Chapter 59: Escape Plan
Summer's Point of View
Binaba ko ang baril ko na nakatutok kay Mitsuo. Hindi ko naiwasang mapabuntong-hininga habang nakatingin sa kanya, diretcho sa mga mata niya. Ang mga mata niya. Hindi pa rin siya nagbabago kahit marami nang nangyari.
"Matigas pa rin ang ulo mo. I wonder how did you became my best friend in the first place? Hindi ko ma-imagine na ganyan pala katigas ang ulo ko noong bata ako." Narinig ko siyang napatawa dahil sa mga sinabi ko. Napangiti na lang ako habang tinatago ang baril sa back pocket ng jeans ko.
"You know everything from the start right, Summer?" Seryosong tanong niya. Or more like ang tono niya ay nagsasabi na lang at kailangan na lang ng confirmation para ma-clear ang mga bagay-bagay na nag-iwan ng misteryo sa lahat.
Napatango na lang ako habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nilahad niya ang kamay niya kaya lumapit ako sa kanya. At tulad ng dati kapag naglalakad kami sa street ng Japan. Magkahawak ang mga kamay namin.
Pumasok kami sa isang silid at may salamin sa loob nito. Pero nagulat na lang ako nang makita ko ang scenario sa loob. Napatakip na lang ako ng bibig dahil sa nakikita ko.
Si Alice. Duguan ang balikat at hinihingal dahil sa hinahabol niya ang hininga niya.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Kung hindi ako dumating sa buhay nila, malamang ay wala siya sa ganitong sitwasyon.
May mga lalaking lumapit sa kanya. Alam kong magiging maayos na ang kalagayan niya kahit papaano. Dahil ang mga lumapit sa kanya ay doctor at mga nurse.
Pinaupo ako ni Mitsuo sa isa sa mga sofa at umupo naman siya sa harap ko. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin pa rin sa kanila.
Dahil sa mga sikreto, sa mga pagtatago at pagsisikreto ay naging ganito ang kinahantungan ng lahat. Napailing na lang ako.
Pagkatapos nito ay magiging maayos na ang lahat. Sana. Oo sana, maging maayos na ang lahat. Dahil, pagod na ako sa mga nangyayari. Kapag hindi pa natapos ang lahat ng ito, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. Baka hindi ko na kayanin.
Tahimik lang kaming dalawa ni Mitsuo. Siya ay nakatingin sa laptop niya at busy sa ginagawa habang ako ay nakatingin sa salamin. Tumayo ako at naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Mitsuo. Pero hinayaan ko lang siya.
Tumigil ako sa harap ng salamin at hinawakan ito kung saan parang nahahawakan ko na sila. Napatawa na lang ako ng mahina, ilang beses na ba akong nagbuntong hininga sa nakalipas na ilang oras? Nakakatawa lang dahil hindi ko na mabilang kung pang-ilan na ba ang ngayon.
"I want to ask you something? Is it okay?" Nabasag ang katahimikan nang magsalita siya. Tumingin ako sa kanya at tumango.
Alam kong marami siyang gustong itanong pero hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga katanungin niyang iyon. Ang mga katanungan na hindi ko rin masisigurado kung may maisasagot ba ako.
"Did you even consider me more than a best friend?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi agad ako makasagot dahil ayokong masaktan na naman siya. Ayoko nang dagdagan ang sakit na nararamdaman niya. Pero may magagawa pa ba ako para mabago iyon, kung ako rin naman ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya?
"I'm sorry." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya pero ilang sandali lang ay natawa siya ng mahina kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.
"Don't say sorry. It's not your fault anyway, it's me who's at fault." Napatitig na lang ako kay Mitsuo. Nakangiti siya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Nasasaktan ako para sa kanya. Dahil kahit na alam ko ang nararamdaman niya para sa akin, ni minsan ay hindi ko man lang iyon ibinalik sa kanya. Hindi ko man lang tinangka na mahalin ko siya.
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
AksiyonEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...