Chapter 58: I'm the One and Only
Reina's Point of View
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o tatahimik na lang dahil sa mga nangyari kanina. Pero sa bandang huli ay tumahimik na lang ako sa awkward na awkward ang pakiramdam ko ngayon.
Pinatawad ni Emperor kanina ang mga sumugod sa kanya. In the first place, papatawarin niya talaga ang mga iyon dahil nadamay sila sa ginawa kanina ng babaeng mahal na mahal niya, walang iba kung hindi si Empress.
Medyo naaawa nga ako sa kanila dahil sa ginawa ni Summer. Nadamay sa away nila? Wait, away ba talaga ang tawag doon?
"Reina, are you with us?" Nabalik naman ang pag-iisip ko nang tawagin ni Ate Reese ang attention ko. Nag-sorry ako at nakinig na talaga sa mga sinasabi niya.
"As I was saying awhile ago, wala na munang competition ang mangyayari sa mga gang natin. Napapayag ko na rin ang higher ups about dito." Napangisi ako nang maalala ko ang ginawa ni Ate Reese kanina para mapapayag niya ang mga nasa higher ups.
Tinakot niya, of course in a Reese way.
"Pero hindi ibig sabihin nito ay magkasundo na tayo. Magiging magulo ang Underworld kapag bigla iyong nangyari. I want every thing in there right places first before the peace that everyone wanted to have. Any words, Emperor, Empress?" Dahil nasa Underground kami ngayon ay bawal naming hindi galangin ang mga nasa taas. Kahit si Ate Reese pa na mas matanda kina Emperor at Empress.
Well, it's the number one rule of the Underground. Respect who are in the throne.
Pagkatapos nang meeting ay umalis na kami sa Underground. Kailangan rin naming magpahinga kasi ilang araw na kaming walang maayos na tulog dahil sa nangyari kay Summer.
"And where do you think you're going?" Papasakay na sana ako sa kotse ni Kuya Ken nang may humawak sa wrist ko. Bigla akong kinabahan nang sumalubong sa akin ang nakakunot noo at seryosong si Natsu.
Hindi ko maiwasang mapalunok. Ilang araw ko na siyang iniiwasan. Kasi naiilang ako.
Bago ko pa mabuksan ang bibig ko para magsalita ay hinila na niya ako papunta sa motorbike niya. Alam kong kaskasero sina Ate Reese at Kuya Ken, pero mas kaskasero sa kanila si Natsu. Lalong-lalo na kapag mainit ang ulo niya.
Nang patakbuhin na niya ang motorbike niya ay hindi ko maiwasang ibaon sa likod niya ang ulo. Oh God! Please help me! Sana buhay pa ako pagkatapos ng ride na 'to!
Allison's Point of View
Back to normal na ang lahat. Actually, gusto ko pang may action na nagaganap dito sa University. Buti pa nun ay walang pasok at para ka lang nanonood ng movie. In the second thought, huwag na lang, kasi I hate blood.
I yawned as I looked at the chalkboard. I'm bored. Para naman kasing nagno-nobela ang prof namin.
Napangiwi ako nang tumingin siya sa akin nang masama. Tinuro niya ang labas kaya nagkakamot ulong tumayo ako habang pinipigilan nina Sophia, Jc, at Nathalie ang mga tawa nila. Sinimangutan ko lang sila at lumabas na ng room.
Habang papunta ako nang disciplinary office ay parang may babae akong nakita sa isang gilid kaya naglakad ako papunta sa kanya.
Ay! Kamukha ni Summer sa likod.
Binilisan ko ang lakad ko pero sadyang mabilis siyang maglakad. Nag-try ako na tawagin siya pero mukhang hindi niya ako naririnig.
Sa kakasunod ko ay hindi ko na namalayan na malayo na pala ako sa disciplinary office at nasa parking lot na pala ako.
"Summer?" Napalingon-lingon ako nang malaman ko na lang na wala na pala siya. Hindi ko na siya makita.
Kaya nagpasya na lang ako na pumunta na talaga sa disciplinary office.
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
AcciónEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...