Chapter 29: Please, Return
Summer's Point of View
EB, hindi ka ba masaya na makita kami ulit?" Napaupo nalang ako dahil sa sobrang panginginig ng mga tuhod ko. Alam ko na ang patutunguhan ng pag-uusap na ito. Hindi ba ako pwedeng maging selfish kahit ngayon lang?
"Evane, they need you. They need your help. Si Ate Reese mo, nasa panganib siya ngayon. At kailangan nila ang tulong mo." Tumingin ako kay Lolo at nagsimula ng magluha ang mga mata ko. Alam kong gusto na akong pabalikin ni Lolo sa gang, pero paano ako? Paano ang pangarap ko?
"Empress, we need your help. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa amin. Because your not officially uncrowned."
What?!
Nagsimula ng mahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Bakit? Bakit hindi niyo inalis sa akin ang crown? Bakit hindi niyo sinabi na ako pa rin ang Empress? May tahimik na akong buhay, may mga kaibigan na ako. Pero bakit kung kailan natutunan ko na silang mahalin bilang pamilya ko tsaka niyo pa sinasabi ito?"
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at niyakap niya ako. "Baby EB, ayaw ka naming umalis sa gang kaya hindi namin sinabi sayo. Pero Baby, kailangan mong bumalik. Kasi hawak ng Blood Gang si Reese. Please, nakikiusap ako sayo Summer. Bilang kuya mo man lang. Iligtas mo si Reese, i can't lose her. I can't. Please, return being the Empress Summer. Please."
Niyakap ko si Kuya Ken ng magsimula na rin siyang umiyak. Kapag bumalik ako sa kanila, babalik na ako ng Japan. Doon ulit ako titira at babalik ako bilang gangster. Hindi ko na ulit sila makikita dahil hindi na ako pwedeng bumalik dito. Magsasanay ulit ako para makuha ko sa kanila si Ate Reese.
"Sige babalik ako. But please give me enough time. Aalis na tayo bukas ng madaling araw. Good bye. Uuwi na ako." Wala na akong ibang sinabi pagkatapos ay dinaanan ko lang sila. Tumingin ako sa wristwatch ko at 5:30 na. Umuwi na niyan sina Comet.
Pumunta ako sa locker ko at kinuha lahat ng gamit ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng papel at nagsulat. I rest my forehead to my locker's door. This is my last day at hindi ko napaghandaan ang araw na ito. "Hindi mo man lang ba sasabihin sa kanila na kailangan mong umalis?"
Tumingin ako sa taong nasa dulo ng mga locker. Binitawan ko ang mga hawak kong gamit at tumakbo palapit sa kanya tsaka siya niyakap. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Nanginginig ang balikat ko habang nakayakap pa rin sa kanya. Sawa na ako sa kakaiyak pero ang bigat na ng pakiramdam ko. Ayaw din tumigil sa paglabas ng mga luha ko sa tear ducts ko.
"Ayaw kong umalis. Pero kailangan kong bawiin sa kanila si Ate. Mahalaga sa akin ang pamilya ko, pero paano sila? Pamilya ko na rin sila. I can't leave them, but i need to save my cousin. Please huwag mong sabihin sa kanila na umalis na ako. Let them know. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako, pero tatanggapin ko man ng maluwag kung magagalit sila sa akin. Lalo na si Comet."
"Okay, i won't tell them. But please stop crying, your eyes are already puffy." Pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya. Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko at ngumiti sa kanya.
May silbi rin pala ang pag-alis ko dahil ang haba ng mga sinasabi niya ngayon. Pero habang nag-uusap kami sa mga bagay-bagay ay tumutulo pa rin ang mga luha ko. Mga walang patawad ang mga mata ko eh. Kinapa ko ang panyo ko sa bulsa ng palda ko pero hindi ko mahanap. Pupunasan ko na sana ang mata ko gamit ang kamay ko dahil malabo na ang paningin ko pero may dumampi na malambot na tela sa mukha ko.
Panyo. Tinanggap ko ang panyo at pinunasan ko ang mga luha ko. Inalis ko muna ang salamin ko at pinunasan ko ito para maalis ang mga luha ko doon. Ginulo niya ang buhok ko kaya sinimangutan ko lang siya. He chuckled.
"Nakahanda na ba ang mga gamit mo sa pag-alis mo?" Tumingin ako sandali at tumingin sa ibang direction. Naptsbuntong hininga nalang ako at umiling. Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Nakaupo kami sa sahig ng locker room. Narinig ko rin siyang nagbuntong hininga at binalot na ng katahimikan ang paligid.
Ilang minuto lang ay nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil gabi na. Pero ako ayoko pang umuwi.
"Huwag kang uuwi dito ng may pasa ang mukha. Or i will hunt that someone who punch you in your face. Got it?" Tumango ako at ngumiti ng pilit. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa paglalakad niya sa kabilang direction. Nagtaka ako noong tumingil siya at tumingin ulit sa direction kung saan nakatayo pa rin ako.
"By the way Empress Summer, i will be the one to guard the Princess. I will come after them. Just take your time. We love you. And i know you knew it all the time. I wish you will be back after some months. Take care Empress Summer and see you again." Tumalikod na siya at wi-nave ang right hand niya.
Pinanood ko lang sya hanggag sa mawala siya sa paningin ko. Napangiti nalang ako ng maalala kong tinawag niya akong Empress. Alam niya kung sino ako at hindi siya galit. Dahil ayaw kong pang umuwi ay pumunta muna ako sa guard house para makipagkwentuhan kang manong guard na naging malapit sa akin noong umiiwas ako sa lahat.
"Oh Summer. Gabi na. Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ni Kuya Ramon. Alam niya kung sino talaga ako, hindi ko sinabi nakilala niya lang daw ako pagkapasok ko palang dito. Dati pala siyang body guard ni Lolo pero in-assign siya dito dahil sa mga gangster na pumapasok dito.
"Aalis na po ako bukas manong. Babalik na ako ng Japan. Ayoko man na umalis pero nakasalalay sa akin yung buhay ng Ate ko. Ayokong umalis manong, pero mahalaga rin sa akin ang pinsan ko." Nagsimula na namang tumulo ang luha ko kaya tinakpan ko ang mukha ng dalawa kong kamay. Pinabayaan ako ni manong na umiyak. Wala siyang sinasabi na kahit anong. Basta pinakinggan niya lahat ng gusto kong sabihin.
"Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman manong. Aalis ako para sa Ate ko na mahalagang-mahalaga sa akin. Pero maiiwan din dito ang mga taong nagpahalaga sa akin at minahal ako. Hindi ko na alam manong." Umupo siya sa harap ko at pi-nat ang ulo ko. Para akong bata sa ayos ko ngayon na nagsusumbong dahil inaway ng kalaro niya. I looked defeated.
"Hindi nila alam kung sino ka. Pero alam nating dalawa na darating yung araw na malalaman nila kung sino ka. Kapag kaya mo ng bumalik, balik ka ulit dito. Pinaglalaruan ka ng tadhana Summer. Pero dadating din iyong araw na magiging masaya ka. Hindi pa ngayon ang tamang oras. Kasi may mission ka pa na dapat tapusin. Huwag kang mag-aalala. Babantayan ko sila para sa iyo. Iyon lang ang maipapangako ko sa'yo." Tumango ako at ngumiti kay manong.
Tama siya, kailangan ko munang tapusin ang lahat ng dapat kong gawin. Kung si Comet talaga ang para sa akin ay magkikita pa rin kami kahit anong mangyari. Hindi malayong magalit siya sa akin dahil sa pag-alis ko ng walang paalam. Pero gagawin ko ang lahat para makabalik dito. At aayusin ko ang mga dapat ayusin. Kung hindi na ako makabalik, sana mapatawad nila ako sa pang-iiwan ko. Kung hindi, tatanggapin ko iyon ng buong puso.
"Salamat po manong. Uwi na po ako." Kinuha ko na lahat ng gamit ko at nagpaalam na kay manong. Bago ako tuluyang makalabas ng gate ay nilibot ko muna ang paningin ko. Kahit sa konting buwan na dito ako nag-aral ay minahal ko na ang school na ito. Kahit na binu-bully ako dati. Na hindi alam ng mga Princess.
Marami akong ala-alang babaunin. May mga masaya, lalo na noong nakilala ko ang mga Princess. Walang araw na hindi nila ako napangiti dahil sa kakulitan nila. Ang bangayan nila Jc at Michael, naalala ko kung paano sila nag-away dahil sa isang piraso ng strawberry. Sina Rain at Sophia na in-denial pareho. Na halata naman sa mga kilos nila na may nararamdaman sila sa isa't-isa.
Ang masaya na, na sina Nathalie at Gabrielle. Naging saksi ako sa love story nila at masayang-masaya ako kung ano mang estado nila ngayon. At si Alice at Louie na matalik na mag-best friend pa rin hanggang ngayon. Ang dalawang pasaway sa grupo. Naalala ko rin ang unang kita ko sa Black Dragon Gang.
Ang akala kong bagong buhay ay naging maingay dahil sa kanila. Pero nalabas ko ang totoong ako.
Ang totoong Evanescence Summer Nakashige Greene.
***
(c) PixieNuary
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
ActionEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...
![Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/46320578-64-k434362.jpg)