konti ang pag-ayos ng paningin ko at nakita ko ang mukha ng taong iyon. Red, anong ginagawa niya dito?

"Nagkita ulit tayo mahal na Emperor." Bakit siya nandito? Ang taong ito, ibang-iba na siya kumpara dati, noong huli kaming nagkita. Lumapit siya kung nasaan kami habang nakangiti, mabait pa rin siya hanggang ngayon. Hindi talaga nagbabago.

"Red, long time no see." Simpleng sabi ni Comet. Ang cold niya sa boses na ginamit niya, pero kahit na cold ang boses niya ay mararamdaman mo pa rin na may authority ito. Ganito pala siya makipag-usap sa ibang gang na hawak na niya. Pumikit na lang ako para ligtas ako dito sa likod ni Comet, kapag hindi pa ako pumikit ay malalaman na ni Red na gising na ako. Naramdaman kong nakatingin na siya sa direction ko.

"Who's the lucky girl, Emp?" Dumaan ang malamig na hangin kaya mas lalo akong sumiksik kay Comet, nilalamig na ako ng todo dito. Masakit na rin ang ulo ko, kulang pa ako sa tulog. Kagabi kasi tinapos ko ang isang project ko sa isang subject ko.

"She's Nerd. I mean her name is Summer Night." Ang sama talaga ng taong ito. Nerd pala ang pangalang binigay niya sa akin. Pero for the first time, sinabi niya ang pangalan ko. Madalas kasi Miss Night ang sinasabi niya sa pangalan ko. Naglakad na ulit siya kaya kumapit pa ako ng konti sa kanya. Hindi pa kami nakakalayo nang tumigil si Comet sa paglalakad.

"Redille, tell to everyone. Don't you ever dare to touch her. Even a single of her hair or i'll cut down all your hands. Got it?" Seryosong-seryoso si Comet habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Pero sinong tinutukoy niya? Sinong ''her'' ang sinasabi niya?

"She's important to you, right Emp?" Hindi agad nakasagot si Comet, pero nakatalikod na kami ngayon kay Red. Humarap ng konti sa kanya si Comet at naramdaman kong tinignan niya lang siya. Naglakad na ulit si Comet at iniwan doon si Red habang nakatingin pa rin sa amin. Pero ngayon ay nakangiti pa rin siya.

Redille's Point of View

"Leader, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Yohann, isa sa mga malapit kong gang member. Kinuha ko ang black leather jacket ko sa sofa at sinuot ito. Humarap ako sa kanya habang pinapaikot ang key sa kamay ko.

"May pupuntahan lang ako, mabilis lang ako. Sabihin mo sa kanila na maging alert okay?" Kahit na gang member ko sila ay tinuturing ko pa rin silang kaibigan at pamilya. Dahil sila na lang ang natitira sa pamilya ko, dahil wala na ako sa tinawag nilang "Mama at Papa". Tumango lang siya at ngumiti sa akin, ngumiti lang ako pabalik at lumabas na ng headquarters.

Sumakay na ako ng motorbike ko. Malayo pa ang pupuntahan ko, ilang oras rin akong magbyabyahe. Pupunta ako ng Tagaytay, gusto kong makausap ang pinsan ko na si Emperor Wynd. Oo, pinsan ko siya sa mother side, pero second causin lang. Pagkalipas ng tatlong oras na byahe ay nakapunta na ako sa rest house na sinasabi ni Sophia. Siya kasi ang tinanong ko kung nasaan sila ngayon.

Pinark ko ang motorbike ko sa parking lot at pumunta muna sa dalampasigan. May dagat kasi dito, tapos may gubat pa. Mamaya ko muna pupuntahan si Emp, gusto ko munang magpalamig. Ilang minuto akong nakatayo dito, hindi naman mainit kasi wala ang araw ngayon.

Pero napatingin ako sa kaliwa ko nang maramdaman kong may nakatingin sa akin. Nakita ko si Emp na nakatayo habang may nakapiggy back ride sa kanya. Alam kong babae yung buhat niya dahil sa kamay pa lang ay nahalata ko na. Pagkatapos ng apat na buwan ay nagkita ulit kami. Naging busy ako this past few months.

"Nagkita ulit tayo mahal na Emperor." Sabi ko sa kanya nang makalapit na ako sa kanya. Kahit na pinsan ko siya ay masikreto pa rin siya. Hindi kami malapit sa isa't-isa pero hindi naman kalayo ang loob namin sa isa't-isa, sakto lang kung mag-usap kami.

"Red, long time no see." Hindi ka pa rin nagbabago Emp, simula bata tayo ganyan na ang ginagamit mong tono ng pananalita. Cold but full of authority. Tumingin ako sa babaeng nakapiggyback ride sa kanya.

"Who's the lucky girl, Emp?" Biglang kumilos ang babae at parang mas yumakap pa kay Emp. Napangiti na lang ako, ang swerte niyang babae. Siya pa lang ang binuhat ni Emp ng ganyan. Si Emp hindi siya isang sweet na tao.

"She's Nerd. I mean her name is Summer Night." Malala na talaga ang pinsan ko. Pero habang sinasabi niya ang pangalan ng babae ay may kakaiba sa kanya. At dahil masikreto si Emp ay hindi ko alam kung ano ang kakaibang iyo. Naglakad na siya palayo pero tumigil siya at humarap ng pa-side sa direction ko.

"Redille, tell to everyone. Don't you ever dare to touch her. Even a single of her hair or i'll cut down all your hands. Got it?" Seryosong-seryoso siya habang sinasabi niya ang mga salitang yun. Kahit hindi siya tumingin mismo sa mata alam ko ang totoo.

"She's important to you, right Emp?" Nakatingin lang siya sa buhangin pero nararamdaman ko kung ano ang totoo niyang nararamdaman. Siguro ngayon naguguluhan pa siya, pero Emp huwag mo sanang kakalimutan kung anong pwedeng mangyari sa kanya kapag nangyari ang iniisip ko.

Emp, mapapahamak siya. Alam kong alam mo yan. At sana huwag mong kakalimutan ang first rule. Dahil kapag nakalimutan mo iyon, pwede siyang mawala ng tuluyan sayo. At kahit kailan hindi mo na siya makikita ulit. Pero napangiti pa rin ako, this is the right time Emp. Tinignan ko sila habang naglalakad pa rin si Emp at buhat si Nerd este Summer. Parehong weird ang pangalan nila. Tama ako hindi ba?

Kapag nangyari ang iniisip ko, pareho silang pwedeng mapahamak. Hindi lang sila, hindi lang pwedeng dalawa ang mawawala. Pwedeng lahat. Tumingin ako ulit kay Summer, may kakaiba sa kanya. Bilang babae nararamdaman ko iyon. Pero hindi ko matukoy kung ano iyon. Nagstay pa ako ng ilang minuto pagkatapos ay pumunta na ako sa parking lot at pinagana ko na ang motorbike ko.

Nagpunta muna ako sa isang kubo na malapit sa dalampasigan, bigla kasing sumakit ang paa ko. Malapit na pa lang maggabi, tumingin ako sa wristwatch ko at 5:00 pm na pala. Paalis na sana ako pero nakita kong mag-isa si Sophia. Nakatingin siya sa malayo at mukhang malayo ang iniisip niya.

Nilapitan ko siya pero nakatingin pa rin siya sa malayo. Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang tinitignan niya. Nakatingin siya sa araw na malapit ng lumubog, malapit ng magsunset. Tahimik lang kaming nakaupo, alam kong hindi niya pa ako napapansin dahil sa malalim ang iniisip niya. Sophia, ano nga bang iniisip mo sa oras na ito? Bigla naman siyang tumingin sa direction ko at mukha pa siyang gulat. Binigyan ko siya ng ngiti at ngumiti naman siya pabalik.

"Nagpunta ka talaga dito. Nakita mo na siya?" Tanong niya habang natatawa. I promise to her na pupuntahan ko si Emp dito. Akala niya ay nagbibiro ako sa sinabi ko dahil tumatawa ako habang kausap ko siya sa phone kaninang umaga.

"Yeah, hindi pa rin siya nagbabago." Sagot ko na lang. Hindi ko na sinabi ang tungkol sa kasama ni Emp kanina dahil si Sophia na ang aalam sa bagay na yun. Umalis na ako ng malapit ng magsix o'clock. Gagabihin na niyan ako pabalik ng headquarters. Tumatawag na rin ang gang members ko. Ang sabi ko ay pauwi na ako.

Agad naman akong nakapunta ng headquarters dahil hindi traffic. Pagkapasok ko, tahimik na. Mukhang tulog na sila. Bago ako pumasok sa kwarto ko ay tinignan ko muna sila isa-isa kung kompleto ba kami. Nang makita ko namang kumpleto kami ay pinihit ko na ang doorknob. Sino nga ba ako? Ako si Redille Kristoff ang leader ng Red Salamanders Gang.

***

Nakilala niyo na rin ang isa sa mga gang na hawak ni Emperor! The Red Salamanders Gang!

Abangan! Chapter 14: Concern

"Ang pula ng ilong mo. Hahaha, ang cute lang. Rudolf the red nose raindeer."

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon