Chapter 30: Good Bye

5.2K 126 3
                                    

Chapter 30: Good Bye

Alice Point of View

Nagho-hop ako habang nasa hallway ako. Late na nga ata ako pero keribells ko 'to. Push ko na ang pagiging late ko, kung late nga ako. Hindi ko kasi suot yung wristwatch ko tapos na 'kay best friend Louie yung phone ko. Hiniram niya kahapon, pero nakalimutan kong kunin.

"Allison!" Tumigil ako sa pagho-hop ko at lumingon. Winave ko ang kamay ko ng makita ko si best friend Louie na tumatakbo papunta sa direction ko. Napansin kong hawak niya sa kaliwang kamay yung phone ko. Pagkatigil niya sa harap ko ay agad niyang inabot yung phone ko. At inaya na ako papuntang classroom.

Tinignan ko ang phone ko at nagpasimangot ako nang makita ko na isang oras pa bago ang class namin. Napa-facepalm nalang ako. Ayan ang napapala ng hindi tumitingin sa wall clock. Nasa bahay palang sana ako ngayon at ine-enjoy ang pagkain ng breakfast. Tsk!

Sayang yung masarap kong breakfast. Yung mga fruits ko na strawberry at ripe mango. Yung chocolate ko rin na nasa refrigerator sa room ko. Na nakalimutan kong kainin kagabi kasi agad akong natulog. Kawawa yung mga baby chocolates ko.

"Pagkain na naman iyang iniisip mo. Tara na! Tara na! Maagang pumasok si insan Nathalie ngayon eh." Nauuna ako sa kanya dahil nagho-hop ulit ako. Mukha akong kangaroo habang nasa tabi ko lang si best friend Louie na naglalakad lang.

Pero napatigil ako sa pagho-hop ko ng bigla akong kinabahan. Pero hindi ko nalang pinansin, gutom ka lang Alice. Kakain ka nalang. Nagtatakang lumingon sa akin si best friend Louie nang tumigil ako sa pagho-hop. Nauuna na siya sa akin eh. Iniling ko nalang ang ulo ko at tumatakbo akong lumapit sa kanya.

Pagkaliko namin sa hallway ay sabay kaming napatigil sa paglalakad dahil sa walang tao sa hallway. Kung meron man ay nagmamadali sila. At parang takot na takot silang dumaan sa harap ng classroom. May nangyaring kakaiba kaya? Napahawak ako sa dibdib ko ng may lumilipad na upuan ang lumabas sa pinto ng classroom. Kasunod noon ay may mga nabasag. Maglalakad na sana ako papalapit sa classroom pero pinatigil ako ni best friend Louie.

"Ako na muna ang papasok. Kapag wala ng lumilipad na bagay ang lumalabas sa pinto ng classroom ay tatawagin na kita. Promise me first Allison, i know you." Nag-promise ako kahit na gustong-gusto ko ng sumunod sa kanya. Curious kasi ako eh. Feeling ko may kakaiba talagang nangyayari sa loob. Hindi magandang nangyayari.

"Emp! Tama na yan!" Nanlaki ang mata ko ng makita kong tumumba si best friend Louie sa corridor. May dugo ang gilid ng labi niya at may pasa ang kanan niyang pisngi. Lalapit na sana ako sa kanya pero lumabas si Kuya Wynd at napatakip na lang ako ng bibig ng makita ko ang kamay niya na may bahid ng dugo. Wala rin ang coat niya at hindi maayos ang necktie niya.

Dinampot niya si best friend Louie mula sa pagkakaupo gamit ang paghawak sa uniform niya. Pipigilan ko na sana si Kuya Wynd sa balak niya pero may humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay si Kuya Trale. Umiling siya at tumingin kay Kuya Wynd na nakayuko lang habang hawak pa rin niya sa polo si best friend Louie. Ilang segundo lang ay tinulak niya si best friend at tumakbo siya paalis.

Agad akong lumapit kay best friend Louie na nakasandal sa wall habang pinupunasan ang gilid ng labi niya na patuloy pa rin sa pagdugo. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si Kuya Wynd pero alam kong may malaki siyang dahilan kung bakit siya nagkaganun. "Summer! Bakit ang daya-daya mo? Bakit ka ba nang-iiwan ah?"

Napatigil ako sa pag-aayos ng polo ni best friend Louie dahil sa narinig kong pagsigaw ni Nathalie. Si Summer? Anong ibig niyang sabihin na nang-iwan? Umalis ba si Summer? Saan siya nagpunta? Iniwan niya ba kami? Kaya ganun si Kuya Wynd? Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko. At napahigpit na ang kapit ko sa polo ni best friend Louie. Agad-agad kong inalis ang pagkakahawak ko sa polo ni best friend Louie at inayos ko iyon kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha ko.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon