Chapter 14: Concern
Summer's Point of View
"Achoo!" Tinapon ko ang tissue sa trash can at kumuha ulit ng bago. Inagaw ko pa ang tissue na bagong bili sa kanya. Ang sakit ng ilong ko. Ngayon na lang ulit ako nagkasakit ng ganito.
"Ang pula ng ilong mo. Hahaha, ang cute lang. Rudolf the red nose raindeer." Piningot ko ang tenga niya para tumahimik siya. May oras pa pala siya para tawanan ako dahil ang pula ng ilong ko.
"Tumigil ka nga. Achoo!" I sniff. Wala akong lagnat pero masakit ng konti ang ulo ko at ngayon sinisipon pa ako. Dapat pala hindi na lang ako natulog doon at ginising na lang si Comet.
"Bakit mo ako piningot! Wala ngang humahawak ng tenga ko tapos ikaw hahawakan mo lang ng ganun ganun lang? Unfair!" Muntikan naman akong matawa sa sinabi niya. Para siyang bata sa sinabi niya. Pero nginisian ko na lang siya.
"Huwag mo akong ngingisian ng ganyan kamag-anak ni Rudolf." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Pero siya binigyan niya lang ako ng nakakaasar na ngisi. Ang ngising gusto kong alisin sa kanya kapag naiinis ako.
Lumabas na muna siya ng room dahil may kakausapin daw siya. May nagsasabi sa akin na kailangan kong lumabas kaya kinuha ko ang jacket na pinahiram sa akin kanina ni Comet at sinuot. Pinalitan ko muna ang damit ko at tinali ang buhok ko. Kinuha ko ang face mask ko at nilagay sa pocket ko. Dahan-dahan akong sumilip, nag-iingat lang ako.
Lumabas na ako nang wala akong makita na tao na pakalat-kalat sa labas. Saan nagpunta ang mga tao dito? Lumabas na ako ng bahay dahil nakakabagot sa loob. Naglakad-lakad ako sa dalampasigan, para maarawan naman ako. Pero napatigil ako sa pagtingin ko sa mga bato noong may nagrinig ako ng nagdi-dribble sa hindi kalayuan. Kahit hindi ko tignan alam kong mga gangster sila. Nakatingin sila sa direction ko.
Tumingin ako sa likod ko at wala namang tao. Kami lang ang nandito. Naglakad ako papunta sa mapunong part na malapit lang sa dagat. Hindi sa forest. Naramdaman kong sumusunod sila sa akin kaya kinuha ko sa pocket ng jocket na suot ko ang face mask ko. Magagamit rin pala ang binibigay nila sa aking ganito.
Tumigil ako sa paglalakad noong malayo na kami sa bahay. Marami na rin puno dito, walang makakakita sa amin dito. Humarap ako sa kanila at binigyan sila ng blanko at malamig na tingin. Sabay sabay naman silang naglabas ng kutsilyo at baseball bat. Nauna silang sumugod papunta sa akin. Hindi ako umalis sa lugar ko at hinintay lang na makalapit sila sa akin.
Bago pa mahampas ng isa sa kanila ang baseball bat sa akin ay sinipa ko na siya sa vital part niya sa leeg. Hindi naman malakas pero tama lang para matulog siya ng ilang oras dito. Nakita ko na may pasugod sa likod ko na may hawak na knife kaya yumuko ako at sinuntok ko siya sa tyan at panghuli sa mukha. Umikot ako at hinarap ang isa sa kanila na may hawak rin na knife. Tumalon ako at nagpaikot-ikot ako sa ere at sabay-sabay ko silang pinagsisipa sa mukha.
Pagkababa ko ay iilan na lang ang natira sa kanya. Sabay-sabay pa silang sumugod sa akin habang may hawak na baseball bat. Tumalon ako at umupo sa puno. At tinignan ang nangyari sa kanila. Sabay-sabay nilang pinalo sa akin ang baseball bat pero dahil tumalon ako ay sila ang nagkatirahan. Tumayo ako sa sanga ng puno at tumingin sa paligid. Baka may nakakita sa ginawa ko sa mga mayayabang na gangster na ito.
Kinuha ko ang necklace na palaging nakatago sa damit ko para makita. Isa itong bullet na may secret way ng mga bagay. Ako ang gumawa at nagdesign ng necklace na ito. Kung titignan ay simple lang ito pero kapag alam mo na ang gamit nito ay baka matakot ka. May mga patalim itong nakatago sa loob niya. Paano sila nagkasya sa loob ng bullet pendant? Dahil ginawa ko talaga ito na kasya ang mga paborito kong knife.
Inayos ko ang salamin ko at bumaba na ng puno. Pagkababa ko ay maglalakad na sana ako pero may nakita ako. Bakit may nakita na naman ako na nagpapaalala sa dati kong buhay? Butterfly, tumalikod na lang ako at naglakad na lang ulit. Hindi ko alam kung sadyang coincident lang na may lumilitaw na butterfly pagkatapos kong makipaglaban o sadyang meron lang talagang butterfly.
Napatigil ako ulit at humarap sa dagat. Malamig ang hangin at makikita ko talaga dito sa kinatatayuan ko ang kulay na asul na dagat. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang kaluskos ng mga dahon na gumagalaw dahil malakas ang hangin at ang ingay ng mga alon dahil sa paghampas ng tubig sa mga bato.
"Bakit ka lumabas ng room? Baka matuluyan kang magkasakit niyan." Hindi ko alam kung bakit ako napangiti dahil sa sinabi niya. May sariling utak ang labi ko kaya ngumiti. Tumingin ako sa kanya at nagkibit balikat. Binalik ko ang tingin ko sa dagat at pinasok ko sa pocket ng jacket ang dalawa kong kamay.
Tumabi naman siya sa akin at tahimik na nakatingin din sa dagat. Napatingin naman ako sa kanya, ngayon ko lang siya tinignan ng ganito. Walang black aura na pumapaligid ngayon sa kanya, payapa ang expression niya at hindi nakakunot ang noo niya. At kaninang namamasyal kami sa gubat at kaninang nasa room kami. Tumatawa siya at ako pa lang ang nakakakita ng ganoong side niya.
Maswerte ba ako doon? Dahil nakita ko ang ibang side ng Emperor? May pagkachildish din siya at pagkamakulit. Ang mga side niyang yun na hindi ko nakikita sa kanya kapag nasa school kami. Madalas kasi poker face lang siya at hindi nakangiti. Malamig din ang pinapakita niyang expression at palaging mainit ang ulo niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Should i consider myself as a lucky lady?
"Tara na. Pumasok na tayo, nilalamig ka na." Bago pa ako makapagsalita ay nakapiggy backride na ako sa kanya. Bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito?
"Bakit mo ito ginagawa Comet?" Kasabay ng pagkatigil ko ay tumigil din siya sa paglalakad. Bakit ko ba siya natawag na Comet? Kumapit na lang ako ng mas mahigpit sa kanya at isinandal ko ang ulo ko sa likod niya.
"I'm sorry. Natawag kita sa second name mo. Pabayaan mo hindi na mauulit." Mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagsosorry in the first place. Pero bigla kasing nagbago ang aura niya.
"Ayos lang kung tawagin mo akong Comet. Nabigla lang ako dahil ikaw lang ang tumawag sa akin ng second ko. Tungkol sa tanong mo. Hindi ko alam ang sagot. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko." Nagsimula na ulit siya maglakad kaya tumahimik na lang ako at hindi na nagtanong.
Hindi rin kami malapit sa isa't-isa kaya wala akong karapatan na tanungin siya sa mga bagay-bagay. Ang bango niya, yung pabango niya hindi masakit sa ilong. Pumikit ako dahil inaantok ako. Pero bago pa ako makatulog ay may sinabi pa siya na hindi ko maintindihan. Hanggang sa makatulog ako na ang pabango niya ang naaamoy ko.
Wynd Point of View
Napangiti ako dahil sa ginagawa niya. Inaamoy niya kasi ako at para siyang bata na nakakapit sa akin ngayon.
"Hindi ko alam kung anong ginagawa ko." Nasabi ko na lang. Alam ko namang hindi niya iyon maririnig. Narinig ko ang malalim niyang paghinga. Tulog na naman siya. Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa makapasok kami at nakasalubong ko pa si Ate Narrisa sa hallway. Dinaanan ko lang siya pero nakakailang hakbang pa lang ako nang tawagin niya ako.
"Take care of her." Magsasalita pa lang sana ako nang pumasok na siya sa office niya. Si Ate Narrisa. Isa siyang misteryosong babae. Katulad ng babaeng nakapiggy backride sa akin. Hindi ko mabasa ang mga kilos nila. Pagkapasok ko sa room namin ay inihiga ko na siya sa kama niya at kinumutan siya.
"Maybe, i'm just concern. I don't know." Nasabi ko na lang pagkatapos ay humiga na ako sa kama ko at pumikit. Hindi ko alam. Maybe, just maybe.
***
Abangan! Chapter 15: Heartbeat
Ano ba itong nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko? Ano nga bang tawag dito?
BINABASA MO ANG
Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]
AcciónEMPRESS BUTTERFLY (BOOK 1 & 2) Summer never experienced how to have a normal life. She's Evanescence Summer Nakashige after all, the granddaughter and the only heiress of Nakashige's group of company. She's also the leader of Black Royalties Gang. S...