Chapter 1

20.4K 317 34
                                    

Chapter One

Welcome to Philippines

Evanescence Summer Nakashige's Point of View

Walang ingay akong umakyat ng grand staircase at maingat na sinara ang pinto ng room ko. Tsaka ako mabilis na pumasok ng bathroom at naligo. I wore an oversize shirt and a pair of cotton pajama before jumping on my bed without caring to dry my hair.

But because I don't want to catch a cold, even though I'm too tired to stand up and get the blower, I still did it and immediately sleep after.

Kinabukasan, ten A.M na akong nagising. Dahil nasa bahay lang naman ay hindi na ako nag-abalang magsuklay. I did my morning routine before going out to eat breakfast.

Pero ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita ko si Mom sa labas ng room ko. Halatang hinihintay akong lumabas. Nakataas ang kaliwang kilay niya habang naka-cross ang mga braso niya.

"You went home late last night, my dear daughter." Iyon pa lang ang sinasabi ni Mom ay hindi ko na alam kung saan ko pupulutin ang palusot ko. "Where did you go?"

"Sa labas lang po Mom." I answered but she intently stared at me as if she's looking at my soul. Ilang segundo nang nakatitig sa akin si Mom kaya hindi ko na talaga alam kung saan ko pa ibabaling ang tingin ko. I looked definitely guilty!

"Ikaw talaga magpapalusot ka na nga lang, alam na alam pa." When I heard her chuckling, I immediately went to her and lovingly hugged her.

"Mom naman. Alam mo naman kung saan ako nagpunta. Tinatakot mo pa ko." Nakangusong sabi ko at agad na nagsisi dahil inipit niya ang labi ko sa dalawang daliri niya.

"Manang-mana ka sa Dad mo. Mga hindi marunong magpalusot." Sabi niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

Napatingin ako sa may likod ni Mom ng makita ko si Dad na papalapit sa amin. He hugged Mom from the back and kissed me on my forehead.

"I heard you saying that she took after me." Iyon pa lang ang sinabi ni Dad ay mabilis akong lumayo kay Mom ng umikot siya at hinampas niya si Dad sa may balikat nito habang tinatawanan lang siya ng una. "She's a Nakashige after all."

"Shut up, hapon. Hindi ka na sisikatan ng umaga kapag hindi ka pa nagtigil dyan." Napahagalpak na lang ako ng tawa dahil sa sinabi ni Mom, na halatang naasar sa sinabi ni Dad dahil ayaw lang talagang aminin ni Mom na kaugali ko si Dad.

Nang makabawi si Mom sa pang-aasar ni Dad, sinabi ni Mom na kamukha naman niya daw ako kaya okay lang, ay natapos na ang pag-aasaran nila. Ilang months na lang at magco-college na ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ni Dad na kamukha talaga ako ni Mom. Ang sabi naman ni Mom ay wala naman magagawa si Dad since hindi naman siya ang nagdala sa akin for 9 months.

"See you later, sweetheart. We'll talk later. Kaya huwag kang tatakas. Sermon aabutin mo sa'kin." Mom warned but after she left first, to get her bag, Dad motioned me to go near him.

"Don't worry. I'm sure your Mom will forget about it later." Dad gave me an okay sign. "I'll backed you up!"

"Thanks, Dad!" I kissed his cheeks before they went out.

Dahil sa pag-aasaran nila kanina ay muntikan nilang makalimutan na may get together sila ng mga kaibigan nila. Mabuti na lang ay naalala kong ngayong araw yon, kung hindi nakalimutan na talaga nilang dalawa.

Bumaba na ako at nagpunta na ako ng kitchen. May mga nakakasalubong akong mga maid at binabati sila ng good morning, I even encountered butler Micke and also greeted him a good morning before proceeding to kitchen.

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon