Chapter 41: Foundation Day

3.9K 72 0
                                    

Chapter 41: Foundation Day

***Part 2 - Queen's Ring***

Summer's Point of View

Second day ng Foundation Day ngayon at tulad ng kahapon ay busy kami. Hindi kami busy sa café ngayon, dahil busy kami sa paglilibot sa buong campus.

"By the way, Wynter and Hunter. Wala ba kayong pasok? Buti wala kayo sa school niyo ngayon?" Sabay silang tumingin sa akin tsaka ngumisi. Napailing na lang ako, tumakas na naman ang dalawa panigurado.

"Don't worry Ate Summer. Akong bahala." She winked at me then chuckled. Napatawa na lang ako sa kakulitan niya. Samantalang umiling na lang si Hunter dahil sa sagot ng kambal niya.

"Missing in action na naman si Kuya Trale. Kasama pa lang natin siya kanina eh." Lumingon-lingon ako at sinubukang hanapin si Trale. Pero nabigo ako. Tinakasan na naman kami ng isang yun.

"What are you staring at Comet?" Tinaasan ko siya ng kilay. He gave me a boyish smile then he tilted his head to left. May sinabi siyang salita pero walang boses kaya napakunot ako ng noo. Umiling siya pagkatapos ay ngumiti.

"I just love to stare at your beautiful face, Summer." Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Narinig ko pa ang pagtawa niya, kaya nauna na akong naglakad sa kanya.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na ganyan umakto si Wynd kapag kasama niya si Summer. Tignan niyo naman, naiwan na tayo kay Summer." Narinig ko pang sinabi ni Nathalie. Binagalan ko na lang ang paghakbang ko at kalaunan ay hinintay ko na sila.

Nang makaramdam na kami ng pagod ay bumili kami ng miryenda namin at tumambay sa garden. Matapos naming kumain ay nagkwentuhan kami ng kung ano-ano lang. Pero na-focus ang topic namin nang mapunta iyon sa play ni Trale.

Napabuntong hininga na lang ako. Sumandal ako sa puno at nakaramdam ako ng pagkaantok. Matutulog muna siguro ako. Kahapon pa ako pagod eh.

"Summer, wake up." Nakaramdam ako nang haplos sa pisngi ko kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Noong una ay medyo malabo pa kaya hinintay ko munang maging stable ang paningin ko.

Nang maging stable na ang paningin ko ay nakita ko si Comet. Nakaunan ako sa lap niya habang nakasandal siya sa puno kung saan ako nakasandal kanina.

Babangon na sana ako pero pinigilan niya ako. Tumingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko. Pero nginitian niya lang ako habang hinahaplos ang buhok ko. At ngayon ko lang din napansin na wala na ang iba at kami na lang dalawa ang nandito ngayon.

"Where's the others?" I asked. Umiling siya habang nakangiti at nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako at kinuha ang kamay niya na nagpapahinga sa tyan ko at pinaglaruan ang kamy niya. Habang ang isa naman ay humahaplos pa rin sa buhok ko.

Napatawa pa ako nang pinaglapat ko ang mga palad namin dahil ang laki ng kamay niya. Pagkatapos naman ay pinipisil-pisil ko ang palad niya.

Pero napatigil ako sa ginagawa ko nang tumunog ang phone niya. "Good, I'll hang up." Iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay tinago na niya ang phone niya.

Inaya niya akong hanapin ang iba kaya bumangon na ako habang inaalalayan niya ako. Hindi ko binitawan ang kamay niya na kanina ko pa pinaglalaruan. Ramdam ko ang tingin niya pero hindi ko na lang pinansin. Naalala ko na ginaganito ko ang kamay ni Dad kapag wala akong ginagawa sa bahay noong nasa secondary class na ako. Tapos ngayon ko na lang nagawa ulit at iyon ay kay Comet pa.

Pero napatigil ako sa paglalaro sa kamay ni Comet ng may magtakip ng blindfold sa akin. Nabitawan ko ang kamay ni Comet kaya bigla akong kinabahan. Susuntukin ko na sana kung sino man ang naglagay sa akin ng blindfold. Pero kasabay ng pag-inhale ko ay ang pagtakip nila ng panyo sa ilong ko. At nakaamoy ako ng amoy na kakaiba, nakakahilo. Then everything turned black.

Nagising ako nang maramdaman kong nilalamig ako. Gabi na rin pala at hindi ko alam kung anong oras na dahil nawawala ang wristwatch ko. Lumingon-lingon ako pero walang tao. Nasa likod ako ng building namin noong second year college pa ako. Nasa harap ako ng puno kung saan kami madalas tumambay ni Comet simula noong magsimula siyang manligaw.

Tumayo ako at sinundan ang ilaw na pathway. Nakayuko lang ako habang sinusundan ang ilaw at napayakap na lang ako sa sarili ko. Malapit na ang Christmas kaya medyo malamig na. At bakit naman kaya ako nakabihis ng white halter dress? Hinawakan ko ang ulo ko at may nahawakan ako na paikot na bagay.

Tumigil ako sa harap ng isang siliding window at tinignan ko ang sarili ko. Flower crown pala ang nahawakan ko sa ulo ko. Hahawakan ko na sana ulit ang flower crown pero na-divert sa isang side ng sliding window ang attention ko.

Agad-agad akong lumingon at nakita ko sina Sophia, Nathalie, Jc and Alice, kasama rin nila ang boys, excluding Trale at nakabihis sila ng white dress that flows until their toes. Naglalad ako papunta sa kanina at naglakad rin sila papunta sa akin.

"Go for it, Summer. Follow the beat of your heart." Sabi sa akin ni Alice. Kahit na nagtataka ay naglakad ako sa tinuro nila. At napatakip ako ng bibig ko nang makita ko ang isang banner sa taas.

Dean and Night Wedding

At doon ko lang din na-realize kung nasaan kami ngayon. Nasa wedding booth kami, pero open field at garden.

"Ready for your wedding, my future sister-in-law?" Tumingin ako kay Wynter at Hunter na nasa gilid ko. Naka-white dress din si Wynter katulad nang suot nina Sophia at three piece suit ang suot ni Hunter.

Habang naglalakad kami sa aisle ay nakatingin lang ako sa kanya. Kahit na hindi totoo ang kasal namin ay hindi ko maiwasang hindi maging masaya nang makita ko siyang nakangiti habang naghihintay sa akin sa dulo ng aisle.

He's wearing a long sleeve polo and white pants. Partner na partner ang suot namin dahil white daw ang theme ng wedding sabi sa akin ni Wynter.

Nilahad niya ang kamay niya at nakangiti ko itong tinanggap. Garden wedding ang theme and white and black ang color theme naman. Inalalayan niya ako sa steps at humarap sa altar at sa senior namin na gumaganap na pari.

Napapatawa na lang kami ni Comet kapag nagkakamali ang senior student. Minsan ay nabubulol siya at natatawa rin siya sa mga pinagsasabi niya. Pero nang malapit na ang pagsasabi ng vows ay biglang sumeryoso ang paligid. Lalo na noong kunin na ni Comet ang microphone.

"Summer Night, I know biglaan 'to. This is just a joke, an artificial wedding. But in front of everyone, I want to tell you how much I care and love you. Since the first day our eyes met, I'm already attracted to your eyes. Especially when you act snob when I talk to you. I mean, when I threatened you." Napatawa ako ng sabihin niya iyon dahil bigla kong naalala iyong nasa cafeteria kami.

"When you beat me in our game. My heart felt a pang of pain when you run away and hide from all of us. Until one day, I just realized how much I fell in love with you. And I admit that I was a sadist when I saw you glaring at Lumiere, especially when she asked you why are you staring at me. And for the first time in my life, I waited for a girl for a long time. And here I am, standing in front of you and saying this words. I love you very much Summer Night. Wear this ring and be my girl again. I'm giving you this Queen's Ring, because I know from the start that you'll be my queen no matter what." Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko habang may hawak siya na singsing. The middle of it is a blue diamond and it is made up of white gold.

I held his hand and kiss him. I couldn't utter a word, I can't even say the magic word or say yes. I'm totally speechless. He place the ring on my ring finger then wipe my tears. "I love you Comet. Very much. And of course, I'll be your girl again. I'll be your girl, with or without this Queen's Ring."

And he sealed me again with his kiss.

***

Sorry kung ngayon lang ang update. Busy kasi sa school eh. Next week is the next update.

Abangan! Chapter 42: Foundation Day

**Part 3 - Party**

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon